Chapter 39 - Freely

76.6K 1.5K 12
                                    

"Ma'am Jenna?" Nanantiyang saad ni Manong Randy.

Jenna forced a smile, "bakit po manong?"

Hindi alam ni manong Randy kung lalapit sa kanya o hindi. "Patawad, hindi ko nabanggit sayo."

Walang buhay siyang tumawa,"you don't have to, manong." Hindi dapat ang matanda ang humihingi ng tawad sa kanya. "Gusto ko nga hong magpasalamat." Nilapitan niya ang matanda at niyakap ito. Hindi naging boring ang pag-stay niya dito sa Sta. Monica dahil sa matanda. "Mami-miss ko po kayo, ingatan niyo ni manang Sabel ang sarili niyo po ha? Promise, babalik ako pero sa isang kondisyon?"

Namumula ang mata ng matanda na tumingin sa kanya at pilit na nagpakawala ng ngiti. "Ano ho, ma'am?"

"Sabihin mo po kay manang Sabel, ipagluto ako ho ako."

Natawa ang matanda, "Yun lang pala ma'am, wala hong problema." Sumeryoso ang mukha ang matanda. "Ma'am, hindi niyo na ho ba aantayin ang paliwanag ni sir?"

Ngumiti si Jenna ng mapait, "Wala naman siyang dapat ipaliwanag manong, hindi naman ho naging kami." "Tangn*, nilandi lang ho niya ako at pinaasa."

"Pe----" tinignan lang ni Jenna ang matanda at umiling.

Bumuntong hininga naman si manong Randy bilang pagsuko. "Kailan ang alis niyo, ma'am?"

Kahit duguan ang puso niya ay ngumisi si Jenna. Bago siya tuluyang umalis ng Sta. Monica ay mang-iinis muna siya. She's a Sarmiento for goodness's sake. Hindi nga siya takot sa bala at bomba kaya hindi siya magpapatalo.

"It's your lost, mayor Caleb Ryder Venganzo." "Thursday naman na ngayon manong, tatapusin ko na ho ang trabaho ko hanggang bukas."

Umaliwalas ang mukha ni manong Randy. "Talaga, ma'am?"

Jenna nodded, "dahil naging mabait ang mga empleyado sa akin manong, manlilibre ako bukas ng gabi. Wala namang pasok kinabukasan." Magpapa-farewell party siya.

Naputol ang pag-uusap nila ni manong Randy ng bumukas ang pinto ng opisina ng alkalde at lumabas sila ni Fionna.

Hindi na siya nag-abalang tignan ang mga ito. Bumalik siya sa upuan at tumutok sa computer.

"Aalis ho ba tayo mayor?" Tanong ni manong Randy kay Caleb.

"Opo kuya, tumawag kasi si mama."

"Mabuti pa nga, baka hindi ako makapagpigil ay sipain ko kayong dalawa palabas ng city hall."

"Sige, ihahanda ko lang ang sasakyan." "Ma'am Jenna, maiiwan ko ho muna kayo."

Tumango si Jenna kay manong Randy at muling itinutok ang mata sa computer.

"Miss Sarmiento, ikaw muna ang bahala dito sa opisina, babalik din ako agad."

"Wala akong pake."

Tumayo siya at inaabot dito ang papel."Sir, pakipirmahan po muna." Sabay abot ng sign pen dito.

He was about to sign it, ng matigilan ito matapos basahin ang papel na inabot niya. It was her resignation letter.

Dumilim ang mukha ang nito."What's the meaning of this? I won't sign it!"

Sinalubong niya ang matalim na titig nito "You have to, my job is done. There's no reason for me to stay." Walang emosyong ang pagkakasabi niya. But deep inside she's hurting.

Nilamukos ni Caleb ang papel, "Let's talk when I get back."

"Wala ka ng babalikan." "Signed or not, I'm leaving." Hindi siya nagpatalo sa matalim nitong mga titig.

The Hottie MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon