Chapter 36 - Sarmiento Men

83.5K 1.6K 22
                                    

Jenna heart is overflowing with joy while her cousin Aphrodite is walking down the aisle, so beautiful with her wedding dress.

Natawa siya ng makitang hindi na makapag-hintay ang kanyang brother-in-law na si Dwayne ng kumaripas ito ng takbo para salubungin ang bride at gawaran ito ng isang masuyong halik.

"Nanginggit pa tong dalawang to, hindi pa nga sinasabi ng pari na kiss the bride eh. Advance lang?"

Tumigil lang ang dalawa ng makarinig ng sunod-sunod na pagkasa ng baril. Apat na baril ang nakatutok sa groom. Sino pa ba ang salarin kundi si Tito Zion, kuya Zeus, kuya Thor at kuya Quen.

"Go back in front." Madilim ang mukha ni kuya Zeus.

"D*mn, let me enjoy walking down the aisle with my daughter first." Galit na ang kanyang tiyuhing si Zion.

Tinaas ni Dwayne ang dalawang kamay "Sorry po, can't help it, she is so beautiful." Malamlam ang matang sabi ni Dwayne habang naglalakbay sa mukha ni Ap.

Dwayne was about to kiss Ap again ng sinalubong ng malamig na dulo ng baril ang kanyang mga labi "Later Morales!" ani Thor

Natawa tuloy si Jenna ng malakas, buntis na nga at ikakasal na si Ap, strikto parin ang mga lalaking ito.

Napasinghap silang lahat ng lumuhod ang groom. "Will you marry me sweetheart?"

Dumagundong ang tawanan sa loob ng simbahan kasabay ng pagpahid ng mga luha ng iba.

Pati si Jenna ay hindi napigilang mapaluha, masaya siya para sa pinsang si Ap. Alam niyang mapapabuti ito kay Dwayne.

"Napakasigurista mo naman Morales, Do I have a choice? Binuntis mo na nga ako diba?" pabirong sagot ni Ap sa pagitan ng pag iya, "yes, and I love you too."

Jenna smiled, "Ap finally got her happy ending, ako kaya kailan?"

Pasimple niyang tinignan ang cellphone kung may message bang galing kay Caleb. Ngunit wala pa, ang huling text nito ay tinanong lang kung saang simbahan gaganapin ang kasal.

Nawala ang atensyon niya sa kanyang cellphone ng magsalita ang Tito Zion niya.

"Tapos na ang drama, kung ako sayo Morales bumalik ka na sa harap baka mag bago pa ang isip ko at itakbo ko na ang baby girl ko palabas ng Simbahan na ito."

Naiiling nalang si Jenna sa takbo ng pangyayari,

She is too absorbed hearing Ap's wedding vow ng mapakislot siya dahil biglang umilaw ang cellphone niya.

Caleb is calling, kaya pasimple siyang tumayo at pumunta sa gilid ng simbahan para ang tawag nito.

"Hello,"

"I'm here baby."

Inikot ni Jenna ang paningin sa loob ng simbahan, "Where?"

"You look very pretty," sa halip na sagutin ang tanong niya ay pinuri siya ni Caleb.

"Nasaan ka ba?" Nakangusong kulit niya dito. Pinaglalaruan ba siya ng mokong na mayor na to?

"Stop pouting baby, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, halik ang maisalubong ko sayo."

"Nasa----" nabitin ang sasabihin niya ng makaramdam siya ng presensiya sa likuran niya. Hindi siya maaring magkamali, sa amoy palang nito maging ang pintig ng kanyang puso ay kilalang kilala ito.

Dahan-dahan siyang umikot, napasinghap siya ng mapagmasdan ang itsura nito.

He looks so gorgeous in his suit, na bihira niyang makita dahil palagi lang itong naka polo shirt. Sinamahan pa nito ng nakakamatay na ngiti.

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon