Beki one!

25.4K 410 17
                                    

"Huy! Huy! Laii gising! Baka ma-late tayo." pang gigising ni Bless. Kanina pa gising diwa ko pero ayoko ko pang dumilat. Bahala sya dyan! Kahit 10 minutes pa gusto ko pang matulog.

Teka? Anong ginagawa ng kumag na to dito sa balwarte ko? Agad akong bumalikwas ng bangon.

"Anong ginagawa mo dito? Dapat kinatok mo na lang ako! Dingding lang pagitan ng higaan natin oh?!" sabi kong ganyan habang nagkakamot ng ulo.

"Hoy Nicolai Javier! Kanina pa kita kinakatok! Tulog mantika ka!" nakatayo ng sabi nito at pinamewangan ako. Naku! Kung hindi lang sya gwapo ginamitan ko na sya ng Moon Spiral Heart Attack!

"Ewan! Wait mo ako,maliligo na ako." padabog kong sabi habang nagtatagal ng muta.

"Bilisan mo! Kung ayaw mong putaktihin tayo ni Keez!" anito at lumabas na sa napaka laki kong silid.

Ako si Nicolai Javier,second year college,at isang education student. Laii ang palayaw ko,si nanay kasi,gusto akong maging babae. At yung gumising sa akin,sya si Bless Giovani Tamayo,4th year college,isang HRM student. Ive known him eversince I can remember. Sa squatter area kami nakatira,kahoy na barong barong ang bahay namin,may taas,dati nung bata pa kami ay magkakatabi kaming matulog,pero nung lumaki na kami,nilagyan na ng harang na dingding. Kaya dingding lang pagitan namin sa pagtulog ni Bless.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maalala ang mga pangyayari nung bata pa kami,kapwa kami walang tatay at nanay lang namin ang mga kasama namin ni Bless.

Tanda ko pa,apat na taong gulang ako nun ng lumuwas kami dito sa manila,makikitira daw kami sa kaibigan ni Nanay,pagdating namin naguluhan ako kasi masikip ang lugar,mabaho,madaming tao,pagdating namin dun sa bahay sinalubong kami ng kaibigan ni Nanay at ng isang batang lalaki na pitong taong gulang ata,may dalang basket,ang sabi naglalako daw ng pandesal.

Nagtatahi ng basahan ang mga nanay namin na ibebenta namin ni Bless sa kalsada pag tanghali,doon namin nakilala ang gunggong na si Keez,walang palya sa pagdalaw sa bahay,nakikisiksik eh ang yaman yaman at ang laki ng bahay.

At yon nga,bestfriend kaming tatlo hanggang ngayon. Working student pa din kami ni Bless,sya barista,ako naman crew sa isang fastfood. Ang kulet nga,mula ng makilala ko yang sina Bless at Keez wala ng nang aaway sa akin,kaya nga crush ko ang dalawang yan eh.

"Pwedeng pakibilisan Laii? Male-late ako dahil sayo!"

"Opo koya!"

"Huwag mo akong tawaging kuya! Dalian mo dyan!"

----

Sa school namin,Im just a nobody,mga blockmates ko lang ang mga nakakakilala sa akin. Si Bless at Keez mga kilala dito,kumbaga campus heartrobs ang dalawa. Kaya pag may nakakakitang magkakasama kami,kahit noong unang tapak ko pa lang dito ay tinataasan na ako ng kilay. Pero deadma ko lang,as long as wala naman silang ginagawang pangit sa akin.

"Oh pano,hindi na kita maihahatid sa room mo Laii,may hahabulin pa akong requirements eh." ani Bless ng nasa tapat na kami ng building kung saan ang department ko.

"Sige! Okay lang. Ingat!" ani ko at umalis na sya. Hindi alam sa school na ito na sa iisang bahay kami ni Bless nakatira,hindi talaga ako dito nag aaral,pinalipat lang ako ni Bless para lagi daw kaming magkasama kahit sa school.

Nasan kaya ang Keez na yon? Panay text kanina,hindi naman pala magpapakita.

Paakyat na ako sa hagdan ng may humablot sa akin,halos malaglag ang puso ko sa nerbyos,paglingon ko,si Keez pala!

"Keez!! Walangya ka! Papatayin mo ba ako?" sabi ko habang nakahawak sa dibdib. Hindi na ako magkakape! Ang lakas ko nerbyusin.

"Pasensya naman." nakangiti nyang sabi,labas dalawang dimples,at ang mga mata nyang singkit ay lalong naningkit. "Ano first class mo? Tara at gumala."

He's Dating A Beki,Too! (boyxboy) - COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon