Chapter 7

13 0 0
                                    

"Bakit ka binigyan ni Bryan ng dried mangoes?" Nakataas na kilay na tanong ni Ezekiel nang nasa sasakyan na niya kami. Paano niya nalamang si Bryan ang nagbigay nito? 

"Paano mo nalaman na siya ang nagbigay?" 

"Who else would? Wala namang nagtitinda ng ganyan dito sa probinsya niyo. Bryan's mom was in Cebu last week. Sino pa ba?" Masungit na sagot niya. 

"Eh, paano pala kung manliligaw ko ang nagbigay nito at lumuwas pa pala siya para mabili ito?" Tanong ko. Humalukipkip ako at inirapan siya.

Lumingon siya sa akin. "Hindi ba nanliligaw sayo si Bryan?" Seryosong tanong niya. Natahimik ako sa sinabi niya. He was looking at me at parang matutunaw ako. Nang bigla siyang ngumiti. "Tsaka, sinong manliligaw sayo dito na luluwas pa? They don't even have cars!" 

Sinimangutan ko siya. "Aba, minamaliit mo ba ang mga taga rito sa amin? Porket konti lang ang nakita mong nakakotse! Sila Franchesca Estanda, anak ni kapitan yun... Pati yung mga kaibigan niya, mayayaman din." Pagmamayabang ko. Kahit na yamot ako dun, syempre, di ko naman maipagkakaila na mayaman talaga ang bruhang psychotic na yon! "Even Bryan! Anak siya ni governor." Pagdidiin ko. 

"I don't care..." sagot niya. Hindi na kami nag imikan matapos yun hanggang sa makarating kami ng bahay. Dinner na nang maabutan namin.

Matapos naming kumain ay nagshower muna ako. Balak ni papa ang maggala-gala ngayong gabi dahil matagal an raw siyang hindi nakalibot dito sa amin. Ezekiel offered his car. Mas mabuti na rin 'yon para hindi na kami mahirapan mag-commute. 

Habang naglalagay ako ng lip tint ay narinig ko ang paghalakhak nila mula sa labas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko at minadali ko nalang ayusin ang buhok ko. 

"What the fuck!" Tawa nang tawa si Ezekiel. May tinitignan silang apat na isang notebook (?). Napahinto naman sila nang lumabas ako ng kwarto pero nakangisi pa rin. Lalong lalo na si Ezekiel na hindi matigil tigil sa pagtawa. "Bata palang pala si Angelee mukhang duck na!" Pagpatuloy niya habang tawa nang tawa pa ring tinitignan ang photo album! Bwisit! 

"Hoy! Ano bang tinitignan niyo diyan?" Sinimangutan ko silang apat at lumapit. Tumabi ako kay Ezekiel para tignan kung anong picture iyong tinatawanan niya, pero parang na-block ang utak ko nang maramdaman ang init ng katawan niya dahil sa sobrang lapit ko sa kanya. Ang bango bango niya at ang gwapo niya tignan sa suot niyang itim na polo. 

"Oo, ang kapal kasi ng labi niyang si ate eh, nangudngod ata yung nguso nung pinanganak ni mama." Biro ni Art. Napatingin ako kay Ezekiel, na sakto namang tumingin din sa akin. 

Kumalabog ng sobra ang puso ko nang mapatingin siya sa labi ko. He was still smiling from his laugh kaya nagtayuan ang balahibo ko dahil sa ngiti niya habang nakatingin sa labi ko. Pero mga dalawang segundo lang 'yon at agad niya ring binawi. Pakiramdam ko namumutla na ako ngayon. 

"Osiya, tara na..." Sabi ni papa na inakbayan naman si mama. Sumunod kaming tatlo. Si Ezekiel ang nag-drive habang nasa passenger seat naman si papa. Kaming tatlo ay nasa likod. Ang sabi ni papa ay kakain daw muna kami dun sa kainan dito sa probinsya namin na talagang dinadayo. Gusto niyang matikman ni Ezekiel ang special halo-halo nila dito. Naexcite rin tuloy ako! 

Si mama at papa ang nag-order. Kaharap ko ngayon si Ezekiel at katabi niya naman si Art. Napapalunok pa rin ako pag naalala ko yung paninitig niya sa labi ko. Kaya napatingin ako ngayon sa labi niya habang kausap niya ang kapatid ko. It's pink, at ang sarap halikan. Bawat paggalaw ng labi niya ay... ay... ang sarap halikan! Ugh! 

"Ate?" Tanong ni Art. Saka ako bumalik sa realidad. Masyado ata akong natulala sa labi niya. Lumingon naman si Ezekiel sa akin nang nakakunot ang noo. 

Halos malaglag pa ang panty ko nang mapatingin nanaman siya sa labi ko habang nakasimangot. Mga dalawang segundo saka niya iniwas agad ito. Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? I wanna kiss him... Pero hindi pwede... hindi... 

What the hell are you thinking, Gelee?

Nabalik lang ako sa sarili ko nang tawagin ako ni mama at naglatag ng mainit na sabaw sa harap ko. Si Art ay nakikipag usap ulit kay Ezekiel.

"Tikman mo yan, Justin... Hipan mo lang, mainit pa." Sabi ni mama. Kinuha naman niya ang kutsara at saka tinikman ito.

"Fuck!" Napamura siya sa init ng sabaw.

"Tubig!!!" Sigaw ni mama.

Dali dali namang lumapit ang tatlong waitress na kapwa may dala-dalang baso ng tubig. Nalaglag ang panga ko. Ang tindi niya! Hanggang dito ba naman marami siyang naaakit? Jusko po...

"Thanks." Sagot niya sa isang maswerteng waitress matapos niyang inumin ito. "Wasn't expecting it to be that hot. Grabe." He bit his lip.

To be that hot? Eh ikaw mas hot! Dapat yung sabaw ang mapaso sa sobrang hot mo. Pwede ba! Kiss ko kaya yang labi mo na namumula dahil sa pagkapaso? Charot. >:)

"Kuya Justin. Masarap yung tapsilog dito." Sabi ni Art saka tumawa. "Favorite ni ate yan..."

"Talaga ba? Mahilig ka pala sa mga ganto, duck." Sagot ni Zeke na lumingon saakin nang nakatawa.

Feel ko wala pa rin ako sa wisyo. Parang lutang pa rin ako. Tinanguan ko lamang siya at napatulala sa sabaw na nasa harap ko. Hindi maalis sa isip ko yung mapulang labi niya. Bakit ba ako naoobsess? Hindi ko alam. Nang mapatingin siya sa labi ko ay hindi ko na mapigilan na tignan ang kanya.

Tumayo ulit si mama at papa para kuhain ang pagkain namin. Nilatag ni Art ang sizzling sisig sa gilid ko. Kay mama iyon. Nakatingin lamang ako don. At nang lingunin ko si Ezekiel ay nakatitig siya sa akin!

"M-may... Ano... Lagpas lipstick mo." Nanginginig na sabi niya na nagpakalabog sa puso ko. I don't know which one. The fact that I caught him staring at me, or that he was stuttering when I caught him... Or the fact that he was staring at my lips.

Sa sobrang taranta ko ay humigop ako ng mainit na sabaw! "Awch." Sigaw ko.

Tawa naman nang tawa si Ezekiel. Ang kapal ng mukha! Siya nga kanina, hindi ko tinawanan.

Napahinto lamang siya sa pagtawa nang lumapit sa akin ang isang lalaking waiter at nag abot ng tubig. "Hindi. Meron na siya..." Sagot ni Zeke habang inaabot naman sa akin ang isa sa tatlong baso na binigay sa kanya kanina ng tatlong magkakaibang waitress.

"Ma'am, pasensya na po. Mainit." Sabi ng waiter matapos kong kuhain ang iniabot ni Zeke.

"Napaso rin naman ako kanina, bakit walang paumanhin?" Nagtaas ng kilay si Zeke. Aba ang arte! Gusto niya hihingi rin bg paumanhin sakanya? Aba!

"Pasensya na po, sir." Sagot nito.

"Okay. Magtrabaho kang mabuti." Sagot ni Zeke nang di manlang nililingon ang lalaki. Ang angas niya! Hindi ko alam kung maiinis ako o maiinlove lalo sa kanya eh!

Pero ang kinalaglag ng pant-----nga, panga ko, ay ang huling sinabi niya habang nilalaro laro ang sabaw na nasa harap niya... 

"A girl like you deserves a guy better than that." Sabi niya nang hindi man lang ako tinitignan.

Sinong guy? IKAW?! SHET LANG. 

The Unsophisticated's Secret Love Where stories live. Discover now