Sweet Lies 55

2.2K 66 30
                                    

55



Sumalubong sa akin ang nanunuyang sinag ng araw. It's like it's telling me to get up and work my ass off.

But then I don't want to! Bakit ko ba iniwanan na nakabukas ang bintanang iyan?

I don't want to get up when my head hurts like hell like this. Gusto ko nasa kwarto ako maghapon.

Gusto ko nandito lang ako sa kwarto ko. Sa kama ko...

Gumalaw ako para sana talikuran ang sinag ng araw nang bigla akong natigilan. Bakit ako umalon? Hindi naman water bed ang kama ko. Siguro masyado lang akong inaantok.

Kinapa ko ang paligid para kumuha ng isa pang unan nang may maramdaman ako sa harapan ko mismo. Kumunot ang noo ko ngunit hindi nagawang imulat ang dalawa kong mata.

Shit!? Braso iyon ng tao! O ng multo? Hindi ko na alam!

I had to slowly open my eyes. What if it's a ghost or what!?

Nang unti-unti ko iyong iminulat ay sumalubong sa aking mata ang malapad na dibdib.

Iginalaw ko ang aking paningin paitaas at sumalubong sa akin ang isang mukha. Agad kong nasapo ang aking bibig at bumilog nang sobra ang mga mata ko.

Vince Earl Montemayor, sleeping in my bed, beside me!? Wait... is this really my bed!?

Inilibot ko ang aking paningin at wala ni isa akong nakitang senyales na nasa kwarto ako ng sarili kong unit. No Lavender room spray, no pastel curtains, and damn... no pastel pink bed sheets.

Nakahiga ako sa kulay itim na water bed, at nasa loob ako ng kulay maroon comforter! This isn't my room!

Lito ang mukha ko habang inaalala kung bakit ako nandito. Hanggang sa para akong naumpog sa katotohanan nang mahagip ng mata ko ang aking pullover na nasa sahig mismo ng kwarto.

Napapikit ako ng mariin. I remembered everything.

How I kissed him hungrily, how I teased him, how I took off my pullover and just wore this tanktop , and how I slept in this bed. I was so drunk to even stop myself from doing those!

And right... I told him I still love him. Drunk and all. My gosh, Parisha. What have you done!? Nakakahiya!

Dahan-dahan kong inalis ang comforter sa aking katawan. Nang tuluyan kong maalis iyon ay nag-angat ako ng tingin sa kanyang mukha.

He's sleeping too peacefully. Ramdam ko mula rito ang mahinahon niyang paghinga. The tip of his nose is slightly reddish. His lips... God, those lips.

Mariin akong napapikit.

Marahan akong bumangon mula sa kama ngunit bago ko pa maibaba ang mga paa ko sa sahig ay may humawak na sakin.

Hinagip niya ako sa tyan kaya napahiga ako ulit. Bahagya akong napatili dahil bumagsak ako sa mga bisig niya.

"T-Teka... Vince."

Hinila niya pa ako palapit hanggang sa maramdaman ko sa aking likuran ang kanyang katawan. Ang isa niyang kamay ay hinugot ang comforter sa paanan at muling ikinumot iyon sa akin.

His hand on my stomach, pressing my body against his.

Dahil doon ay parang may mga nagsiliparang paru-paro mula roon. Hindi ko maipaliwanag.

"No ditching today... Sa akin ka muna ngayon."

Nagsalita siya mula sa aking likod, sa gilid na aking tainga. His yet sleepy voice sent chills inside me. Para akong nahilo at parang gusto ko na ring ipikit ang mga mata ko.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Where stories live. Discover now