Show 6

2 1 0
                                    

Lila's POV

"Ah eh hello?" Sabi ko

"Sabi ko anong ginagawa mo dito?" Sabi ng lalaking kakalabas lang ng kwarto nya?

"Ah eh ak-" di ko natuloy yung sasabihin ko ng may sumabat na....Ah!sya yung familiar na lalaking nag-bigay ng papel na may sulat.

"Pre wag mo namang sigawan yung babae" sabi nya

"I think bagay sa kanya sigawan" maarteng sabi ng babae

Biglang umalis yung masungit na lalaki at bumaba, napakurap Ako ng dalawang beses dahil sa nangyari?

"ah sorry pala kay Dark ha,ganyan talaga yon" sabi ng lalaking Familiar

"Oy Lila tapos ka na ba!? Tara na bumaba at may gagawin pa tayo" sigaw sa akin ni manang Fe

"Sige po alis na po ako" paalam ko sa kanila

"Don't go back bitch" bulong ng babaeng kasama nila ano yung sinabi nya?Ewan.

Bumaba na ako at pumunta naman kami ni manang Fe sa garden at nagayos ng mga halaman

"Ang bango bango talaga ng mga bulaklak" sabi ko habang inaamoy yung mga bulaklak.may narinig akong mga yabag na paparating sa akin. Lumingon ako at nakita ko si Corene na tumatakbo papunta sa akin.

"Ate Lila laro tayo ng Ball!" Sigaw nya sa akin ngumiti ako pumunta sa kanya

"Tara laro tayo hihihi" sabi ko

"Corene!? bawal kayo maglaro ni Lila kasi may trabaho pa sya" paliwanag ni ate joyce. Oo nga pala may trabaho pala ako, gusto ko pa namang makipaglaro.

Namimiss ko na sila Ron at Ren lagi kaming naglalaro ng bola pampalipas ng oras. Nasaan kaya sila ngayon? nasa magandang kalagayan kaya sila? May kumupkop kaya sa kanila? Eh yung mga iba kong mga kasama sa Circus nasaan?

"huy Lila! Natulala ka dyan" Sabi ni ate joyce na gumising sa pag-iisip ko

"Ah wala lang may naalala lang ako" sabi ko sabay ngiti

"Oh tuloy mo na yang gingawa mo.,," tumingin sya kay Corene "at ikaw na bata ka maligo ka na kanina ka pa naglalaro dyan" sabi nya kay Corene.

Tinuloy ko na yung gingawa kong pag-aayos sa halaman. Napabalikwas ako ng tayo ng may nagsalita sa likod ko.

"Ang ganda ng mga bulak noh?" sabi nya

"Ay Master!" Sigaw ko bigla naman syang natawa ng bahagya.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanya umiling lang sya sa akin at inabot yung kamay sa akin.

"Ako pala si Allen" pagpapakilala nya nagtataka ako kung bakit nakalahad yung kamay nya sa akin siguro.....apir yan?

"Uhm ako si Lila" sabay apir sa kamay nyang nakalahad. kumunot yung noo nyang nagtataka.

"Bakit mo pinalo?" Tanong nya

"Bakit? Diba Apir yon?" Sabi ko sa kanya bigla na naman syang natawa.

"Tell me where do you from?" Natatawa nyang sabi O-kay di ko na maintindihan yung sinabi nya?

"ah pasensya na pero.....di kita maintindihan eh?" sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

"Ah sige tagalog na lang....saan ka ba nanggaling?" sabi nya eto ba yung ibig sabihin ng sinabi nya kanina. Bigla naman akong kinabahan di nya pwedeng malaman kung saan ako nanggaling baka ipagkalat nya na.....teka tao pala ako ngayon pero di parin pwede.

"Ah sige k-kailangan ko nang m-magtrabaho" kumunot naman yung noo nya. Pumunta ako sa ibang parte ng garden kung saan nandoon yung mga rosas at nag-ayos ng halaman sinusundan nya ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Am A Circus Monster (On-Hold)Where stories live. Discover now