“I know. At hindi lang basta experience ha. Most of them are out of the ordinary. My life with you has been so extraordinary.”

She faced him before saying, “And my life without you felt so empty. I don’t wanna go back to it ever again.”

He held her face. “Don’t worry, you are never going back there. I’m not letting you.”

She leaned over and sweetly kissed him.

********

Kinabukasan ay ginawa nila ang mga bagay na dati na nilang ginagawa. Matapos ang agahan ay naglakad-lakad muli sila sa dalampasigan at pagkatapos ay  dumeretso na sa pagswimming. Habang nasa tubig ay nagkukulitan pa rin sila at nagtatawanan. They got out of the water after an hour or so. Kukunin sana ni Gerald ang towel para punasan si Sarah pero inunahan s’ya ng dalaga at tumuloy sa pagpupunas ng likod at katawan nito. When her hands and towel got to his abs, she felt herself blushing up.

“O bakit ka namumula? ‘Wag mong sabihin nahihiya ka pa rin hanggang ngayon. You’ve already seen the whole of me,” ang nanunuksong sabi ng binata.

“Hindi ‘yun,” ang nahihiyang sagot naman ni Sarah. “I don’t remember your abs being like this. Parang dati hindi naman ganito eh. You’ve been really working out, huh?”

“S’yempre para sa ganitong pagkakataon.”

“So kung hindi ako ang girlfriend mo eh iba pala ang makakakita nito?”

“Buti na lang pinilit mo akong makipagbalikan sa ‘yo kung hindi ibang babae ang makikinabang nito,” ang natatawang sabi ni Gerald.

“Ah ganon?” sabi ng dalaga sabay kurot sa tagiliran ng kasintahan.

“Aray Babe. Tama na. Biro lang ‘yun.”

Tumigil naman sa ginagawa si Sarah at bumalik sa pagpupunas. Kinuha ng binata ang kanyang mga kamay at inilagay ito sa kanyang dibdib. Hinapit n’ya papalit sa kanya ang kasintahan at hahalikan sana nang biglang…

“Anong ibig sabihin nito?” ang galit na galit na sigaw ng tatay ni Sarah.

Biglang naghiwalay ang dalawa at napatingin sa direksyon ng ama. Kahit may takot na nararamdaman ay pinilit ni Sarah na palakasin ang kanyang loob. She stood up firmly right in front of him as if protecting him. Humawak naman si Gerald sa kanyang balikat and gave it a squeeze. He leaned a bit forward and whispered to her, “I’m just here Babe.” She nodded.

“Dad…”

“Sabi ko anong ibig sabihin nito?”

“It is what it is Dad. Nagkabalikan na po kami ni Gerald.”

“Nagkabalikan? Are you out of your mind? After what he did to you, babalikan mo pa ‘yang walang kwentang tao na ‘yan. Isang malaking katangahan ito Sarah.”

Napalapit ang ina ni Sarah sa likod ng kanyang ama at humawak sa balikat nito. Tumingin naman si Mrs. Geronimo sa kanilang dalawa at bahagyang tumango na parang sinasabing ‘kaya n’yo ito at magpakatatag kayo.’

“Dad, mas malaking katangahan po ang ginawa ko noon. ‘Yung hindi ko man lang pinakinggan ang side n’ya at naniwala agad ako sa inyong lahat. My life was hell without him.”

“No Sarah, he made your life hell. Layuan mo ‘yang lalaking ‘yan. He doesn’t deserve you.”

“And who deserves me? Si Andrew ba? Si Andrew na nahuli kong may kayakap na ibang babae?” Natigilan ang ama ni Sarah nang dahil sa narinig. “S’ya ba Dad? Oo, nahuli ko s’ya with my own two eyes. ‘Yun ba ang pinapangarap mong maging son-in-law?”

“Pareho lang sila ng lalaking ‘yan.”

“Hindi po Dad. Nagkamali lang po tayo ng pinaniwalaan. Walang kasalanan si Gerald sa akin.”

“At naniwala ka namang agad d’yan?”

“Delfin, I believe him, too,” ang pagsabat ni Mrs. Geronimo.

“Pati ba naman ikaw, naloko na rin ng lalaking ito?”

“Mawalang-galang na po Mr. Geronimo pero wala po akong taong niloloko. I’ve always been faithful to her. Mahal na mahal ko po ang anak n’yo at hindi ko po s’ya magagawang lokohin.”

“Delfin, Gerald has explained everything to me. Ang kaibigan ni Sarah ang may pakana ng lahat ng kasinungaligan para hindi sila magkatuluyan.”

“At sino naman ang makakapagsasabing totoo ang mga sinasabi nito?”

“Bakit Dad, kaya n’yo rin po bang sabihin na siguradong-sigurado kayo na totoo ang sinabi ni Julia sa akin noon? Naniwala po tayo sa kanya without any proof.”

“Delfin, tama na ito. Ilang taon na ang nakalipas. Ngayong alam na ni Sarah sa puso n’ya kung sino ang nagsasabi ng totoo ay pipigilan pa ba natin ang pag-iibigan nila?”

“Dad, I love Gerald. After all these years I still love him. At tama po si Mommy, alam ko na po sa sarili ko kung sino ang dapat kong paniwalaan.”

Ibinaling naman ni Mr. Geronimo ang kanyang tingin sa binata, “Hoy ikaw lalaki. Kung napaniwala mo man itong mag-ina ko sa kasinungalingan mo, ako hindi. Alam ko kung anong klaseng lalaki ka.”

“Wala na po akong magagawa doon sir. Ang importante lang po sa akin ay naniniwala sa akin si Sarah.”

“Wala ka talagang magagawa dahil lalayuan ka ni Sarah sa ayaw at sa gusto n’ya.”

“Hindi ko po gagawin ‘yun Dad.”

“Matapang ka na ngayon? ‘Pag hindi ka sumunod sa akin ay itatakwil kita bilang anak.”

“Delfin!” ang pagulat na sabi ni Mrs. Geronimo.

Nagulat rin si Sarah sa tinuran ng ama at napayuko. Gerald felt guilty. He didn’t want to be the reason of her troubles. “Babe, aalis na lang muna ako. Let’s talk when you get back to Manila,” ang sabi ni Gerald sabay lakad papasok ng bahay.

“Ge, wait.” Nilingon s’ya ng kasintahan. “I’m coming with you.”

“Gawin mo ‘yan Sarah and I will disown you. Don’t you dare try my patience.”

“Dad, I’ve been following you all my life at madalas sa mga pagkakataon na ‘yon ay nagiging miserable ako. I will follow my heart this time. Hindi ko po gustong dumating sa puntong ito but I need to be happy. I deserve to be happy. I love you po. Hindi po magbabago ‘yon.” Naglakad na si Sarah papunta kay Gerald pagkatapos nito.

“Delfin, pigilan mo s’ya,” Mrs. Geronimo commanded her husband.

“Hindi. Panindigan n’ya ito,” ang maikling sabi ni Mr. Geronimo.

Tumakbo si Mrs. Geronimo papasok sa loob ng bahay upang habulin si Sarah at Gerald at naiwang nakatayong mag-isa si Mr. Geronimo.

Without YouWhere stories live. Discover now