FUTURE [20]

1.3K 31 8
  • Dedicated kay FGRV
                                    

Chapter 20

Next week na ang monthsary namin ni Irvin! :)) Haha, natuwa naman ako agad sa isipin na iyon. Aba? Kahit pala ang tagal na naming magkasama grabe hindi kami nagtatagal pag nasa relationship. sana naman, whatever na problema ang nagbabalak dumating, wag na. Hindi na lagi natutuloy monthsary namin ehh.

Dadalaw sa bahay ngayon si Irvin. Si irvin, hindi ko naman aakalain na nakabuntot na naman si Jarah. Bakit ba kailangan kasama siya? Ano siya chaperon? Like duh? Why is it always her? Pati si Levi nilalandi niya. sapakin ko siya eh.Joke..

Pagkarating an pagkarating ni Irvin, niyakap niya ko , tiningnan ko si Jarah na mukhang inis na inis at ayaw na ayaw ang nakikita niya. Bleh,

"Namiss kita.." sabi ni Irvin, joker talaga toh. Kahapon lang nagkita din kami eh.

"Bola bola mo! Baka nga nagsasawa ka na sa pagmumukha ko.. Inaraw araw mo na eh.. Lagi ka ng napunta dito... pati yang alipores mo.." mahina lang yung pagkakabanggit dun sa last words.. Napangiti naman siya, ibig sabihin sang ayon siya! I know right. :)

"Bakit ako magsasawa sayo? Love na love na love kaya kita!!!" tapos pinagpipisil niya ang ang pisngi ko...

"Ah ah!!! Pag yan, nastretch! >//<"

"Yaan mo na :)) Tara sa c-park?" Naglakad lakad kami ni Irivn kasama ang buong barkada , wow namiss ko sila... Kung ano ano ang pinagkwentuhan eh!! Yung kalokohan sa klase at mga pinagsasabi ng professors..

Alam niyo yung nakakainis?

Yung magkaholding hands kami ni irvin, tapos nagpupumilit sumabit si Jarah? Konting hiya naman di ba?

"Babe, upo ka dito oh.." pinagpagan niya yung upuan tsaka ako umupo...

Pagkaupo ko, bigla siyang bumulong sakin.. "Oy. Takas tayo, dali!! Pag bilang ko ng tatlo, takbo babe ahh..."

Lahat ng kalokohan nalaman na nito..

"One." nagready na ko.

"Two." Hinawakan niya kamay ko at pinagtinginan na kami ng buong barkada, siguro nagtataka kung bakit kami ngabibilang,.

"Three. GOOOOOOOOOOO!" nagsimula kaming tumakbo ni Irvin habang nagtatawan :) Si Jarah naman sigaw ng sigaw..'IRVIN! COME BACK HERE!!! You know you can't escape...'

Medyo natigilan ako, pero di ko masyadong binigyan ng pansin.

'IRVIN! COME BACK HERE!!! You know you can't escape...'

'IRVIN! COME BACK HERE!!! You know you can't escape...'

he can't escape from what?

Nakita ko si Irvin na tumingin sakin,. Ngumiti siya, yung ngiting masaya pero may kulang... may kulang sa kanya...

Tumakbo kami hanggang umabot kami sa Vega sa rooftop.. nasa harap namin yung pinakamagandang tanawin... Para sakin kasi, it doesn't matter how beautiful the place is, depende pa din yun kung sino yung kasama mo... Kung yung kasama mo yung dahilan kung bakit masaya ka, bawat lugar na pupuntahan maganda... and you'll always think its perfect...

tsaka ko lang napansin si Irvin sa tabi ko, lumingon ako sa kanya at nakita kong nakatitig lang siya sakin , bakit ba parang may inaalala pa din siya?

"Babe. kahit anong mangyare, don't let me go ha.... Please, wag ha??"

Napakunot ang noo ko, pero baka nga naman ayaw niya lang mawala ako sa kanya at mawala siya sakin..

"Oo naman... Wala namang nag-uudyok na pakawalan ka eh :) Wala pa kong nakikitang sapat na rason para gawin yun..."

"Pag may nakita ka, paano na?"

"Depende pa din... Alam mo namang di ko gagawin ang isang bagay unless kailangan talaga... let's not talk about it :)) Ayokong isiping mawawala ka sakin..."

"ako din... Ayokong isiping mawawala ako sayo..."

Binigyan ko lang siya ng isang napakatamis na ngiti..

"Magpinsan si Jarah at Levi.."

O__O "ha?!"

"kasi naman baka nagseselos ka, eh magcousin yung dalawa na yun!!"

"mukha mu. XD kala ko kasi may something sa kanila... ayoko si Jarah kay Levi pag nagkataon :P"

"mabait si Jarah, dea... " bakit ba parang pinagtatanggol niya pa yun? "katulad mo, hindi din siya gagawa ng isang bagay unless kailangan talaga at alam niyang ikakabuti yun ng iba.. "

"Kinompara mo talaga ako sa kanya?"

"Hindi naman sa ganun..."

"Hinanap mo ko sa kanya, di ba?"

"Oo...."

"at nung panahong yun, alam mo simula pa lang na hindi ako yun... Ibig sabihin, simula't sapul, si Jarah yung tiningnan mo... hindi mo na ko hinahanap sa kanya... kinikilala mo na siya.."

"wag na nating pag usapan..." bakit umiiwas siya sa usapan?

"She said, you can't escape... Escape from what Irvin?"

"From the truth.. "

"anong katotohanan?"

"Wala yun... basta mahal kita... Yun lang naman ang mahalaga di ba???"

Dahil sa pagpupumilit niyang iiwas yung usapan.... napapunta tuloy kami sa FUTURE...

"Eyedea, san mo gusto tumira pag mag asawa na tayo?" napatawa naman ako dun, talagang mag asawa na??

"sa bahay... "

"Ambaliw mo, siyempre saang lugar??"

"sa lupa..."

"Seriously? Gusto mo ba sa tabi ng dagat? " ansarap talagang barahin ni Irvin eh :P

"Ayoko nga. Baka maalon pa ko." Binigyan niya ko ng ano-ba-look.. "alam mo, hindi mahalaga yun okay??? Basta ikaw yung kasama ko sa isang lugar, ayos na ko dun... Wala na kong dapat isipin at ipagalala kasi kung bagyuhin ang barung-barong natin, andiyan ka para sagipin ako.. basta, ano ba? basta sa isang lugar na nandun ka.... "

Napangiti na naman siya.. Hindi niya ba alam kung gaano kahalaga ng ngiti niyang yun sakin? na parang binibigyan niya ko ng pahintulot at karapatan na gawin siyang masaya dahil lang alam kong napapangiti ko siya.. Yung ngiting yun, yun yung ngiting gusto kong makita hanggang sa huli... Gusto ko ngiti niya yung huli kong masusulyapan...

"Kung ako ang masusunod, gusto ko sa tabi tayo ng dagat .. papagawa ako ng mansion dun.. Tapos gusto ko tuwing 5:00am in the morning, sabay tayong gigising para saksihan ang ganda ng sunrise at magtampisaw sa dagat... Ang sweet tingnan eh :)) Namiss ko ng maging sweet sayo :)) Naubusan na ata ako ng taktika XDD"

Nung sinabi niyang KUNG SIYA YUNG MASUSUNOD. natawa ako :) kasi naman, ibig sabihin magpapa under siya? :))

Itinaas ko yung kamay ko..... na kasalukuyang hawak ng kamay niya :O

"This is a simple way of showing how sweet you are Irvin... This gesture of not letting go of my hand while we're planning for our future ... it's enough for me :) "

Inilagay niya yung kamay niya sa may baywang ko, yung parang nakaakbay pero nasa may bewang.. Ganun... Inilapit niya ako sa kanya at hinalikan niya yung noo ko...

"Kung pwede lang sanang simulan na ang future ngayon... "

....  

kung pwede lang sana..

Please Say Don't Book Two- Continuation [15]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon