Show 2

10 1 0
                                    

"Oh Lila,ready ka na ba mamaya?" Tanong sa akin ni Kuya whi- si mayu na naman.

"Oo,kaso baka puro walang kwentang perfomance ang magawa ko na naman" malungkot kong sabi kay mayu.

"Wala bang kwenta ang mga pailaw mo ha? Eh di ba nga...mas namamangha ang mga Audience natin sa ilaw mo" sabi nya,Oo dahil nga sa gingawa kong mga ilaw kung bakit namamangha ang mga tao pero....

"Yun nga eh! Yun lang kaya kong gawin wala nang iba" sabi ko na naman ng malungkot.

Nagbuntong hininga si mayu "eh di....Ah! Diba di ka napapaso?sasabihan ko si Ring master na maglatag ng helera na nagbabagang uling sa lapag ng stage tapos magpeperform ka na!" Masiglang sabi ni Mayu,Oo nga di pala ako napapaso kaya ko nga palang hawakan si ate Freya.

Bigla kong niyakap si Mayu,di na sya nagulat kasi sanay na silang niyayakap ko maliban na lang kay kuya Ice,isang araw nga bigla ko syang niyakap dahil kinomfort nya ako,buti nalang nakita agad ako ni ate Freya para gamutin haha makulit kasi ako.

"Salamat sige alis ka na" sabi ko kay Mayu

"Ay bakit naman? Pinapaalis mo na ako?"

"akala ko ba kakausapin mo si Ring master ha?" Sagot ko kaya ayun bigla na lang umalis.buti na lang nakakatakbo sya sa ganung mga paa.

------------
Nakita kong papalapit sa akin ang Ring master,bigla akong kinabahan.

"Ang sabi ni Mayu na gusto mong magperform?" sabi ni master,tumango lang ako bilang sagot.

"Hmm..." hinimas nito ang kanyang baba gamit ang hintuturo at hinlalaki "Sige pumapayag na ako,Pero!" Nagulat ako sa sigaw nya.

"Kapag nagkagulo na naman ng dahil sayo di na kita ipagpeperform ulit,Maliwanag ba ha!?" Sigaw nya,Napatango ako ng marami.

"Opo! Opo! Gagalingan ko po sa performance ko maraming salamat po!" Sabi ko,blangko lang ang ekspresyon nya pero dahil natuwa ako niyakap ko sya.

"Ehem!" Sabi ni master kaya napaayos ako ng tayo

"Sige babalik na ako" tumalikod na sya pero bigla din huminto pero di sya humarap "magpatulong ka kay Freya para sa Performance mo" at naglakad na sya.

"Yaaah! Sabi ko na ba eh! papayag sya!" Sigaw ni mayu.

"Oh sige tatawagin ko lang si Ate Freya para sa performance Namin hihihi" sabi ko,biglang kumunot noo ni Mayu.

"Namin?" Sabi nya na nagtataka

"Hmm..Oo para maganda ang show mamaya hihi" at iniwan ko na sya

-----------

"Ate Freya!" Tawag ko kay Ate habang sya nageensayo gamit ang bolang apoy na ginawa nya,ngumiti sya sa akin

"Ate hinyaan ako ni Ring master na mag Perform mamaya!" Sabi ko sa kanya,medyo nagulat nga sya eh.

"Talaga!?" Napatalikod ako,Sigaw pala nilang lahat,napahinto talaga sila sa narinig nila,Ay!Malamang sinigaw ko kasi na mag peperform ako.

"Oo!" Sabik kong sabi sa kanilang lahat.

"At di lang yon dahil kailangan mag-partner sila ate Freya at Lila" Sabat ni Mayu na papalapit na rin sa amin.

"Yehey! Makikita na ulit kitang magperform!" sabi ni Rennie sabay yakap sa akin.

"Oh ano pang tinutunganga nyo!kumilos na kayo!" Bigla kaming natigilan dahil sa sigaw ni master,kaya bumalik na sila sa ginagawa nila.

"Ahh...Lila anong bang gagawin?" Tanong ni ate Freya.

I Am A Circus Monster (On-Hold)Where stories live. Discover now