Show 1

17 2 0
                                    

Lila's POV

"Lila! gising na!"

Napabalikwas ako sa pagkakahiga ko ng sumigaw ang ring master.

"Ano! Hindi ka pa ba dyan tatayo ha!" Sigaw nya.napatayo ako agad dahil alam ko ang magiging parusa ko kapag hindi pa ako kumilos.

"P-pasensya na po" hingi ko ng tawad.hay isa na namang araw sa isang na namang lugar na hindi ko alam,ganto naman talaga ang circus di ba? Palipat-lipat

Ay!Oo nga pala,di pa pala ako nagpapakilala. Ako si Lila,Lila lang wala akong epilyido pero pwede namang tawagin akong Kitsune.Di ko alam kung ano ibig sabihin kung bakit kitsune ang pangalan ko sa entablado hahaha hay.Labing anim na taong gulang na ako pero sa circus na ako lumaki simula nung walong taon ako?

"Lila! Dito ka na at kumain na para may lakas tayo" Sabi ni Rennie.Isa sya sa mga matalik kong kaibigan at ang kambal neto,sila kami-kami lang nagkakaintindihan sa mga sa loobin namin.

"Oh Lila Isang tinapay sayo" sabi ni ate Freya at nagsimula na kaming kumain sama-sama,teka lang papakilala ko na lang sa inyo ang lahat ng mga kasamahan ko At ang mga abilidad nila habang kumakain.

Kanina si Rennie yon babae sya at may kakambal sya pangalan Ronnie lalaki hahaha,Tinatawag sila na The human Twin lion,dahil medyo kahawig nga nila ang mga lion,twin kasi pareho silang may buntot pero bawat isa sa kanila ay may tig-dalawang buntot,meron silang mahahabang mga kuko,matitibay ang mga yun pwedeng makahiwa ng metal,meron silang mga dilaw na mata,matatalas na ngipin pero syempre si Rennie yung buhok nya na bagsak pero kay Ronnie gulo-gulo.

Si Ate Freya,tinatawag din na the fire princess,lagi syang may suot na makapal na damit.....may tawag doon eh para di ka masunog o malapnos.....Tama!...asbestos yun,kaya sya laging may suot noon kasi kapag nahawakan mo sya malalapnos ka,syempre ayaw nyang may nasasaktan eh lahat naman kami ayaw namin manakit

Si kuya Ice syempre sya ang the ice prince katulad din ni ate Freya laging din syang may suot na makapal na damit,kapag nahawakan mo sya ng matagal maninigas ang parte kung saan mo sya nahawakan may pagkakataon na mababasag ang kalamnan mo kapag di ka naka abot kay ate Freya para gumaling haha

Si Ate Serene,Tinatawag na The majestic Mermaid,bukod ka sa malalapad na tainga neto at magandang kulay berdeng mata neto napaka ganda din ng Buntot nya,Ang kulay berdeng buntot neto ay nagtataglay ng lakas dahil sa malapad eto sabi ang sukat ng malapad na buntot na eto ay.......2....inches?......Ah!hindi pala 1 and a half meter sya hahaha.

Si Cent,tinatawag na The Human Centipede kasi daw yung mahaba nyang buntot na may mga galamay na kamay ng tao,kakaiba ano siguro nasa sampung pares na galamay yon,kaya nga kapag tatayo sya sobrang tangkad nya hahaha yung mga galamay nya,yun na yung paa nya,para din syang ahas na tinubuan ng mga kamay.

Si kuya White,Tinatawag na the Fallen Angel,yung pakpak nya ay kasing puti ng pangalan nya haha,meron syang malalapad na mga pakpak ,meron syang dalawang pares na pakpak kaya pag binilang isa-isa meron syang apat na pakpak meron syang Asul na mga mata,na kung tutuusin isa talaga syang Anghel.

Si kuya Stanley,tinatawag na The human boulder rock,dahil para syang buhay na bato at kumakain din sya ng bato kaya hindi na nya popoblemahin ang pagkain dahil nga bato ang kinakain nya,syenpre bato sya kaya nilulumot din sya,ako lagi ang tagalinis nya o di kaya si Rennie.

Si Mayu,tinatawag na the deformed diva,dahil ang mga binti nya ay hindi deretso kundi naka bend ng patalikod na parang paa ng manok,pero kaya nga diva sya dahil napakaganda ng boses nya,kaya nya rin gumaya ng iba't-ibang boses katulad ng sa akin kaya nya hahaha lagi din nyang ginagaya yung boses ni Ring master panakot sa amin haha pero syempre hindi sya nahuhuli.

Si Leon,tinatawag na the human chameleon,meron syang mga tusok-tusok sa likuran nya papunta sa buntot nya,di sya makakatingin ng deretso sa amin dahil laging magalaw ang mga mata nya pero nakikita nya kami ng malinaw at kulay berde pala ang balat nya at mayroon syang magagaspang na balat at may kakaiba doon ay kaya nyang mawala haha.

Si Ate Brenda,tinatawag na the blind acrobat,tama bulag sya,pero nakakapagtaka lang,syempre mabubulag sya kasi may nakaharang na bagay sa mata nya,yung bagay na yun ay parang metal na nakapiring sa kanya,pero sya ay may malakas na pakiramdam,kahit na may ibato ako sa kanya lagi nyang nasasalo,

"Tapos na po ako,salamat sa pagkain!" Sabi ko at tumayo na para mag ensayo.

"tapos na rin ako tara na Lila at kuya Ronnie" aya ni Rennie dahil tapos na rin eto.

"Tara" sabi ni Ron

Sabay kaming nag lakad papunta sa kung saan kami mag eensayo para mamayang gabi.

Habang naglalakad kami,may narinig kaming sigaw galing na naman sa kahon na metal

"Aaaaaaah!!!" Sigaw ng boses lalaki,di ko talaga alam kung sino nandun,kapag tinatanong ko naman si ate Serene o kuya stanley dahil silang dalawa ang pinaka matanda sa amin at silang dalawa lang ang laging pinapatawag ni master sinasabi lang nila na 'wag nyo na lang pansin' laging ganon ang sagot nila,mga dalawang buwan na yan nandirito pero wala eh ayaw sabihin.

"Aaaaah,pakawalan nyo akooo!!" Sigaw na naman ng misteryosong kahon.

"Tara na Lila pagalitan na naman tayo ni Ring master eh!" Sigaw ni Ron sa akin,Aba ang layo na nila kaya tumakbo na ako papunta sa kanila

@@@@@
Vote and comment

(0o0)

I Am A Circus Monster (On-Hold)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum