Chapter 11: Sakit ng nakaraan

62.5K 1.3K 64
                                    


"Hindi ka ba nagugutom?" Nagtatakang tanong sa akin ni Leon. Pati sina tita Marj ay napatingin narin sa gawi namin. Hapunan ngayon at magkatabi kami ni Leon sa hapag. Kaharap ko naman si Chase na katabi nito si Rafael. Si tita Margaret naman ay nasa pinaka dulo ng mesa. Wala ngayon si Tito William kasi may business trip daw sa Amsterdam at sa susunod na tatlong araw pa ang kanyang dating.


Binigyan ko nalang sya ng pilit na ngiti bago sinimulang kainin ang pagkaing nasa plato ko. Alam ko sa sarili kong nagpipigil lang ako dahil kanina pa gustong bumutawi ng mga luha sa aking mga mata. At hindi madali ang pagpapanggap sa harapan nilang lahat na ayos lang ako. Pagkatapos kasi ng narinig ko kanina sa usapan nila ay umalis agad ako at bumalik sa kwarto ko. Doon ako umiyak para sa ganun ay walang makakakita. Mabuti nalang at hindi nila nahahalata na namumugto ang aking mata dahil sa kakaiyak. Ang sinabi ko nalang ay nakaidlip ako.


"Hindi ba maayos ang pakiramdam mo Hija?" Tanong ni tita. Umiling naman ako tsaka sya ginawaran ng ngiti.


"Medyo masakit lang po ang ulo ko." Pagkatapos ay inibalik ko ang paningin ko sa plato ko at nagpatuloy kumain. Ramdam kong nakatitig ngayon si Leon pero wala ako sa huwisyo para pansinin sya. Nasasaktan parin ako sa kadahilanang hindi nila sinabi sa akin ang totoong nangyari. Hanggang ngayon ay pinandidirian ko parin ang sarili ko. Hindi ko matanggap na nagahasa pala ako. Yon lang ang narinig ko. Hindi ko naman alam kung bakit nagka amnesia ako.


"Bat ba kanina mo pa ako iniiwasan?" Bulong nya sa akin bago inumin ang orange juice nya.


"P-Pagod lang ako." Nagtataka na marahil sya sa ikinikilos ko. Kasi namin kanina lang okey kami at sinagot ko na sya pagkatapos ngayon bigla bigla ko nalang syang iniiwasan. Hindi nyo naman ako masisisi kong gagawin ko yon. Hindi naman kasi madaling tanggapin yong nalaman ko. Ikinakahiya ko ang sarili ko sa puntong ito. Nabahiran na pala ng dumi ang pagkababae ko. Dati sa tuwing nakakapanood ako ng balita tungkol sa mga babaeng nagagahasa at karamihan sa kanila ay nagpapakamatay nalang dahil sa dulot ng sakit at kahihiyan, iniisip ko na hindi pa naman huli ang lahat. Subalit iba pala talaga pag ikaw na mismo ang nasa puntong iyon. Parang gusto mo nalang tapusin ang buhay mo para wala ng ala alang bumabalik sa isipan mo.

Kanina nong umiiyak ako sa kwarto ay biglang bumalik ang aking ala ala tungkol sa aksidenting iyon. Nasasaktan ako at nahihirapan sa puntong ito. Mahirap pigilan ang ala alang kusa nalang lalabas sa isipan mo. Kahit gusto mo itong mawala nalang ng tuluyan ay binabalikan ka parin. Parang isang bangungot na ayaw kang lubayan hanggat kusa ka nalang susuko at bibitaw. At sa ngayon hindi ko alam kong kaya ko pa bang ipagpatuloy ang lahat. Kung kaya ko pa bang mabuhay habang dala dala ang sakit ng nakaraan.

Naramdaman kong bumuntong hininga sya bago bumalik sa kinakain nya. Pagkalipas siguro ng limang minuto ay nagpaalam ako sa kanila na pupunta muna ako sa kwarto ko. Busog na ako kahit limang subo lang ata yong ginawa ko.


Dulot nang dilim ay nakita ko agad na may tumatawag sa cellphone ko na ngayon ay nasa ibabaw ng kama ko pagkapasok ko sa kwarto ko. Pagtingin ko ay si Zee pala. Nagdadalawang isip naman na sinagot ko iyon.


"Levi!" Excited nyang sambit.

"Bakit?" Alam kong nagtataka sya sa istilo ng boses ko ngayon. Wala pa kasi akong ganang kausapin sila.

"Okey ka lang? Bat ganyan boses mo?" Napabuntong hininga nalang ako bago magsalita.

"B-Bakit hindi nyo sinabi sa akin, Zee..." Naiiyak kong tanong.

"Huh? Ang alin?" Napangiti nalang ako ng mapakla bago pinunasan ang luha sa aking pisngi.


"Bat hindi nyo sinabi sa aking nagahasa pala ako." Halos pumiyok ko ng pahayag. Tatlong minuto ang lumipas bago sya muling magsalita. Alam nya ang nararamdaman ko ngayon kaya alam kong nakokonsensya sya sa puntong ito.

Purchased By A Billionaire (COMPLETED) ✔Where stories live. Discover now