Fangirl 2: kuyang gwapo!

14 1 0
                                    

Brittany's POV

3:15am ginising kami ni tita kristel.

Hindi pa ako bumabangon pero gising na isip ko habang ang mata ko tulog padin.

Minulat ko yung isa kong mata saka tumingin sa katabi kong nakanganga parin.

Tulog mantikan talaga tong babaeng to.

Bumangon na ako saka bumaba.

Magigising naman maya maya si stal eh.

Nagmumuni muni lang yun.

Dumiretso ligo muna ako at hindi na nag-almusal.

Mga 5:50 nakaalis kami sa bahay.

paano nangyari? Sisihin niyo si victoria!

Lahat kami ayos na, siya tulog pa. Edi ayun, 5 minutes tapos na ata.

Hindi ata nagshampoo at sabon eh.

After 4hours nakarating kami sa destinasyon namin.

Partida! Hindi pa ako natulog niyan. Habang ang mga kasama ko mga nakanganga. Lipit ko noh?

Pero seriously nangawit yung pwetan at balakang ko.

Dirediretso ba naman ang byahe walang stop over. Psh!

"Selca tayo reign!" Pagbabang pagbaba namin ayan agad sinabi saakin ni stal.

"Tara! Post ko sa ig."

Nagpose na kami ng nagpose.

"Badtrip! Walang signal yung 3g!" Inis na sabi ng magandang kapatid ni stal.

Si ate Cassandra. Cassandra Kritine Gonzales. She's 29 years old. Mag 30 sa august pa naman.

Kahit mag 30 na siya mukha padin siyang ka-age lang namin.

Although mukha na siyang matured pero wala sa itsura na mag 30 na. Mukha lang siyang bata.

"Arrgghh! Paano ko ma-uupload sa ig yan? Huhu." Maktol ko dahil sa wala ngang signal.

Pero imbis na ma-badtrip. Nagka-energy ako lalo.

Eh keshe debe wellpeper ke she jimin. Hihi! Ay pwe! Ano ba yan nagiging pabebe na naman ako. Wush~

"Ayos lang yan. Edi pag uwi upload. Tara na sa cottage kanina pa nila tayo iniwan!"

Napatingin ako sa sasakyan namin at oo nga noh. Wala na sila.

At ayun nakita ko naglalakad sila papasok sa cottage na gagamitin namin.

*cottage

Nakahiga lang kami sa kama habang ang iba nag-aayos sa labas.

Etong kinuha namin may kwarto para dito na kami magbibihis.

Si tita kristel, ate sandra, stal at papa ko lang ang kasama ko sa bahay.

Si mama kasi OFW sa dubai. Wala kasing trabaho ngayon si papa kaya mas pinili niyang lumayo para saamin.

Yung dalawa kong kapatid. May mga trabaho na si ate may pamilya na.

Panganay ate ko. Si ate Brianna Chelsea Mendoza-Song. 33 years old. May dalawang anak. Ang aking mga maganda at poging pamankin.

Nasa korea sila nakatira ngayon dahil ang asawa ni ate koreano.

Sabi ko nga sakanya ang swerte niya dahil parehas sila ng nalalanghap na hangin ni jimin park at ibang kpop idol.

Binelatan niya lang ako at todong asara. Ang bait ng kapatid ko noh?

Super close kami ni ate simula bata ako. Siya kasi lagi kong kasama, kakwentuhan. Siya unang nakaalam kung sino first crush ko.

Siya din saksi sa pagkabaliw ko sa kpop lalo na sa asawa ko.

Kahit magkalayo kami updated kami sa isa't-isa. Gusto niya akong kunin kaso sabi ko wala namang kasama si papa dito.

Saka tatapusin ko lang pag-aaral ko dito susunod ako doon. At dadalhin ko na si mama at papa doon.

At syempre kapag nakatapos ako mga donya at donyo na sila. Hihi

Kahit kating kati na akong makapuntang korea. Tinitiis ko padin dahil gusto kong mapaghirapan ang pagpunta ko ron. At ayokong umasa sa ate ko.

Katulad ni mama kahit nag-ooffer na si kuya at ate na sila na magpaaral saakin tinanggihan niya.

Hangga't kaya pa daw niya gagawin niya lahat mapagtapos lang ako.

Kaya nga eto, gagawin ko din ang lahat para kay mama at papa. :')

Si kuya naman ang pangalawa. Si kuya Brent Oliver Mendoza. 22 years old. Wala din siya dito dahil nasa paris siya.

Doon kasi siya nagtatrabaho. May nag alok kasi sakanyang trabaho don.

Kahit ayaw niya kaming iwan ni papa dito pinilit padin siya ni papa na umalis dahil pangarap niya yun.

Close din kami ni kuya. Kahit sa kalokohan. Updated din kami sa isa't isa. At alam din niyang asawa ko si jimin.

Kahit si mama at papa. Nasasabihan na nga nila akong baliw dahil sa sobrang pagkaadik ko.

Huhu~

Back to reality. Saka ko na ikekwento ang kabuuan ng storya ko.

"Tara sa beach, reign!" Hinila ako ni stal papuntang dagat.

"Aww" ang init ng sand ah.

Psh.

"Lusong tayo!" Aya ko sakanya.

Pero nilabas niya lang yung camera saka pinicturan ang view.

Nagdiretso ako sa dagat para mabasa ang paa ko, ang init kasi talaga ng sand.

"Uy! Reign! Tignan mo tignan mo!!! May kuyang gwapo!! Kyaaahhh!!!"

Parang uod siyang binuhusan ng asin sa pagkilig. With matching hampas pa saakin ah.

"Aray naman! Asan ba?" Tinignan ko yung direksyon na tinitignan niya at nakita ko nga yung gwapong sinasabi niya.

Nakatingin din saamin sabay kaway. Tinignan ko yung likuran ko baka sakaling may iba siyang kinakawayan pero wala naman.

Kumaway pabalik si stal dun sa lalaki.

"Magtigil ka nga stal! Mas pogi pa jan asawa ko! Tara na!" Tumalikod na ako saka ko siya hinila.

"Kj mo naman! Eto na nga sobrang lapit na. Mas gusto mo padin yung nasa kabilang planeta!"

"Kabilang lugar! Nasa iisang mundo lang tayo! Saka aanhin ko yun? Mukha namang badboy!"

"Hindi mo pa nga nakiki- KUYANG GWAPO!" natigil ang sasabihin niya at nagtitili na naman si bruha. "Pa-picture!"

Hinila niya ako saka lumapit dun sa lalaki.

"Ahm.. sige." Pa-humble na sabi niya pa.

Magpopose na dapat siya at tatabi kay stal pero.. "uhm.. I mean, pa-picture. Paki.. paki picturan kami ng pinsan ko."

Halatang nawala sa mood si kuyang feelingero. Pero kinuha niya yung cam saka kami pinicturan.

Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero napigilan ko.

Rerespituhin ko nalang nararamdaman niya.

"Salamat." Kinuha na ni stal yung cam saka agad umalis yung lalaki.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" ayan na hindi ko na napigilan.

"Anong problema mo?" Tanong netong babaeng to.

"Ikaw? Anong problema mo? Akala ko ba type mo yun? Hahaha! Lakas mo din noh!"

"Oy hindi ah. Wrong dial. Akala ko gwapo. Sa malayuan nga lang. Hays."

Sabay kaming natawa dahil parehas naming naalala yung itsura kanina nung lalaki.

Life of a Fangirl (On Going)Where stories live. Discover now