Chapter Twelve: Babysitters

Začít od začátku
                                    

"Jo, nakita mo ba sina Mommy at Daddy?" Tanong ko sa nakasalubong na katulong.

"Nandoon po sila sa may sala. Kausap nila yung mamang pogi na matangkad at maputi."

Si Monreal! Bigla akong napasimangot.

"Patte!"

Speaking of the devil. Bakit ba lagi na lang kaming pinagtatagpo nito? Gusto ko na tuloy maniwala sa sinasabi niyang destiny. Nakatadhana na yata na guluhin niya ang buhay ko.

Lalagpasan ko na sana siya nang pigilan niya ako sa braso. "Dededmahin mo na naman ba ako?"

I gave him a cold glance. At sinulyapan ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. Binitiwan din naman niya ako agad. Takot lang siguro niyang mabalibag ulit!

"Where is the pretty lady in pink I saw yesterday?" Hinagod niya ng tingin ang kabuuan ko, with a disappointment in his face. Back to normal na naman kasi ang outfit ko... T-shirt and maong pants.

"She's gone! And she will never come back again."

"Sayang, crush ko pa naman siya!" He smirked. "Patte, ano yang hawak-hawak mo?

Mabilis kong itinago sa likod ko ang hawak na test kit. "It's none of your business!"

"Patingin nga?" Nanadya na sinilip talaga niya sa likuran ko ang itinatago ko.

"Ano ba, Jared!" Tinulak ko siya palayo sa akin. Pero sadyang makulit ang isang ito. Hindi pala makulit. Nanadya lang talaga siya na asarin ako.

"Finally, tinawag mo rin ako sa pangalan ko. Sabihin mo nga ulit." Nanunukso na inilapit pa niya ang mukha niya sa akin.

Itinulak ko ng palad ang nakaharang niyang mukha. "Tumabi ka nga! Umagang-umaga sinisira mo ang araw ko!" Tatalikuran ko na sana siya nang bigla na lang niyang hablutin ang kamay ko. Tuloy nabitiwan ko at nahulog sa sahig ang pinakatago-tago ko sa kanya.

Mabilis niyang nadampot iyon bago ko pa siya maunahan. "Aha! Sabi ko na nga ba!"

"Akin na yan!" Nakipag-agawan ako sa kanya para mabawi iyon. Nanadya na itinaas pa ni Jared ang kamay para hindi ko iyon maabot. Ang tangkad naman kasi niya. "Malilintikan ka talaga sa akin kapag hindi mo ibinalik sa akin iyan!" Ngunit mukhang walang epekto ang banta ko sa kanya.

"Patricia!"

Na-freeze kaming dalawa sa pag-aagawan nang marinig ang boses ni Daddy. Bigla tuloy kaming napatayo ng tuwid ni Jared.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?" Nagdududa na tanong ni Mommy.

"Hindi po!" Halos sabay naming sagot ni Jared.

"Tita, may sasabihin daw po sa inyo si Patte."

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Kde žijí příběhy. Začni objevovat