Fangirl 5: HZJ

4 0 0
                                    

Reign's POV

Hinatid ako ni tita tel sa bahay ng kumare daw niya.

"Tinext ko na si mare, magdoorbell kana lang reign ha? Kailangan ko nang pumunta sa tita archi mo, late narin kami. Sige na, ingat ka." Paalam niya saakin bago ako bumaba ng kotse.

"Sige po, ingat din po kayo." Bumaba na ako at saka nagwave kay tita.

Nasa tapat ako ng gate nila at nagdadalawang isip kung pipindutin ko ba o mamaya na.

Hindi naman kasi ako sanay mag-alaga eh. Tapos hindi ko pa kilala, nakakahiya.

"Reign? Ikaw ba si reign?" Lumabas galing sa bahay yung isang babaeng kasing age ni tita tel.

Lumapit siya sa gate saka binuksan. "Po? Ako nga po." Nakangiti kong sabi sakanya.

"Halaaa! Ang laki mo na at ang ganda mo sobra! Kamukhang kamukha mo mama mo. Tara pasok ka." Ngumiti lang ako saka siya sinundan.

"Hindi mo na siguro ako natatandaan noh? Hehe. Ang tagal na kasi nun." Kwento niya saakin.

"Uhm.. hindi na nga po hehe" sagot ko sakanya.

"Ako si tita bel, yung nag-alaga sainyong dalawa ni krystal. Kalaro niyo pa nga si zach noon diba? Tapos baby palang si angel noon." Medyo naalala ko na siya. Siya pala yung kumare nila mama at tita tel doon sa tirahan namin dati, magkapitbahay kami noon.

"Ah, opo! Naaalala ko na po kayo hehe! Medyo matagal na po talaga yun noh? Mga 3 years old pa po kami nun. Pero sino po pala si zach at angel?"

"Ay nako hija hahaha! Hindi mo na sila naaalala? Sila yung kababata niyo. Mga anak ko."

"Ay hehe. Sorry po tita. Bakit hindi ko po sila maalala? Nasaan na nga po ba sila?"

"Siguro kasi mga bata pa kayo nun hehe. Si zach umalis pero si angel anjan, actually siya yung babantayan mo." Napatangotango naman ako.

"Nasaan po siya? Gusto ko pong maalala yung mukha niya. Hehe"

"Nandun siya sa kwarto niya. Alyatin mo na lang reign ha? Gagawa lang ako ng meryenda."

"Sige po tita." Nagngitian kami saka siya nagdiretso sa kusina.

Ako naman hinanap ko yung room ni angel sa taas.

Habang nagtitingin sa doors napansin ko yung isang room na may nakasabit na letters, 3 letters. 'HZJ' pipihitin ko na sana yung doorknob pero may nagsalita sa likod ko.

"Ate reign?" Humarap ako sakanya at nagulat.

Eto yung babaeng ngumiti saakin sa c.r ng light of love ah.

Anong ginagawa niya dito? Hindi kaya...

"Ate reign! Ikaw yan?! Ikaw din yung nasa c.r?! Kaya naman pala ang familiar mo! Hi ate! I missed you! It's been a long time!!!" Yumakap siya saakin na halatang excited.

"If I'm not mistaken, ikaw si angel?" Paninigurado ko.

"Yes. The one and only." Nakangiting sagot niya saakin.

"Ohmygosh!!! I missed you too! Ang laki mo na, nung huling kita ko sayo kalbo kapa tapos iyak ng iyak!" Nung marealize kong paano niya ako nakilala napabitaw ako "teka lang, paano mo pala nasabing familiar ako?"

"Ah, uhm.. syempre nagpupunta dito si tita tel, may pinapakita siyang picture niyo nila ate stal."

"Ah, oo nga pala. Hahaha! Ang tagal narin pala ng panahon noh?"

"Hahaha oo nga ate eh. Teka nga, ano nga palang ginagawa mo jan?"

"Ha? Ah, I tried to look at your room. Kaya nagbakasaling dito pero mukhang mali."

"Hahaha oo nga ate, mali. Dito kasi yung room ko."

"Ah, so kanino to? Nakakahiya naman kung basta basta nalang akong pumasok kanina kung hindi ka nagsalita." Sabay kaming natawa.

"Kay kuya zach yan ate. Do you remember him?" May halong pang-aasar yung tono niya.

"Ahm, nung nakita kita naalala ko na siya pero hindi lahat. Hehe, ano nga pala yung nakasabit dito?" Tanong ko sabay turo dun sa letters na nakasabit.

"Ah ayan? Inisials ng name niya. Hindi mo narin matandaan yung buong pangalan niya? Lagi naman niya yan ginagamit kapag nagbibigay siya ng love letter sayo diba?" Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Anong love letter?" Nang marealize niya ata yung sinabi niya biglang nanlaki mata niya.

"Ay wala ate! Hahaha sabi ko yung HZJ means Hunter Zach Jung" hunter zach jung?

hunter zach jung

Hunter zach

Hunter...

Hunter...

My first crush

My first love

And my first heartache.

Shemay! Ganon na ba yun katagal para makalimutan ko yung first love ko?

Kahit mga bata pa kami nun, naramdaman ko kay hunter ang ibig sabihin ng love.

kaya nung lumipat kami sobrang lungkot ko nun.

Ang weird diba? Bata palang naiinlove na agad ng ganon kalalim.

Ewan ko pero ayun yung naramdaman ko.

Ngayon, naaalala ko na paunti unti.

Nagka-amnesia ba ako? Para makalimutan ko yung tungkol sakanila... sakanya.

"Ate? Okay ka lang?" Nabalik ako sa realidad nang magsalita si angel.

"Ha? Oo... ahm, tara na sa baba?" She nodded saka kami sabay bumaba.

"Oo nga pala ate! Nabalitaan ko kay tita tel, mahilig ka daw sa kpop? Parehas tayo! Kyaaahhh!!!"

"Jinjja?! Omo!!! Magkakasundo agad tayong dalawa!"

"Sinabi mo pa! Hihi." Saka kami nag apir.

Pagtapos namin kumain, nagpunta kami sa room ni angel.

Nilibot ko tingin ko sa kwarto niya. Habang siya nag shoshower saglit.

May nakita akong photo album sa ilalim ng study table niya.

Kinuha ko yun saka tinignan isa isa.

Picture nila nung bata pa sila. Meron siyang solo o kaya picture ni hunter.

Paglipat ko sa next page napangiti ako.

Naalala ko tong picture na to, picture namin ni angel.

Nakahiga siya kasi baby pa siya nun pero halata mong masaya tapos ako nakangiti rin habang nakatingin sakanya.

Paglipat ko sa next page, napahinto ako.

May picture pala kaming dalawa?

Nakaakbay siya saakin habang parehas kaming nakangiti. Ang saya pala namin noon..

Ang pogi niya kahit noong bata pa kami, ano na kaya itsura niya ngayon?

"Ang close niyo ni kuya dati noh ate?" Muntikan na akong malaglag sa kinauupuan ko ng magsalita si angel sa likod ko. "Ay sorry hehe. Pinaglihi kasi ako ni mama sa mushroom."

"Ikaw talaga hahaha. Pero seriously, sobrang close namin noon hehe. Sa sobrang close namin kulang nalang pagpalitin na mukha namin."

"Sayang. Hindi pa kasi ako nakakapag isip nun kaya hindi ko na subaybayan yung closeness at sweetness niyo. Nakikita ko lang sa pictures kasi halata naman." Bahagya kaming natawa at saktong may kumatok.

"Pasok!" Sigaw ni angel. Tumalikod ako para ibalik yung album at narimig kong bumukas yung pinto.

"Angel! Sabing wag kang maliligo kapag hapon diba?! Ang kulit mo!" Halata mong pagkairita nung lalaking kausap ni angel.

"Kuya, ngayon lang naman eh." Nanlaki ang mata ko nang banggitin niyang kuya. "Oo nga pala kuya! Si ate reign! Ate reign si kuya zach!" Iniharap ako ni angel kay hunter at sabay kaming nagulat pareho.

"Ikaw?!" Sigaw naming dalawa.

- - - - - -
Hunter sa multimedia ☺😍

Life of a Fangirl (On Going)Where stories live. Discover now