Sweet Lies 23

2.4K 64 60
                                    

23




"Pagod ka na ba?"

Nilingon niya ako habang nauuna siya sa paglalakad.

Bitbit niya ang nasa labinlimang paper bags. Iba pa ang mga laruang nasa supot.

Umiling ako. "Hindi pa naman."

Bakit ba niya tinatanong kung pagod na ako? E siya ang mukhang kanina pa pagod.

Sinabi ko naman kasi sa kanyang ayos lang na magdala ako ng ilan sa paper bags. But he keeps on insisting.

Aniya'y sapat na raw na ako ang pumipili ng mga damit at laruan para sa mga bata.

"Dito muna tayo. Last stop." Huminto siya sa tapat ng isang kid's apparel outlet. "We need uhh... extra beddings and clothes for Chichi."

"Chichi?" kunot noong tanong ko. Huminto rin ako sa gilid niya.

"Yea." Nilingon niya ako. "She's my favorite." Sumilay ang isang ngisi sa labi niya.

And in split seconds, he's inside. Nagkibit ako ng balikat at sumunod rin agad sa kanya.

Sinusundan ko lang siya ng tingin habang sinusuyod niya ang kabuuan ng outlet.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Para siyang tatay na may sampung anak.

At ang lahat ng iyon, naghihintay para sa mga pinamili niyang pasalubong.

He seems so fond with this whole thing. Lalo pa akong napangiti nang i-angat niya ang dalawang dress na pambata.

Nang matauhan ako sa pagngiti-ngiti ay agad kong sinipat ang pisngi ko.

"My gosh, Paris!" bulong-bulong ko.

Paulit-ulit kong sinipat ang magkabilang pisngi ko. Nalingunan ko pa ang ang isang sales lady na weirdong nakatingin sa akin.

Nginisian ko na lang siya bago ako naglakad uli. Nakakahiya!

Sinundan ko na lang si Vince. Naroon pa rin siya sa mga dress na pambata.

Napansin niyang papalapit na ako kaya siya na mismo ang humakbang sa direksyon ko.

"Paris. Yellow or pink?"

Tinapat niya sa akin ang dalawang dress. Ganito ang ginagawa ko kanina pa.

Kukuha siya ng tatlo o dalawang choice at ako ang bahala kung alin ang bibilhin.

"Uhm...." Tinuro ko ang napili ko. "Yellow."

Napangiti siya saka tumango.

"Thanks. Chichi will love this."

Umiwas ako ng tingin at bumaling sa hilera ng mga jumper sa gilid ko.

Sumulyap lang ako at tipid na ngumiti. As much as possible, I don't want to keep staring at him.

Ewan ko. Pakiramdam ko nagrarambulan lahat ng laman-loob ko sa katawan.

Lalo na kapag tumatagal ng limang segundo ang titig ko sa kanya. Parang may kumikiliti sa kabuuan ko.

Ganito ba talaga? Kasi kung ito na nga iyon, gusto ko mawala na ito agad.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon