Sweet Lies 32

2.2K 76 47
                                    

32




"Bakit mo ba ako tinatawanan? Hindi nga ako nagseselos!" inirapan ko siya.

I crossed my arms and looked away. Sa halip ay sa mga streetlights ako bumaling.

"Admit it, Paris. How many times have you rolled your eyes while we were talkin'? Hmm..." Saglit siyang tumigil. "Ten? Twenty times?" He chuckled.

Marahas ko siyang nilingon. The nerve of this guy. Yes, I was annoyed at that Andrienne.

Paano ba naman kasing hindi? Bago kami makaalis sa Kaffa Avenue kanina ay hinarang kami ng Andrienne na iyon. Hinila niya paupo si Vince sa tabi niya.

Sa pagkakaintindi ko sa kanilang usapan ay isa iyong proposal para sa isang foreign investor. She wanted to make a partnership with Vince.

I was an outcast for twenty freaking minutes! Sino ang hindi maiirita sa ganoon? Naiirita ako. Hindi ako nagseselos.

"Bakit naman ako magseselos?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Nagkibit-balikat siya at mapanuyang sumulyap sa akin. The side of his lips shot up. Lalo ko lang itinaas ang kaliwang kilay ko.

"Hindi ko kailangang magselos. Kasi hindi naman siya ang gusto mo... 'di ba?" I said in my teasing tone.

Agad nabago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

From the annoying smugly face to a serious one, real quick.

Tumango siya sa sinabi ko. He bit his lips with his eyebrows furrowed.

"You're right. She's not. Because she doesn't make me feel nervous the way you do."

Saglit siyang sumulyap at mahinang ngumiti.

Parang may humaplos sa puso ko. Nawala ang pagkairitang nararamdaman ko kanina dahil sa sinabi niya. Batid ko ang mabilis na pagtibok sa loob.

"Ilang flyers pa ba ang kulang?" tanong ko kay Cherry.

She's busy counting ticket sales.

Bumaba ako rito sa lobby. Nagkulang kasi kami sa flyers na idi-distribute. One of our agents texted at sinabing maraming turista ngayon sa mall.

Summer na at kailangang samantalahin namin ang dami ng turista ngayon sa syudad ng Alaminos.

"Two hundred copies pa po Miss Paris. Para makumpleto iyong one thousand five hundred. One thousand three hundred lang po kasi ang na-iprint natin last Tuesday."

"Fiesta Mall and Nepo Mall, right? Nandoon iyong dalawang nagbibigay ng flyers natin?"

"Pati po sa Mart One..."

Tumango ako at nagmadaling pumanhik sa itaas. Thursday na ngayon pero ramdam ko pa rin ang pagod sa dami ng trabaho.

Kadalasan ay sa mga unang araw lamang ng linggo itong ganito. Pero dahil sa officially ay summer na, dumami ang mga kailangang tapusin.

Huminto ako sa pintuan ng opisina ni Allan. Kumatok ako bago ko iyon binuksan nang marinig ko siyang pwede na akong pumasok.

Sweet Lies (Sweet Series Book 2) #Wattys2016Where stories live. Discover now