Ayokong magmukha'ng mali na naman ang nararamdaman ko sa paningin niya.

Ayokong isipin niya'ng wala sa lugar ang nararamdaman ko..

Ayokong isumbat niya'ng wala ako'ng dapat pagselosan kahit na hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil kusa ko 'tong nararamdaman..

"S-Sorry na.." pakiusap na naman niya at tumango lang ako.

"Okay lang.." pilit pa rin ang ngiti'ng sagot ko at mukha'ng wala na siya'ng magawa.

Nagsimula ako'ng maglakad at sumunod naman agad siya sakin.

Nakarating kami sa kwarto niya ng 'di nag-uusap.

Mommy..

Gulat ako'ng makita si Mom at Dad sa kwarto ni Taguro pagbalik namin.

Magkakrus ang kamay ni Mommy at bakas sa mukha niya ang paghihintay. Hindi siya nagsalita at blangko ang mukha'ng nagpalipat lipat lamang siya ng tingin samin ni Taguro.

Napatingin pa muna ako kay Dad at saka ko iginala ang paningin ko.

Nandoon pa rin sina Maxrill, Maxwell at Yaz.

"Kanina ka pa hinihintay ng parents mo." sabi pa sakin ni Maxwell na kinuha ang hawak ko'ng bakal at inalalayan si Taguro'ng maupo sa kama niya.

"How are you?" seryoso'ng tanong ni Mommy kay Taguro kaya naman medyo nanibago ako.

"Okay naman ho.. Salamat.." pilit ang ngiti'ng tugon ni Taguro. Ngumiti si Mommy sa kaniya at saka humawak sa balikat niya.

"Magpagaling ka, okay?"

"S-Salamat, Mrs. Enrile.." sagot ni Taguro at ngumiti lang si Mommy sa kaniya.

Masiyado naman yata'ng seryoso si Mommy?

Napatingin ako kay Noona at naalala ko na ang nangyari kanina.

Siguro ay hindi pa rin siya okay dahil 'don..

Ako mismo ay hindi kumbinsido sa naisip ko!

May nararamdaman ako'ng iba..

"Uuwi na kami, sumabay ka na." utos pa ni Mom sakin kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

"P-Pero Mommy, gusto ko pa'ng bantayan si T-Taguro.." nakanguso'ng tugon ko.

"May pasok ka pa bukas, Deib."

Natigilan ako.

"M-Mommy, dito muna ako.." pagmamatigas ko at napabuntong-hininga naman si Mommy at saka muli'ng lumingon kay Taguro.

"Hindi ba makakaabala sa'yo kung dito muna siya?" tanong ni Mommy kay Taguro na mabilis na umiling sa kaniya.

"Ayos lang ho."

"Mmm.." tumango lang si Mommy sa kaniya at saka muli'ng tumingin sakin. "Umuwi ka bago magdilim---"

"Dito ako matutulog, Mommy.." pagmamatigas ko at gulat siya'ng napatingin sakin.

"Deib Lohr.." tawag sakin ni Dad at nginusuan ko naman agad siya.

"May pasok ka pa bukas." si Mommy.

A-Ano ba'ng nangyayari sa kanila?! E ano naman kung may pasok ako bukas?! Babantayan ko ang girlfriend ko!

"S-Sige na, Deib.. Ayos lang naman ako e, marami rin naman ako'ng kasama dito.." sabat ni Taguro at inis naman ako'ng tiningnan siya pero hindi ko siya sinagot.

HE'S INTO HER Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon