Fangirl 4: dessert

5 0 0
                                    

Reign's POV

on the way kami ngayon sa light of love kasama sila tita tel, ate tin saka si stal.

Si papa naiwan sa bahay para magbantay.

Magfofood tasting kasi kami ngayon para sa 50th birthday ni tita tel.

"good morning ma'am." Bati saamin ni ate queen yung nag guguide saamin para dito.

Pumwesto na kami sa bakantenf table saka nila kami binigyan ng juice at water.

"Ma'am, nandito lang po ako sa tabi tabi kung may kailangan kayo. Enjoy na lang po :)" sabi niya saamin saka namin siya nginitian.

"Yeheyy!! May pang-ig na naman ako later. Hihi" bungisngis ni stal sa tabi ko.

Paano ba naman kasi ang daming pagkain na sinerve saamin tapos ang presentable pa.

"Kuha na tayong dessert reign! Baka maubusan tayo!" Hila saakin ni stal.

"Gaga. Paanong mauubos? Malamang madami pa yan dun sa kitchen nila! Pero sige, tara! I love desserts kaya. Hihi"

"Kaya ka nga sweet eh." Bumungisngis kaming dalawa na parang ewan haha!

"Alam mo sa totoo lang nagccrave ako sa mango cake. Meron kaya nun?" Tanong ko kay stal pero hindi ako nakatingin sakanya.

Nililibot ko kasi yung eyes ko sa mga dessert eh.

"Ayun reign oh! Kaso isa nalang! Dalian mo baka maunahan kapa!" Nilingon ko agad yung tinuro niya saka nanlaki ang mata na naeexcite

Yeheyyy!! Thanks god! Tinutupad mo ang aking kahilingan☺👼

Tumakbo ako para kunin yung mango cake.

Pagkahawak ko sa kabilang side ng cake saka naman may humawak dun sa kabila.

Tumingala ako sa lalaki na nakasimangot saka ko hinila yung plate.

"Excuse me, kuya. Ako ang nauna kaya please. Paki tanggal yung kamay mo jan!" Tignan niya lang ako ng walang emosyon saka hinila yung plate.

"Kasalanan ko bang mabagal ka kaya naunahan kita? Kung hindi lang dumampi yang kamay mo jan sa gilid ng plate edi sana kanina ko pa to nakain. Kaya ako nauna at alisin mo na yang kamay mo jan, ate."

"Hoy! Don't call me ate, hindi tayo magkapatid! Ang dami mong sinasabi! Kitang kita kung sino ang mas nauna!"

"Ikaw ang unang tumawag ng kuya saakin kaya wag mo kong patigilin. Kitang kita nga na ako ang nauna."

Sasagot pa sana ako kaso may pumigil saamin na isang staff dito sa resto.

"Ma'am, sir, madami pa po niyan sa kitchen. Kung gusto niyo padadalhan nalang namin kayo sa table niyo?"

"Hindi na/ wag na." Sabay naming sagot netong mokong na to. Kaya nagkatinginan kami pero agad na iniwas.

"Busog na pala ako. Tara na stal!"

Nagdiretso na ako ng table namin na nakabusangot ang mukha.

"Anyare sayo?" Tanong saakin ni ate tin.

"May nang-agaw kasi ng mango cake niya. Kaya ayan, nawalan ng gana." Pagpapaliwanag ni stal.

"Pwede naman tayong pasabi sa mga waiter dito eh." Agad na singit ni tita tel.

"Hindi na tita. Busog naman na ako eh. Restroom lang ako."

Paalam ko sakanila saka dumiretso ng c.r

Medyo malayo yung c.r kaya kailangan maglakad pa ng malayo.

Habang naglalakad napansin ko yung lalaking nang agaw ng mango cake ko.

Nakasandal siya sa puno habang naka tingalan yung ulo at nakapikit pero napansin kong may hawak siyang yosi.

Ew! Smoke user.

Napairap nalang ako at nagdirestso ng banyo.

Pagpasok ko may naabutan akong babae na nakaharap sa salamin saka nagpupulbo.

Napatingin siya saakin saka ako nginitian.

Napangiti ako ng alanganin saka nagdiretso sa isang cubicle.

Paglabas ko wala na yung babae.

Naghugas ako ng kamay saka inayos yung buhok ko.

Paglabas ko ng c.r naabutan kong nag-iintay na sila tita tel saakin.

"Tagal mo. Ilang drum ba inihi mo?" Bungad saakin ni stal.

Hinampas ko siya sa braso pero mahina lang.

"Tara?" Aya ni ate tin. Saka kami naglakad papuntang sasakyan.

Habang naglalakad. Nakita ko na naman si mokong saka yung babae sa c.r magboyfriend girlfriend ata yan eh.

Inalalayan nung mokong si ateng mabait na pumasok ng kotse.

"Huy! Ano? Jan kalang?" Napatingin ako kay stal na nakatayo sa harap ng pinto ng kotse.

"Sorry naman. Na-carried away lang." Ano daw? Sinampal ko ng mahina yung pisngi ko saka nagdiretso sa sasakyan.

Kung sila man ni mokong saka nung babaeng mabait, hindi sila bagay. Hays

Dahil unang una, panget ng ugali ni mokong yung babae naman ang bait.

Pssh, ano nga bang pakialam ko?

Comcern lang naman ako dun sa babae.

Sa masamang tae, ay este tao pa siya napunta.

Back to reality.

"Reign, pwede bang ikaw muna ang magpunta bukas sa mall para kunin yung dress na pinagawa ko? May lakad kasi kami ni tita archi mo, si ate tin mo naman may pasok tapos etong si stal pupunta sa condo para magbantay. Ikaw nalang pag asa ko, reign. Pretty please maganda kong pamankin?" Naka-puppy eyes pa si tita nang kinakausap ako.

Nagbuntong hininga ako saka umirap sa ere. "As if may choice pa ako tita?" Bahagya kaming natawa dito sa loob ng sasakyan.

Nang makauwi, nagdiretso agad ako sa kwarto namin ni stal.

Nag browse sa internet, pinagnasaan si jimin park at iba pa.

Nagkabit ako ng earphone sa tenga ko habang nakadapa at nakapikit.

*took took*

Minulat ko mata ko saka tumingin sa pintuan.

*doors open*

"Reign, ahm, wag mo na pala kunin yung dress bukas."

Sa totoo lang nakakatuwa hehe kasi tinatamad talaga akong umalis eh. Hahaha sorry na!😂

"Sige po tita." Masaya na talaga sana ako dahil magdamag ako dito pero hindi pala...

"Ahmm... pwede bang ikaw nalang mag-alaga sa anak ng kumare ko, reign? Please?" Nag-aalanganin pang sabi ni tita tel.

Naupo na ako saka ko siya hinarap. "Seriously tita tel? Gagawin mo kong nurse?"

"Parang ganon na nga hehe."

"Eh? Asan po yung mama niya? Papa niya? Kapatid niya?"

"Si mare kasi may trabaho siya, yung asawa naman niya nasa kabilang bahay. Yung kapatid niya, wala namang maaasahan dun. Kaya ikaw nalang yung naisipan kong mag-alaga sa ngayon."

"Tita, pwede bang umayaw?"

"Ih, naka-oo na kasi ako kay mare. Sige na, reign. Pleaseee."

"Sabi ko nga po."

"Yeheyy!! Thank you reign! Ikaw kasi pumasok sa isip kong makakapag-alaga dun eh."

Niyakap pa ako ni tita saka nagtatatalon sa tuwa.

Hindi naman ako makatanggi dahil lab na lab namin tita ang isa't isa.

Saka saglit lang naman to eh. Nilalagnat lang ata yung aalagaan ko.

Fighting reign!

Life of a Fangirl (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon