Chapter 48 - Anong nangyari?

71.4K 1.3K 12
                                    

"Sir may bisita po kayo."

Nawala ang atensyon ni Caleb sa pinirmahang dokumento ng pumasok si Karl. Ang bago niyang secretary. Lalaki na ang kinuha dahil loyal siya kay Jenna.

Speaking of Jenna, hindi pa niya nadadalaw ang dalaga. Kahit kating-kati na siyang puntahan ang dalagay ay hindi siya makaalis ng Sta. Monica dahil nataong maraming trabaho. Kabi-kabilaan din ang meetings para sa mga upcoming projects.

He misses Jenna so much. Napangiti siya ng maalala ang magandang mukha ng dalaga.

"Sir!"

"Ha?" Ikiniling niya ang ulo para bumalik sa katinuan.

Tumikhim si Karl, "May bisita po kayo"

"Ano daw ang kailangan nila?"

"Personal daw ho mayor."

"Sige, papasukin mo." Utos niya kay Karl. Marahil isa ito sa mga kababayan niya na hihingi ng tulong.

Abala siya sa pagbabasa ng bumukas ang pinto. Inihanda niya ang kangyang ngiti at nag-angat ng mukha para batiin ang bisita.

"Ano ho ang maipaglili------" nabitin ang ngiti niya ng malaman kung sino ang bisita niya.

Napatikhim siya "please have a sit."

The visitor smirked at sinunod siya. Umupo ito pagkatapos ay binato siya ng nagbabagang tingin.

"Juice or coffee?" Pinilit niyang pakaswalin ang boses.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa mayor. Do you really love my sister?" Inilabas nito ang baril at ipinatong sa mesa niya. "Siguraduhin mong magugustuhan ko ang sagot mo mayor. Dahil kung hindi, ay hindi ako mag-aalinlangang sayangin ang bala ko sayo." Banta nito.

Pinagpawisan ng malapot si Caleb, walang bakas ng biro ang mukha nito. Pinilit niyang patatagin ang loob.

Mariin siyang pumikit para hamigin ang sarili pagkatapos ay agad na nagmulat.

Sinalubong ni Caleb ang titig nito. "Yes, I love her. But I made her cry, I want to hit myself for that. I can't promise na hindi ko na siya mapapaiyak ulit pero sisiguraduhin kong I'll make it up to her every day." Madamdaming pahayag niya sa kapatid ni Jenna. "Give me a chance to prove, how I much I love her."

Patuyang tumawa si Thor, "Masasabi mo kaya yan kapag nalaman mo na kung anong klaseng trabaho mayroon kami."

Hindi umimik si Caleb, ang alam lang niya ay kaya ni Jenna na ipagtanggol ang sarili nito. Dahil nasaksihan niya ng may magtangka sa kanyang buhay. At bakit nga ba may mga baril ang mga ito sa simbahan? Tila nabasa ni Thor ang iniisip niya.

Thor smiled sarcastically, "Nakikipaglaro kami kay kamatayan at nakikipaghabulan kami sa bala. Mamahalin mo pa ba siya kapag nakita mo kung paano siya makipagbarilan sa mga sindikato at sa mga assassins? She may look sweet and fragile but she's not. Para sa pamilya at sa trabaho niya ay hindi siya mangingiming pumatay at hindi siya natatakot na mamatay. Kaya mo pa bang mahalin ang babaeng katulad niya?"

Hindi nakaimik si Caleb sa pahayag nito. Kaya pa nga ba niya mahalin si Jenna sa kabila ng nalaman?

Ngumisi si Thor ng nakakaloko, "and now, you already have doubt?" Natawa ito ng pagak, "I may be dangerous, but I came here as Storm's brother. Kilalang-kilala ko ang kapatid ko kaya alam ko na mahal ka niya. I want her happiness. I told you everything para magkaroon ka ng panahong mag isip. Kapag sigurado ka na sa nararamdaman ko sa kapatid ko. Our house is open for you, pero kapag hindi ka sigurado huwag ka ng magpakita sa kanya.

Kinuha ni Thor ang kanyang baril sa mesa ni Caleb at tumayo, "salamat sa pagharap sa akin, have a great day."

***

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon