Chapter 16

48.4K 300 54
                                    

Chapter 16 - Sinuswerte


Suko na 'ko. Ayaw talaga ako pagbuksan ng pinto ni Blue. Sino ba siya? Ha? Masyado nang makapal mukha niya kung umaasa siyang susuyuin ko siya no! Naiyak na ako't lahat wala pa din! Mga walang puso! 30 minutes akong naghintay sa labas ng kwarto ni Blue, pero wala. Galit talaga siya. Bwisit! Hindi ba niya alam na tinalkuran ko si Bryan para sakanya?

Dahil naalala ko si Bryan, tama, kailangan ko siyang tawagan. Magsosorry ako. Kawawa naman yun, baka nagselos. Pagdating ko sa dorm ay dumeretso ako sa telepono. Nagring ng apat na beses bago sinagot ni Tita.

"Hello, si M po to. Pwede po makausap si Bryan?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy.

"Oh, M. Bryan is not in the mood right now and I don't know why... Eh alam mo naman kung gaano kasungit yon, diba? Kaya pinabayaan ko na lang muna. Next time na lang ha?" Sabi nito. Binaba ko na lang ang telepono. Bad mood kaya siya dahil sakin? Puta. Kawawa naman Bryan ko. Baka nagselos talaga.

Umakyat na lang ako. Putangina ang bigat ng pakiramdam ko.

Pinihit ko ang doorknob ng kwarto namin ni Miss Jen. Wala si Miss Jen sa loob. Nakapatay pa ang ilaw. Pagbukas ko ay napansin ko agad ang mga bagay sa kama ko. Andoon ang cellphone at camera ko. Naexcite ako bigla at nilapitan iyon. Umupo ako sa kama ko.

Pagkahawak ko sa cellphone ko ay siyang dating ni Miss Jen.

"Where were you? I've been looking for you." Sabi niya. Nakangiti.

"Bakit nandito tong cellphone at camera ko, Miss Jen?"

"Syempre, tuwang tuwa sayo lola mo. I told her you made friends din, at hindi ka naman gumagawa ng gulo. She's really happy. So, as a reward, she asked me to give those back to you." Sabi niya.

Ngumiti ako pero nawala din agad. Naiisip ko si Blue at Bryan.

Umupo si Miss Jen sa tabi ko.

"May problema ba? Are you not happy about this?" Sabi niya at hinawakan ang camera ko.

"Magpatawa ka nga Miss Jen." Sabi ko, at bigla na lang nanginginig na naman ang baba ko. Bat ba ako naiiyak? Napakadrama ampota. Hindi ako to!

"Okay, eto. Alam mo ba buong pangalan ko?"

"Ano?"

"Jennifer Lopez." Sabi niya at napahalakhak na ako. Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga o desperada lang ako maging masaya kaya bumabaw kaligayahan ko.

"Jennifer Lopez amputa! J.Lo naman pala!" Sabi ko't hinampas si Miss Jen.

"Hey, watch your mouth." Sabi niya't kinurot ang pisngi ko. "Sabi na nga ba matatawa ka. Wag mo na ipagsasabi sa mga kaibigan mo ha? Walang student na nakakaalam ng name ko."

Kahit di niya alam ang problema ko, medyo gumaan naman pakiramdam ko dahil nakatawa na ako. Biruin mo, may problema din pala si Miss Jen sa pangalan niya.

Iniwan ako ni Miss Jen nang masigurong okay na ako.


Binuksan ko na ang cellphone ko at shit, sobrang daming missed calls at mga texts! Pinahinga ko nang ilang minuto ang cellphone ko bago hinawakan ulit at chineck kung tapos na ba mag-adjust ang cellphone ko sa lahat ng mga messages at calls na hindi ko nakita agad.

Sobrang dami! Halos 1000 na texts mula sa Gang at kay Peter! Meron ring kaunting galing kay Drey! Tapos sobrang dami ring missed calls galing sa kanila. Sinubukan kong basahin ang mga texts nila isa-isa. Hindi ko alam kung kailan pa ako matatapos.

I'm Courting Mr. IceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon