Soul 34: Zara Montfort

Magsimula sa umpisa
                                    


"Bakit sa dinami-dami ng katawang pwedeng puntahan ay isa pang Asterian ang napili mo?" mapait na tanong ni Damon sa 'kin. Ramdam ko ang inis at galit sa boses niya. Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras. Naalala ko ang sinabi ni Aivee na galit na galit si Damon sa mga Asterian dahil ang mga ito ang pumatay sa mga magulang niya. Maging sa magulang ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil doon. May karapatan siyang magalit pero hindi niya pwedeng idamay ang lahat sa galit niya.


"Bakit kailangang madamay ako sa galit niya kung isa nga akong Asterian? Hindi ko kasalanan kung pinatay ng mga Asterian ang mga magulang niya!" naiinis na singit ni Zirrius dahil narinig niya ang mga iniisip ko. Malalim akong bumuntong-hininga. Sumasakit ang ulo ko dahil sa kabi-kabilang tanong at reklamo nila. Parang gusto kong sigawan at patahimikin ang lahat.


"Damon... I want to discuss this matter privately but you know, I can't," naiinis na sagot ko sa kanya. Napansin ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ni Damon. Alam niyang naiinis na ako at naaaliw siya dahil sa katotohanang 'yon. Pakiramdam ko, unti-unting nawawala ang pagkainis niya sa 'kin.


"You are welcome to visit my dreams, Avery," he suggested with a knowing smile. And I hate that. Paano naman ako makakadalaw sa panaginip niya? Hindi ako maaaring gumamit ng mahika dahil alam kong hindi papayag si Zirrius.


"Buti alam mong hindi ako papayag," mariing saad ni Zirrius. "And why do you have to talk to him privately? Bakit kailangan mo pang itago? Ilang beses ka bang magtatago ng sikreto mula sa 'kin? Gusto kong malaman ang lahat-lahat! Hindi lang ito tungkol sa 'yo at sa kanila! Tungkol din 'to sa 'kin!" mariing saad ni Zirrius. "Bakit hindi mo sinabi sa 'kin noon na isa akong Asterian? Naiinis ako kapag pinaglilihiman mo ko! Wala ba talaga akong karapatan sa katotohanan?" galit na tanong pa niya.


Mariin akong napapikit. "Zirrius... Please..." mahinang wika ko sa isip ko. Pakiramdam ko sumasakit ang puso ko dahil sa mga salitang binibitawan niya. "Gusto kong sabihin sa 'yo ang lahat pero hindi ka pa handa. Hindi ko alam kung paano mo tatanggapin ang lahat ng ito. Hindi ito problema ng isang mortal. Hindi ka na tao at hindi ka pa sanay sa mundo namin," nanghihinang sambit ko sa isip ko.


"At sa tingin mo, kailan ako magiging handa? Isang taon? Dalawang taon? Sampung taon? Gaano katagal ka maglilihim, Avery?" naiinis na tanong niya sa 'kin. Pakiramdam ko, may bikig sa lalamunan ko. Umiinit ang lalamunan ko. Hindi ko magawang huminga nang maayos.


"Hindi ko alam. Hangga't kailan, itatago ko sa 'yo ang lahat," tapat na sagot ko sa kanya. "Pero ngayong alam mo na ang totoo, hindi ko na kailangang gawin 'yon." Zirrius hissed. Naghintay ako sa sasabihin niya pero hindi na siya nagsalita pa. Gusto kong marinig lahat ng iniisip niya ngayon pero hindi ko magawa. Napansin ko naman na pinapanood pala ako nina Aivee at Priestess Silvia nang magmulat ako ng mga mata.


Narinig ko na ang papalayong yabag ni Damon kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya. "Aalis ka na?" kunot-noong tanong ko sa kanya.


"Marami akong gustong malaman mula sa 'yo. Gusto kitang makausap nang tayong dalawa lang. I'll see you tonight. In a dream... Because I can't take to look at you on that form," he said coldly. Napaawang ang labi ko. Zirrius was right. He's really arrogant. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Lumabas na siya sa templo at hindi na tumingin pa muli sa 'kin.

SoulboundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon