"Hindi Rhian, nanay nyo ako... Ako ang aayos nito... Kinunsinti ko ang maling gawain ng Dada nyo pero hindi ko maatim na mangyari ito sa inyo. Dalawa na lang kayo ang naiwan at meron ako... Ano ba kasi ang dahilan? May pinag awayan ba kayo???"


"No Mama... Walang wala at kung mag away man kami, siguro hindi naman hahatong sa pagkitil ng buhay ng isa sa amin..."

Napalugmok si Amanda sa upuan... Gulong gulo, umiiyak at nasasaktan...

"Hindi kaya dahil sa iniwan nang Dada nyo kaya sya nagkakaganyan???"


Natigilan si Rhian at napa isip... Pwede... Pwedeng isa iyon sa dahilan. Baka inisip ni Gabriel na naging unfair ang Dada nila sa kanya... But pwede naman nilang pag usapan iyon... Nang mahinahon at walang dahas.

"I don't know Ma... But I'll find out soon... Pero pls... Let me see Glaiza..."

Amanda is a bit worried na makita ni Rhian ang kalagayan ni Glaiza... Alam nyang masasaktan ang anak sa sitwasyon ng mahal nito.

"Please..." Sumamo uli ni Rhian kaya napabuntong hininga na lamang ang ina at inalalayan syang bumangon

Sakay nang wheelchair, tinungo nina Rhian at Amanda ang isang kwarto kung saan naka confine si Glaiza, hindi naman kalayuan ito sa kanilang kwarto.

Pagpihit pa lang ni Amanda ng pintuan ay agad na kumalabog ang dibdib ni Rhian... Di nya alam kung ano ang dapat maramdaman... Worry? Takot? Hope?

Batid nyang hindi maganda ang naging lagay ng kasintahan.


Pagpasok na pagpasok nila ay nakita ni Rhian na halos nakapalibot ang lahat sa kama ni Glaiza

"Nay... Tay..." Tawag ni Rhian sa magulang ng girlfriend.

"Rhian, iha... Kamusta ka?" Salubong ng ginang.

"Ok lang po ako nay... Si Glaiza po?? Ano na ang lagay nya?"

Tila napuno ng pag aalala at habag ang loob ni Rhian sa nakita nyang sitwasyon ni Glaiza.

Maraming aparato ang nakakabit dito... Benda at mga galos.

Hindi nya din maiwasang hindi makadama ng galit. Galit para kay Gabriel.

Nag umpisang tumulo ang mga luha nya...

"Naging critical sya nitong 2 araw... Pero stable na sya ngayon, sa awa ng dyos... Pero alam kong hindi susuko si Glaiza... Malakas syang bata... Nag mulat na sya nang mata kanina... Magigising si Glaiza... Magigising ang anak ko..." May nginig sa boses ng ginang

Isa isang nag give way ang mga tao doon para makalapit si Rhian kay Glaiza...

"Lab, gising ka na... Nandito nako..." Bulong ni Rhian habang sinusuklay ang buhok ng nakahigang babae... She held her hand and kiss it...

"Hindi pa kita nakokonyatan don sa sinulat mo sa papel... Akala mo ba hindi ko naalala at  palalampasin ko yun? Hindi mo pwedeng sabihing hindi moko pakakasalan dahil mananagot ka talaga sakin... Kaya gising na Sexy Love, I missed you a lot..."

Pero ni isang sign, wala... Kahit konting movements wala din...

"Lab, come back to me please... Tatapusin natin to and I want Gabriel to pay this... Im sorry kung dahil sakin andami mo naisakripisyo but please, pagbigyan mo muna ako ngayon... Come back coz I need you... And I need you because I love you so much."

Biglang naramdaman ni Rhian ang paghigpit ng kamay ni Glaiza sa kamay nya.

"Oh God!!! Si Glaiza, hinahawakan nya ang kamay ko!!!" Sambit ni Rhian saka nilingon ang mga tao si paligid.

HEARTS & BULLETS (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu