Kabanata II

4.6K 111 3
                                    

Terrence sa multimedia :))

Rachel

"Baaaaaabe kooo!" haay. Bakit nandito itong bwisit na to? Tsk! Yayakapin niya sana ako kasi hinarang ko ang kamay ko sa mukha niya.

"Subukan mo lang, Rence. Subukan mo lang." sinadya kong laliman at gawin katakot-takot ang boses ko. Bwisit kasi to, kailangan pa takutin para tumigil! Pinaglihi kasi ni Tita Yasmine sa mga batang lagi niyang nakikita sa parks, yan tuloy. Hayst!

Nagpout naman ang gagu. Tangina kasi, magpinsan kami tapos ganyan siya? Ew, nyeta. Pusta ko takong ko, nagtataka kayo. Well, bakit nga ba kasi akong tinawag na "babe ko" at inakma akong yakapin ng mokong na to? Tinanong ko na yan dati at nabwisit lang ako lalo sa naging sagot niya.

"Ngayon pa lang kita nakita, at ngayon ko lang rin nakita ang isang katangi-tanging binibining 'kay ganda. Mahal na ata kita" 

Yung feeling na gusto kong tadtarin ng sapak yung mukha niya. Parang gagu kasi! Nagulat nga ako nung nalaman ito nila mommy at tita ay tinawanan lang nila kami at sinabing okay lang daw kasi bata pa kami.  Nung narinig naman yun ni Rence ay tuwang tuwa siya habang ako ay muntik nang mapamura sa harap nila.

"Oh Red! Musta na pre?" binati ako nila Henry at Edward. Si Henry, anak yan ni Tito Nico habang si Edward naman ay kay Tito Jared.

"Bestieeee!!" eto naman si Sam, kay Tito Jared rin yan. Siya lang yung hindi only child sa amin haha.

Umupo ang lahat ng mga matatanda sa dining table habang kaming mga anak ay nagpuntang mall at dun maglu-lunch since hanggang gabi naman sila sa amin. Kaya eto kami papunta sa sarili-sariling mga kotse. Oo, rich kids eh hahaha. Mga race cars to, and yep, nagre-race kami. Pwede kami kasi sila mommy narin ang nagturo samin.

***

"Omg! Artista ba yun? Ang gwapo waaahhh!!"

"Sheeeet I think I'm inlove na!"

"Ano kayang pangalan niya?"

"Shit pre, ang sexy nun oh!"

"Ang ganda naman ni ate! Natitibo na ata ako huhu"

"Pare, yang mga tipo ang sinasabi kong masarap kasama!"

Ang iingay naman nila takte! Di ba pwedeng bumalik sila sa ginagawa nila kanina?!

But I just had an idea in mind *smirk*.

"Tumalikod kayo. Let's have some magic around." tumango sila at sinunod ako. Tumalikod narin ako para walang makakakita sa mata ko and in a split second, naging red ito. I changed them to what they were without them seeing us. Kaya naman ay umikot na ako at naglakad na, knowing they will be behind.

"Where to now?" tanong ko. Bigla naman akong inakbayan ni Rence. Hayaan na natin, pinsan ko rin naman yan.

"Lunch, duh?"  singit ni Sam. Etong babae talaga toh! Sungit eh.

"I'm sure lahat tayo ay tinatamad pa kumain." thank you, Edward. I couldn't agree more.

"So ano na?" I asked. They just gave suggestions. But when I smelt popcorn, I know just the thing!

"Movies, tara?" And all smiles came to our faces.

Naglakad na kami papunta dun sa cinema kaso ang problema namin ngayon ay hindi kami makapili ng papanuorin.

"Comedy para masaya!" isip bata talaga tong si Rence

"Action para awesome, diba Red?" hindi ko pinansin si Henry dahil ayoko na muna ng action

DDQ 2: Bloody Red (DISCONTINUED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon