Chapter 15

3.2K 82 38
                                    

That same night she has resolved to really, truly and once-and-for-all end all ties with him. She has decided to move away again and hide from him. After she made sure that all her clothes and other important personal belongings where properly packed in bags, she got a pen and paper and started scribbling.

The following morning she called her father to come get her. Daddy Delfin got all the big bags and placed them on the trunk of their vehicle while Sarah silently said goodbye to her apartment. "Dad, please ask Manong Lito na balikan 'yung ibang gamit ko mamaya. I still need to go to work," she said as her dad started the engine.

"Uuwi ka ba sa bahay mamaya?"

"Opo. Hindi pa po kasi ako nakakahanap ng bagong malilipatan eh."

"You know you can always stay with us."

"I know but I choose not to."

"Anak alam mo namang we are always here for you."

"Okay lang ako Dad. Nothing I can't handle."

Dahil sa sinabing 'yun ng anak ay hindi na nag-usisa pa si Daddy Delfin. Naisip n'yang she will open to him if she's ready to talk about what happened that brought about this sudden move.

Nang mailagay ni Sarah ang kanyang gamit sa dating kwarto ay umalis na rin s'ya. Pero bago dumeretso sa school na pinagtatrabahuhan ay nagpadaan muna s'ya sa dealership ng dating kasintahan. Sa labas ng establishment ay nakita n'ya ang isa sa mga empleyado ni Gerald. She instructed the man to hand Gerald the envelope.

"Sir?" ang sabi ng empleyado nang pumasok s'ya sa opisina ng boss.

"Bakit?"

"Sir, may nagpapabigay po nito sa inyo?"

"Ha? Sino?"

"Hindi po sinabi ang pangalan pero magandang babae po."

Nagmamadaling binuksan ni Gerald ang envelope at tinignan ang signature sa ilalim ng sulat. Bigla s'yang napatayo at napatakbo sa labas nang makita ang pangalan. Pero wala na doon sa labas si Sarah nang makarating s'ya sa may gate. Bumalik na lamang s'ya sa kanyang opisina at binasa ang sulat.

My Dearest Gerald,

Writing this letter pains me more than you could ever know. I am writing this because this is the only way I can say goodbye to you for good without breaking down. I know you know that I love you. We both feel it. We don't even have to say it. No one would ever compare to you, ikaw lang, sa iyo ko lang naramdaman 'yung pagmamahal na ako lang ang laging una... 'yung ako lagi ang priority mo... 'yung masaya ka na kapag masaya ako. No one ever touched my heart the way you did.

Nagkamali ako nung una, hinayaan kong mawala ka sa buhay ko dahil mas pinaniwalaan ko ang mga tao sa paligid ko. Hindi kita ipinaglaban. Hindi ko ipinaglaban ang pagmamahalan natin. Ngayon gustuhin ko mang ipaglaban ka, ipaglaban ang pareho nating nararamdaman, hindi ko magawa dahil may masasaktan ng ibang taong sobra ka ding mahal. I am sorry Ge, mas gugustuhin ko pang lumayo kesa saktan ang babaeng mahal na mahal ka din. Hindi ko kayang agawin ka sa kanya at maging dahilan ng sobrang kalungkutan niya. Mahal na mahal ka niya at alam ko kahit na paano ay mahal mo din siya.

Please be happy, and pray that I will be happy, too... someday. Masaya na akong malaman na minsan sa buhay ko may isang lalaking minahal ako ng sobra-sobra. I will always love you, hindi ka mawawala sa puso ko pero kailangang lumayo ako because she deserves your love more than I do. Goodbye Ge.

Sarah

Matapos basahin ang sulat ay kinuha n'ya ang kanyang mobile phone at sinubukang tawagan si Sarah. Hindi nito sinsagot ang kanyang tawag at palagi lang bumabagsak sa kanyang voicemail. Naisip na lang n'yang puntahan ito mamayang gabi sa kanyang apartment. Nananalangin lang s'ya na sana ay harapin s'ya nito. "You can't do this to us Babe. I won't let you," binasa uli ni Gerald ang sulat. Hindi na niya napigil ang maiyak matapos basahin uli ang sulat. Alam niya hindi na niya muling makikita ang dalaga.. 

Without YouWhere stories live. Discover now