Simula

24 1 0
                                    

"Anak ni Senadora Catarina Alcantara, sangkot nanamang muli sa isang aksidente..."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang sinasabi ng reporter dahil sa paglambot ng tuhod ko. Dalawa ang anak ni Senator Alcantara, pero imposibleng ang batang babae na anak nito ang nasangkot nanaman sa aksidente.

Ilang beses akong lumunok. Hindi ko alam kung gaano kalubha ang natamo nito ngayon. Kung dati ay nakasurvive ito, maaaring iba na ngayon ang sitwasyon.

"Inaalam pa kung tunay ngang may nagtangka sa buhay nito, dahil na rin sa nakitang mga marka ng bala sa salamin ng kotse ng biktima. Sa pangalawang pagkakataon ay wala naman gaanong natamong sugat ito at kasalukuyang nagpapagaling sa St. Luke's Hospital."

Huminga ako nang malalim. Nairita ako sa kung sino man ang nagtatangka sa buhay ni Bradley Ezekiel Alcantara! Dinadaan sa baril ang away. Eh baka kung sa suntukan, walang palag iyon sa malaking katawan ni Ezekiel. Baka nga malaglag pa ang brief non sa gwapong mukha nito.

"Angelee, anak, nandito na si Marie." Sigaw ni mama na nagsasampay ng mga labada sa baba.

Nagpunta ito sa bahay para tapusin ang project namin. Kaklase ko siya ngayong kolehiyo, kahit na 25 years old na ito. Tumigil ito sa pag aaral at pumasok bilang katulong kaya ngayon ay kumukuha ito ng kursong education kagaya ko.

Siya lang rin ang kasundo ko dahil karamihan sa mga kaklase namin ay mga bata pa, habang ako ay 19 years old na. Kagaya ni Marie ay tumigil din ako dahil sa problemang pinansyal.

"Napanuod mo ba yung balita?" Tanong nito pagpasok ng bahay.

"Oo. Sino kaya ang may gawa non? Mukang tanga lang." Sagot ko buhat ng pagkairita.

"Nako, pag nagkagalos ang gwapong muka nito. Hala nako. Ang gwapo pa naman noon sa personal." Sabi nito.

Nakita na kasi ni Marie si Ezekiel sa personal nang ikasal ang amo niya sa pinsan nito noong nakaraang taon. Marami itong kwento tungkol kay Ezekiel kaya interesadong interesado ako.

Una palang ipinakita sa TV si Ezekiel noong 16 years old ito ay crush na crush ko na talaga siya. 15 palang ako noon at walang ibang ginawa kundi ang ibigin siya sa malayo. Nang nagpunta kami ni mama sa Manila ay siya ang hinanap ko. Pero malabong mangyari iyon sa laki ng Manila at imposibleng magkasalubong ang landas namin.

"18 palang ata o 19 yang si Ezekiel noong una kong nakita. Halatang gwapo talaga, pinagtitinginan ng mga tao. Pareho sila ng pinsan niya, pero may asawa't anak na iyon. Kaya yung nga dating obsessed kay Sir Austin, sa kanya nagsipuntahan." Singit nito habang tinatapos namin ang project.

Gustong gusto ko siyang napag uusapan. Pakiramdam ko ay laging umiinit ang pisngi ko kapag naririnig ko ang pangalan niya.

"Matangkad ba siya?" Tanong ko.

"Aba oo. Basketball player kaya iyon." Sagot niya. Lihim akong napangiti. Lahat ng katangiang gusto ko sa lalaki ay nasa kanya.

Matalino
Matangos ilong
Matangkad
Maka-Diyos
Magaling mag basketball

Atttt....

Gwapo!!!!

The Unsophisticated's Secret Love Where stories live. Discover now