Kabanata I

5.5K 139 8
                                    

Rachel

"Young lady, pinapatawag po kayo ng iyong mga magulang sa opisina ni Sir Karl." tumango ako sa personal butler ko at binitawan ang baril na hawak ko. Nagte-train ako. Ito ang kautusan sakin nila Mommy at Daddy kaya ay sinunod ko sila. Sabi pa nila ay para daw ito sa sarili kong proteksyon dahil maaari daw maghiganti ang mga kaaway nila noon.

Nag-elevator na ako papunta sa palapag kung nasan ang opisina ni Daddy. Nakakatamad kaya. Try mong maglakad sa stairs ng apat na palapag. Underground kasi ang training room ko. Bale, ang underground ay para lang sa trainings ko. Mayroon ditong gym, garage, at siyempre ay ang training room. Unang palapag naman ay ang living room, kusina, at ang dining room. Pangalawa, ay ang guest floor. Maraming bedrooms, at matatagpuan rin dito ang entertainment room. Pangatlo, eto ang sakop ko. Nandito ang aking bedroom, storage room at ang music room. Panghuli ay ang kayla Mommy at Daddy. Bedrooms lang at opisina ang nandito.

Back to reality, di na ako nagabalang kumatok at dere-deretsong pumasok. Nakita ko ang seryosong mukha ni Daddy at ganun rin kay Mommy. Pusta ko, nagaway to.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" nagtinginan naman ang dalawa. Kita ko sa mga mata nila na nagtuturuan sila kung sino ang maglalahad ng kasagutan. Nagbuntong hininga naman si Daddy, under talaga siya kay Mommy kahit anong gawin niya.

"Red," tinignan ko ng mariin si Daddy at nakinig ng mabuti. "This year, ie-enroll ka namin sa isang pribadong paaralan." Teka. What? Tama ba ang narinig ko? Ako? Magaaral sa isang paaralan? At hindi magho-homeschool ulit? Teka teka teka. Parang biglaan naman to.

"Seryoso ba yan Dad?" tinitigan ko ng mariin si Daddy, naghahanap ng bakas ng pagbibiro, ngunit wala. Seryoso ang kanyang mga mata na nakatingin lang rin sa akin. Lumingon naman ako kay Mommy. Bahagya siyang tumango, isang pag-ayon.

Halo halo ang aking nadarama. Saya, lungkot, pagtataka at kaba. Masaya ako dahil mararanasan ko na rin ang aking pinapangarap noong ako'y bata pa. Malungkot naman dahil ako'y mawawalay sa aking kinagisnan. Nagtataka dahil, sino ang hindi? Buong buhay ko ay homeschooled ako. Tapos ngayon, iba na? Biglaan naman talaga. Kinakabahan rin ako dahil, eto ay bago para sakin. Hindi ko alam kung paano makisalamuha sa mga tao sa labas masyado dahil halos kinulong nila ako dito para sa aking proteksyon. At baka rin daw kasi malaman ng iba ang sikreto ng mata ko. Mahirap na, hindi ako magaling sa anger management.

"Bakit?" walang sumagot. "Anong nangyayari?" hindi parin sila kumikibo "Daddy?" umiling siya sakin habang yumuyuko ng paunti-unti. "Mom?" tumango siya.

"Hindi ito ang tamang panahon, Red. Sa ngayon, kailangan mong matuto-- makaranas ng bago sa iyo. Sa gayon, kung mayroon man mangyaring masama, marunong ka na." hindi ko maintindihan..

"Pano kung may makaalam? Hindi pa ako handa" si Daddy naman ang sumagot. Malalim at makabuluhan.

"Sa isang labanan, ang mandirigma ay may tamang timpla ng lakas, tapang at tiwala sa sarili." sa huli ay lumabas ako ng opisina ni Daddy na gulong-gulo. Nagsisimula na ba ang kaaway nila?

Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at tumingin sa isang salamin. Unti-unti ay binago ko ang kulay ng mata ko, oo kaya kong gawin yan. Ilang beses ko na rin kasi pinractice.

Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang aking shuriken sa side table ko. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at binato ito sa pinto. Binalik ko na ang kulay ng mata ko at sinuri ang shuriken na nakasuksok sa pinto. Isang malinis na tira. Siguro nga ay tama na ang lakas ko. Pero ang tapang at tiwala sa sarili? Yan ang matututunan ko sa eskwela.

Siguro ito ang simula ng aking buhay.

A/N: Gawan niyo ako ng cover xD Draft lang yang ginawa ko eh HAHAHA made-dedicate ito sa gagawa :* hihihi thanksies.

DDQ 2: Bloody Red (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon