Kabanata XIII

1.5K 48 3
                                    

Third Person

Tahimik na nakaupo ang dalawang magpinsan sa sofa ng living room. Nakabalot pa sila ng mga twalya at tila ba lamig na lamig dulot ng kanilang pagbabad sa tubigan.

"Achoo!" napa-atsing na lang si Red at nagsumiksik pa sa mumunting twalyang nakabalot sa kanyang katawang tila bilog sapagkat niyakap ng kanyang bisig ang kanyang mga tuhod.

"Maligo na kayo. Magpapainit lang muna ako ng tubig." sumangayon ang dalawa sa sinabi ni Sam at umakyat na sila sa sari-sarili nilang kwarto. Tumungo narin si Sam sa kusina at nagpakulo na ng tubig.

Samantala...

Nakamasid si Henry sa bintana, iniisip ng mabuti ang mga nakakagimbal na pangyayari, sa gayon ay maari niyang malaman ang tunay na sitwasyon.

"Di ko maintindihan. Pinatawag kami ni Tito Karl. Sinabi niyang sunduin namin si Red at itago siya sa kung saan man. Binigay siya samin na walang malay. Walang kataka-taka sa kanya maliban na lang sa mga natuyong luha sa kanyang pisngi. Sinabi samin ng panandalian ang nangyari, at yun nga, nakatanggap daw si Tito ng mensahe kay "GC" na patay na si Tita Denise. Hindi ko alam kung totoo man iyon pero hindi ko muna ito pinansin, bagkus, inisip ko muna ang kalagayan ni Red. Nagulat na lang ako kanina ng bigla siyang mawalan ng malay at dugo. Nananakit ang ulo niya, tapos nawala pa ang kanyang alaala. At yung nakita ko sa braso niya,.. sino naman ang magiinject sakanya? At ano ang laman nun? Oh di kaya'y tinurukan lang siya ng pampatulog para kumalma siya. Pero kung pampakalma iyon, bakit naman siya mawawalan ng alaala at ng maraming dugo? Pwera na lang kung may naghalo ng kung ano man sa gamot. Pero bakit di namin makita sa katawan niya? Hayst. Puro pero at bakit. Pano ako makakakuha ng solusyon sa problemang kinakaharap namin ngayon?" sabi pa nito sa isip niya.

Inuntog niya ng onti ang noo niya sa salamin at naisipang pumunta muna sa lab para i-examine muli ang nakuhang dugo kay Red. Nang makarating na siya sa lab ay tumungo siya sa control area doon at nagsimula nang gawin ang layunin niya.

***

Xander

"Oh bro's! Dito na kayo dali! Maganda view dito!" ang manyak talaga netong ugok na toh. Tsk.

"Kung titingin ka lang ng chicks, maganda kung matulog na lang tayo." Sino pa ba magsasabi niyan? Edi yung tulog mantika -_-

"Sus. Wag ka munang kj. Enjoy the view! Minsan na nga lang tayo nakakapag bar eh." tama. Kaya kesyo magkwentuhan pa, tagay lang ako nang tagay. Oh diba, hindi sayang ang pagkakataon.

"Nga pala, totoo ba talaga na detention lang aabutin nung Rachel? Takte pinapatawag tayo nung nanay nung sinakal niya eh. Gusto ng gulo!" napatigil ako sa pag-inom at napatingin kay Kevin na nagopen ng topic. Nagkatinginan kami ni Troy.

"Sapakin mo para tumino!" Yun oh! Parehas kami ng iniisip

"Gago, may back up pa yun na tatay HAHAHA" bwisit kasi yung babaeng yun eh. Namomoblema tuloy kami ngayon.

"Kausapin mo na lang muna. Or pakausap mo sa magulang nung Rachel" sabi ko na lang. Wala naman ring ibang magagawa eh

"Di nga natin kilala yung magulang eh. Nakasulat sa bio niya ay deceased." Pucha

"Yung mga pinsan niya! Diba may kasama siya nun? Hanapan mo ng impormasyon dali!" Biglang sigaw ni Troy. Talino talaga neto!

"Gago di ko dala laptop ko! Tsaka gusto mo maginvestigate ako dito sa bar?!" Oo nga noh.. Binabawi ko na, tanga rin pala itong kambal ko.

"Osiya, magsilayas na tayo dito!" Nagsialisan na kami agad at tumungo sa hq namin.

***

"Paking shit. WALA RIN!" nagulat kami nang nagwala si Kevin at muntik nang maibato ang laptop niya. Tinignan namin ang screen at halos parehas lang ng format na pinapakita nito nung kay Rachel.

DDQ 2: Bloody Red (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon