Chapter 50 - Double dead

73.5K 1.4K 26
                                    

Hindi makagalaw si Caleb habang sinusundan ng tingin si Jenna palabas ng sasakyan.

Bumalik sa kanyang balintataw kung paano niya ito unang nakita. She was wearing thick eyeglasses and manang style dress. She looked plain and delicate. Kakaiba sa babaeng nasa labas ngayon, fierce and stunning. May hawak itong baril at walang takot na mababakas sa mga mata nito. Hindi alintana ang panganib na kakaharapin.

Ngayon alam na niya. This is the woman; Thor was talking about.

Pinakiramdaman ni Caleb ang puso. Mabilis ang tibok nito, animoy nakikipaghabulan hindi dahil sa excitement kundi sa takot na baka masaktan si Jenna.

Ibig sabihin ito parin ang babaeng mahal niya. She's still Jenna, his Jenna.

***

Kalkulado ang kilos na naglakad si Jenna papunta sa tumagilid na sasakyan. Hindi pa siya nakakalapit ng papatukan siya ng mga sakay nito.

Napangiwi siya ng makaramdam ng hapdi sa kanang braso. Nadaplisan siya ng bala dahil hindi niya napag handaan ang pag atake ng mga ito. Mabuti nalang at mabilis siyang nakapagkubli siya sa posteng naroron.

Sumilip siya at gumanti ng putok sa mga ito. Napamura siya ng isa pang itim na van ang dumating. Sigurado siyang hindi ito ang pamilya niya.

Sinilip ni Jenna ang tracker. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang dumating na ang mga ito.

Nakita niyang mabilis na umibis ang kuya Quen sa sasakyan nito. "Storm where are you?"

Lumabas siya sa pinagkukublihan nakangiting itinaas ang kamay. "Kuya Quen, I'm here!" Nagtanguan sila bago makipagpalitan ng putok.

Sabay silang napalingon ni Quen ng may bumanggang sasakyan sa itim na van. "Am I late?" Maangas na sabi ni Zeus ng makababa ito ng sasakyan. Kumindat ito ng maibaba ang suot na shades.

Napakislot si Zeus ng may may tumamang bala sa gilid. "Ginagalit ako ng mga gunggong na to." Inilabas ni Zeus ang baril, "humanda kayo." Dumilim ang kanyang mukha.

Magagaling silang magpipinsan pagdating sa pakikipagbarilan ngunit hindi maikakailang magaling din ang kabilang panig. Lima palang ang tumutumba sa kanila.

"F*ck you a**holes, not my sister!" Napalingon si Jenna sa pinaggalingan ng mabangis na tinig. Nandoon ang kuya niyang si Thor, hawak nito ang baril na umuusok sa dulo. Sa harap nito ay may nakatimbuwang ng lalake. "Muntikan ka na dun Storm!" Galit na sigaw nito.

Kumindat siya sa kapatid, "thank you brother." Nagflying kiss pa siya sa kanyang kuya.

Isa pang sasakyan ang dumating. Umibis dito ang bayaw niyang si Dwayne at pinaputukan ang lalaking nasa likod ni Zeus. "You owe me, brother in-law." Nakangising saad nito.

Zeus smirked, "tiyamba!"

Nakikipagpalitan sila Jenna ng putok ng mapalingon siya sa sasakyang pinag-iwanan niya kay Caleb. Napamura siya ng makitang lumabas ang binata.

"Ang tigas ng ulo, sinabing huwag lumabas sa sasakyan." Tumakbo siya papunta sa alkalde.

***

Hindi mapakali si Caleb sa loob ng sasakyan. Napapakislot siya sa tuwing nakakarinig ng mga putok ng baril. Lumukob ang takot sa kanyang puso. Jenna is out there. Hindi siya mapapanatag na nandito lang sa loob ng sasakyan.

Hindi na siya nakatiis kaya, ipinasiya niyang lumabas. Napamulagat siya ng makita ang pagtakbo ni Jenna palapit sa kanya habang pinapaputukan ito.

Nakahinga ng maluwag si Caleb ng makitang okay lang ito.

"D*mn Caleb, what are you doing? Get inside the car!" Sigaw nito ng malapit sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Caleb ng makitang nakaumang ang baril ng isang lalake sa likod ni Jenna. Hindi na siya nakapag-isip, niyakap niya ang dalaga at iniikot niya ito para magkapalit sila ng posisyon.

Napaigik siya ng may mainit na bagay ang bumaon sa kanyang katawan.

"Caleb?" Nag-aalalang tawag ni Jenna sa binata ng maramdamang bumigat ito.

Tinanggal niya ang isang kamay na nakayapos kay Caleb ng maramdamang may mainit na likidong umaagos sa likod ng alkalde.

Nanginginig si Jenna ng makitang kulay pula na ang kanyang kamay. Dugo? Sh*t, may tama si Caleb.

Napahigpit ang hawak niya sa baril at inuumang ang baril sa lalaking pinaggalingan ng tama ng binata.

Gigil na kinalabit niya ang gatilyo at sunod-sunod na pinaputukan ang salarin sa tama ni Caleb hanggang sa maubos ang bala ng kanyang baril.

"Je---nna?"

"Caleb?" Nanginig sa takot ang buong katawan ni Jenna ng marinig ang nahihirapang usal ni Caleb sa kanyang pangalan.

"I'm so—rry."

"Shhh, huwag ka munang magsalita kung nahihirapan ka. Dadalhin kita sa ospital, okay?" Sa kabila ng panginginig ay pilit na pinapakalma ni Jenna ang sarili.

"I lo--ve you."

Hindi magawang magdiwang ni Jenna sa narinig. Bagkus ay binalot ng takot ang kanyang puso "Shhhhh, saka mo na sabihin sa akin yan. Kailangan kitang madala sa ospita."

"Storm!" Humahangos na lumapit ang kuya Thor niya.

"Kuya please, dalhin natin siya sa ospital" Namalisbis ang mga luha sa kanyang mga mata.

Mabilis namang kumilos ang kapatid at tinakbo nito ang sasakyan. Lumapit ang kanyang pinsang si Quen at bayaw na si Dwayne. Binuhat ng mga ito si Caleb at isinakay sa sasakyan ni Thor.

"Go, Jenna, ako ang bahala dito. Parating na din ang mga pulis." Ani Zeus.

"Caleb!" Yugyog ni Jenna sa binata ng makitang pumikit ito. "Please wag kang matulog," hinawakan niya ang mga kamay ng binate. "Don't leave me, okay?" Garalgal na ang boses niya. "Kuya, pakibilisan!"

Unti-unting nagmulat ng mga mata si Caleb. Sa kabila ng panghihina ay pinilit niyang iangat ang kamay patungo sa pisngi ni Jenna. Marahan niyang pinunasan ang mga luha nito. Ngumiti siya "I lo-ve yo—u, al--ways re--member that."

Hinawakan ni Jenna ang mga kamay ni Caleb na nasa kanyang pisngi. "I love you too." Umiiyak na sagot niya sa binata.

"I already called the nearest hospital, nakahanda na sila." Pagbibigay alam ni Dwayne. Dahil businessman ay maraming koneksyon ang kanyang baway.

Nagpapasalamat si Jenna kay Dwayne. "Thank you."

Napabaling siya kay Caleb ng maramdamang nawalan ng lakas ang kamay nitong nakahawak sa kanya. "Caleb?" Napakagat siya ng labi at pinigilan ang paghagulgol "Caleb, answer me please!" Ngunit nanatili lang itong nakapikit "Caleb!"

"Kuya!" Nanghihingi ng saklolo niyang tawag sa kapatid at pinsan.

Lumapit naman si Quen sa kanya at hinaplos ang balikat niya. "Shhhh, he's gonna be alright."

Tuluyan ng napahagulgol si Jenna. "Lord please, save Caleb." Piping panalangin niya.

Sa kabila ng panghihina pinilit na iminulat ni Caleb ang mga mata. Mas nahihirapan siyang marinig ang hagulgol ni Jenna kaysa sa tama ng baril sa kanyang likod.

"Ba--by don't cry, papakasalan pa ki—ta. Hindi pa ako ma-matay." Aniya sa nahihirapang tinig.

Nakahinga ng maluwag si Jenna sa sinabi ni Caleb.

Bumaling siya sa mga pinsan. "Mga kuya, narinig niyo yun?" Tango ang isinagot sa kanya.

Tumingin siya kay Caleb, "kapag namatay ka, ipapabaril kita ulit sa kanila." Banta ni Jenna, sa kabila ng pag-aalala.

Nanghihinang napangiti si Caleb, kakaiba talaga ang babaeng mahal niya. "Takot lang niya, kapag nagkataon ay double dead pala ang kalalabasan niya."









The Hottie MayorOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz