Chapter 6

13 0 0
                                    

Kumalabog ang puso ko nang maaninag ko si Ezekiel. Makakasalubong namin siya, kasama niya ang mga basketball team. Maging si Bryan, kasama niya. Marahan akong siniko ni Marie. Pinandilatan ko siya ng mata. 

"A-ano.... Paano natin uumpisahan?" Kunwari kinakausap ko ang dalawa para hindi awkward. Teka lang, bakit naman magiging awkward? Eh, magkapatid nga kuno kami! 

"M-may nagawa na akong halos kagaya nito dati.." Sagot ni Claudine. Tumingin ako sa kanya dahil iniiwasan kong mapatingin sa gawi nila lalo na't palapit nang palapit ang ingay na nagmumula sa pagkukulitan nila. 

Pero di talaga kaya ng leeg ko ang hindi lumingon dahil lumingon pa rin ako! Saktong mukha ni Ezekiel ang bumungad sa akin pagharap ko. Pero parang may kung anong kumirot sa puso ko nang makita kong nakatingin siya ngayon kay Claudine. At maangas na tumango sa akin bago ako lagpasan. Napalunok ako, mga tatlong beses. Napalingon ako kay Claudine ngayon na parang walang kaalam alam. 

Angelee Zen, nasa iisang bubong kayo, kaya mong agawin yan kung crush niya itong si Claudine! 

Nagpunta na kami sa klase namin. Sa lahat ay magkaklase kami ni Marie habang si Claudine naman ay nahiwalay sa pangatlo ang pangapat naming subject. Huminga ako nang malalim. Parang hindi ako mapakali at tumitingin tingin sa oras. Dapat pala pumayag nalang akong antayin si Ezekiel. Gusto ko siyang tanungin kung kamusta ang araw niya? Kung may naging kaibigan siya klase? O kung may nagustuhan siyang babae!? FUCK. 

Hindi ako mapakali pagkauwi ko. Ilang oras pa ba bago siya makakauwi? Pabalik balik ako ngayon dito sa sala. Para akong asawa na naghihintay sa pag uwi ng asawa niya! Damn... I bit my lip at the thought. 

Pero normal lang rin naman pag uwi niya. Nautal ako nang makita ko siyang pawisan pag uwi, at nakajersey shorts pa. Kaya nalimutan ko yung mga gusto kong itanong sa kanya. Walangya. Nakakunot pa ang noo niya sa akin dahil nakatayo ako sa harap niya at nakatulala sa mukha niya.

"What? I'm tired..." matamlay na sagot niya saka humilata sa sofa. Nalaglag ang panga ko sa ginawa ko! Tanga, Angelee, tanga.... 

Tumabi ako sa kanya at lumunok. Binuksan ko ang TV, inaantay kong may ikikwento siya. Na may maganda akong kasama? O may nakilala siya? O ano? Nakakabaliw! Talk, please, talk! Tinignan ko siya at nakapikit ang mata niya. Bakit hindi pa pumasok sa kwarto ang gunggong na to kung pagod na siya? Nakashoes pa naman siya! 

Pero grabe, ang gwapo niya kahit nakapikit ang mata. Ang makakapal niyang kilay, matatangos niyang ilong at... ugh! Lahat gwapo! I stared at his lips, shit. Naiinis ako na hindi ko iyon mahalikan! Sandali lang, Angelee, ano ba 'tong pinagsasabi mo? Mandiri ka nga! Gaga ka! 

Biglang kumalabog ang puso ko nang binuksan niya ang isang mata. "Wag mo nga akong titigan..." 

Agad akong umayos ng upo. I bit my lip. Nakakainis! Ang gaga ko! Inunan niya ang malaking bag niya at may towel na nakasabit sa leeg niya. "Angelee... I said, stop staring." Mahinang sabi niya. Tumayo ang balahibo ko. Shit... 

"A-ano... Kasi... d-dun ka na sa kwarto mo!" Pagpapalusot ko. 

"Buhatin mo 'ko." Sagot niya kahit nakapikit pa rin ang mata niya. Pucha lang! Sige buhatin kita, basta sabay tayong mahuhulog, tapos magsasaluhan tayo. Okay ba yon? Itinaas niya ang paa niya sa sofa at ipinatong iyon sa legs ko! 

"Legs mo pa nga lang ang bigat na!" Sagot ko. Tumawa naman siya at napamulat ang mata. 

"Tarantado." Natatawang sabi niya saka tumayo at binuhat ang bag niya papasok ng kwarto niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tinawag niya akong tarantado? Aba, iyong tarantadong iyon! 

The Unsophisticated's Secret Love Where stories live. Discover now