Chapter 5.2 : Take the Risk?

6 0 0
                                    

L E I G H T O N

Masyado akong naging masaya sa moment naming trio. Hindi ko napansin na hindi pa namin nakita ulit ung Tito ni Chayne. Saan kaya nagsusuot yon? Nag lunch na kaya siya? Teka, bakit ba iniisip ko nanaman siya?

"Bestie, ung Tito mo ba nasan na?" Tanong ko sakanya. She sighed deeply at she stared at her almost empty frappe.

"Kanina ko pa hinahanap. Tinatawagan ko, kaso nakalimutan kong nasakin pala phone niya dahil naki charge siya sa powerbank ko. Di ko alam kung stupid ba talaga siya or what. Ang liit ng school para mawala siya. Ang laki laki ng café na'to para hindi niya makita." She stated hopelessly with another deep sigh. Ano ba naman yan baka maubos yung hininga neto.

"Oh. So andito na pala si Treyson? Di ako informed. Kick out nanaman ba?" Amazed na butt in ni EM. Whoah. So Treyson pala real name niya? How come di ko naisip itanong yon sakanya? But teka, kick out ba ung narinig ko na yon?

"Himala nga at siya ang may balak lumipat ngayon e. Bagong buhay na daw siya. Ibang iba na siya, Taba." Sagot naman ni Chayne sa tanong niya na nakangiti. Natawag niya kasi ito sa call sign nila. Mga baliw talaga ito, kundi ko sila kilala baka sakaling maisip ko na mag on sila e.

Pero bakit parang andaming alam ni EM sa buhay ni Ton or Treyson? Feeling ko talaga di ako belong sa moment na ito. Ako lang ang walang alam sa topic. Kaya nman awkward lang akong nakatingin sakanila.

"Sus. Maniwala ka don. He's the alpha of Moonlight Pack. Malabo na magbago yan. Baka nga wala siya ngayon para sa away e." Seryosong bitaw ni EM. Nakakatakot ang pagka seryoso niya ngayon. First time to mangyari kaya naman palihim ko siya kinuhanan ng litrato.

Pero ano ba yung pinag-uusapan nila? Kanina pa ako nalilito. Away daw ba? Moon-what pack? Alpha? Alam ko sa mga werewolves lang iyon a.

"It's never too late to change naman diba?" Tugon naman ni Chayne sa statement niya. Magre-react na sana ako kaso nag ring na ung bell, signal na kailangan na namin magpunta sa next subject namin. Nilayasan kami agad ni EM. Sa library ang deretso niya at matutulog daw. Katamaran nga naman ng lalaking yon. First day na first day e.

Naging uneasy naman ang itsura ni Chayne, parang kinakabahan. May isang student na lumapit samin at sinabihan siya na pinapatawag siya ng coach nila. May meeting daw ang cheering squad dahil maaga mag uumpisa ang first season. I tapped her shoulders.

"Bestie, ako na bahala maghanap kay Treyson. Go na." I assured her with a smile. Nagkaroon naman ng liwanag ang mga mata niya at niyakap ako bago umalis.

"Salamat, Bestie! I love you." Pahabol naman niya sakin bago tuluyang lumabas ng café. Ngayon naman, ako na ang lumabas.

Saan ko kaya hahanapin yung lalaking mahilig sa teddy bear na yon? I tried to think like him. So kung ako siya, saan ko uunahin pumunta sa lunch break? Shoot! Alam ko na.

Dali-dali naman akong naglakad-takbo papunta sa likod ng gymnasium near the soccer field. Para kasing mini forest yon at pwede pumunta ang students. Pagkarating ko doon, hindi ako nagkamali. Nandoon siya at nakahiga sa ilalim nung pinakamalaking puno. Dati kong tambayan yon nung tinatakasan ko si Chayne dahil pinipilit akong isali sa cheering squad.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Naramdaman niya siguro ang presensiya ko.

"Bakit hindi ka pumasok sa klase mo?" Tanong niya habang nakapikit pa.

"Kasi nangako ako kay Chayne na hahanapin ka. Nagaalala sa'yo e. Nag ditch ka lang pala ng classes mo." Sagot ko naman. Napadilat naman siya at tumingala sakin. Nagtama ang tingin namin at walang kumukurap.

"Last subject lang kasi ang magkapareho tayo e. Ikaw lang naman ang kakilala ko dito pwera sa pamangkin kong madaldal at best friend niyang lalaki na si Ezmael." He explained himself smiling at me. Tumingin naman siya sa mga dahon sa itaas.

Natigilan naman ako sa sinabi niya. Ako ang dahilan kung bakit di siya pumapasok sa mga klase niya? Teka, hindi dapat ako mag assume!

"So, dahil lang don? Idiot. Tara na at malapit na matapos ang fifth subject, classmates tayo sa elective diba? Ayaw ko mag skip ng buong afternoon classes." Aya ko sabay tayo at hila sakanya. Napatayo naman agad siya at nagpagpag ng damit niya.

"Thank you sa paghahanap sakin a? You really are something." He said.

"Wala 'yon. Anything for Chayne." I replied. Sa totoo lang, kaya ako nag volunteer na hanapin siya ay dahil gusto ko siyang makita. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa room namin. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na mapalingon sakanya paminsan-minsan. Napaka cold ng itsura niya. Seryosong seryoso habang naglalakad. Malayo na expression ng mukha niya noong naglalakad kami sa park.

"Learn to take risk, Leigh. Grow some wings and spread them wide. Step back and jump higher than you ever will. Isa kang hiyas na hindi dapat itinatago lang sa box, kailangan kang ilabas at ipagmalaki sa lahat." Bulong sakin ni Treyson na ikinagulat ko naman. Napahinto naman ako sa paglalakad. Ganon ba ako kalahata na nagtatago sa poker face?

"Hindi mo na kailangan magsalita. Basta umalis ka sa comfort zone mo. I hate seeing you like that. Faking yourself. You're way better than that. Sorry kung masyado akong straightforward. Masyado ka kasing madali basahin. Life's short."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Lifetime SaviorWhere stories live. Discover now