Chapter 3

12 1 0
                                    

Marami raw ang nagtatanong kay mama sa palengke tungkol kay Zeke... Ay, kay kuya Justin pala. Ang bilis naman makarating ng balita. Kung sabagay, gwapo naman kasi talaga siya. Naiinis lang ako dahil marami na ang nagkakacrush sa kanya. Eh, akin lang siya noh!

Ganun ang nangyari araw araw. Palaging paggising ko ay wala na ang dalawa, si Zeke ay nag try-out daw ng basketball sa school. Makukuha siya, for sure. Nagti-training siya araw araw kaya hindi ko siya masyadong nakikita. Minsan ko lang siya nakikita, minsan nagsusungit lang. Pero okay na yun... at least interaction diba? Maiinlove din saken yan!

Ngayong araw ay kinakabahan ako... Paano kasi, enrollment na! Kasama ko si papa at si Zeke. For sure, maraming magkakacrush sa kanya. At baka may matype-an siyang iba dito! Hindi ako makakapayag. Babakuran ko na siya!!!

"Andito na pala ang reyna..." Bati ng guard. Tumawa ako at nakipag-high five sa kanya.

"Bakit reyna ang tawag sayo?" Tanong ni papa nang makalagpas na kami. Nilingon ko sila pareho. Ang tangkad nila at nanliliit ako. Ang hot pa ni Zeke maglakad, grabe. Kahit nakagray lang siyang shirt. Bakit ganun? Totoong tao pa ba siya?

"A-ano p-po..." Nahihiya ako lalo na't nakatingin rin sa akin si Zeke. Baka isipin niya mayabang ako! Di ba pwedeng maganda lang kasi talaga ako? "Nanalo po kasi ako sa beauty contest dito sa school last school year..."

"Syempre, baka wala nang iba talagang maganda dito sa inyo..." Sagot ni Zeke tsaka tumawa. Uminit ang pisngi ko. Ewan ko kung nangiinis siya o ano. Alam kong nilalait niya ang lugar namin, pero tama ba ang narinig ko? Wala na daw iba talagang maganda dito? Sabi ko na nga ba, nagagandahan sa akin yan eh!

"M-marami kaya..." Sagot ko. Pa-humble kunwari. Pero ako pinakamaganda dito, Zeke, kaya akin ka lang, ha! Wag ka nang bumalik ng Maynila. Akin ka nalang, dito ka nalang. Love you.

Pinagtitinginan talaga siya habang naglalakad kami sa hallway ng school. Hindi niya naman pinapansin ang mga iyon kahit na panay ang cute. Meron pa ngang nagpapabebe ng boses para lang mapansin, eh! Weh epal.......

"Angelee!" Bati sa akin ng mga kakilala ko. Saka mapapatingin naman sila kay Zeke na nasa likuran ko, kasama si papa.

Nagpatuloy kami hanggang sa registrar. Mahaba ang pila at masyadong mainit. Nilingon ko si Zeke dahil alam ko namang hindi sanay sa mga ganito yan. Syempre, special treatment yan sa Manila. Anak ni Senadora eh! Tsaka may mga tauhan yan para gawin mga kailangan niyang gawin, anak ng businessman eh... Kumunot ang noo niya nang lingunin ko siya. May pawis na pumatak sa noo niya. Shit. Ang hot niya. Naubusan ata ako ng hangin sa katawan.

"What?" Tanong niya.

"Mahaba kasi ang pila! Baka kasi mainitan ka!" Humalukipkip ako at inirapan siya.

"I've done field works.. Hindi ako tamad." sagot niya. Hindi ko na siya hinarap. Medyo kinilig kasi ako sa pagsasalita niya. Masungit an ewan. Grrr!

Umupo kaming tatlo sa silya dun habang nag-aantay sa pila. Seryoso lamang ang mukha niya so I'm not sure if he's pissed or what... Inabot ko sa kanya ang tissue at masungit niya namang tinanggap. Pinagtitinginan siya ng mga tao, maski ng mga magulang o kaya ng mga professors.

"Miss Francisco..." Lumapit sa amin ang professor na adviser ng kabilang course. Mr. Manggalang. He's actually gay at sobrang bait niya sa amin. "Bakit nakaantay sa initan ang prinsesa ng eskwelahan, ha?"

Uminit ang pisngi ko. Actually, hindi ko naman talaga planong sumali sa contest na iyon. I was just forced by my friends kasi ayaw nilang manalo si Franchesca, iyong anak ng kapitan ng barangay. Hindi ko naman ineexpect na mananalo dahil first time kong sumali sa ganung event. Usually kasi sa maliliit na contest lang ako sumasali. Kagaya ng pagmu-muse sa barangay.

"At sino ang gwapong kasama mo?" Inayos niya ang suot niyang scarf. Nilingon ko si Zeke na tamad na nakasandal sa bench habang nilalaro laro ang labi niya.

"Ah-- sir... Ano po... ito pa ang papa ko. Tsaka po kuya ko." sagot ko. "Uh... si k-kuya Justin po."

Tumayo si papa at nakipagshake hands. Si Zeke naman ay nakaupo pa rin nang makipagshake hands. Seriously? Anak ni senadora, hindi kayang tumayo para makipagshake hands? Napatingin ang iilang mga estudyante doon sa amin.

"Kayo ho ba ang professor nitong si Angelee?" tanong ni papa saka umupo. Now I'm beside Zeke. Kung kanina ay nasa gitna namin si papa ay nag iba dahil sa pagtayo nito. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa lapit naming dalawa.

"Ay.. actually, hindi. Ako lang ang nag-handle dun sa contest sa sinalihan niya last school year. Ngayon ko lang po kayo nakita dito." sagot ni Mr. Manggalang. Sumulyap ito kay Zeke. "Ang ganda naman pala ng lahi niyo, Angelee." Bumaling ito sa akin.

Tumawa lang ako. Sir, he's not my brother. He's my husband!!!!

"Sige, Angelee... I'll tell the personnel na paunahin kayo. Royal treatment to this year's queen." Sagot niya saka pumunta sa harap para kausapin iyong guard.

"Wow... seriously? They treat beauty queens as literally queens? Nice." Tumawa si Zeke at sinandal ang kamay niya sa headrest. Kung sumandal ako ay mukang inaakbayan niya ako. I bit my lip at the thought.

"Hindi. Campus Queen ang tawag sa sinalihan ko... so iyon talaga ang purpose. Beauty and leadership." sagot ko.

Tumawa siya. "Ganito pala rito."

Ilang segundo lang ay nakita kong parating ang mga "queen bees", or at least that's what people call them. Maingay sila. Queen bee rin siguro dahil para silang mga bubuyog. Si Franchesca, kasama ang mga kaibigan niya. Napatingin sila sa gawi namin at tinignan si Zeke.

"Justin! Ano na!" Nalaglag ang panga ko nang lumapit sa amin si Bryan. Manliligaw ko siya dati pero hindi ko siya sinagot. Ngayon..... nilalandi siya ni Franchesca.

"Later, bro." Sabi ni Zeke.

Tumango si Bryan at lumingon sa akin bago ito makipag fist bump kay Zeke tsaka umalis. I don't understand. Akala ko hindi type ni Bryan mga maaarteng kagaya ni Franchesca, but why is his friends hanging out with her friends?

Nang pabalik na si Bryan kila Franchesca ay nakita kong nakatingin sa kay Zeke mga ito. Ang mga kaibigan naman ni Bryan ay kumaway kay Zeke saka lumagpas. Pero tumitingin tingin pa rin si Franchesca. I looked at Zeke if he's trying to flirt back with Franchesca's eye fuck!

Pero dedma siya. He checked on his phone instead, habang nilalaro ang lips. Kasamang umuga ang legs ko dahil sa paggalaw galaw niya ng kanya.

Maya maya lang ay lumapit na sa amin ang guard at pinalipat kami sa unahan.

"Angelee, I should check on your schedule." Kumalabog ang puso ko nang sabihin ni Zeke iyon pagkalabas namin ng school.

Inabot ko ang study load ko sa kanya. I bit my lip while he was seriously comparing my schedule to his! Gusto kong tumalon. Sandali. Asan na ba iyong si Marie? Kinikilig na talaga ako! Ayoko na...

"Varsity ka? Edi hindi magtutugma talaga... you'll come home late." Sagot ko.

"And then what? Magta-tricycle ka mag isa pauwi? Then what are you wearing? Ha?" Sabi niya habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakagray ako na tank top at itim na skinny jeans. What's wrong with what I'm wearing? I'm not showing too much skin naman!

Baka sinasabi niya lang iyon dahil nandun si papa. Nang lumingon naman ako sa likod ay nakita kong nakahinto si papa dahil bumibili ng candy dun sa isang ale sa may labas ng school. When I looked back at Zeke, nagmamartsa na ito patungo sa sasakyan niya.

He's....

He's so hot....

The Unsophisticated's Secret Love जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें