Chapter 20

3.7K 114 58
                                    

After the kiss, they still had their eyes closed while their foreheads touched. “Babe, can we just stay here? Don’t go to Batangas anymore. Please,” he said to her.

Inilayo ni Sarah ang kanyang ulo kay Gerald at ibinukas ang kanyang mata. She held his face with both her hands and looked at him. She smiled at the thought of him being hers again. “Eh di sumama ka na lang sa akin.”

Biglang napamulat ang binata dahil sa narinig. “Totoo Babe? I can come with you?” She just nodded. “But what about your parents? Baka magalit sila.”

“Hindi naman sila pupunta doon eh. At kahit pumunta sila ay okay lang sa akin. I am ready to fight for you now.”

He smiled. “Thank you.”

“So you wanna get going now o uupo na lang ako dito at luluhod ka d’yan?” ang pabirong sabi ni Sarah.

“I don’t mind basta I get to kiss you.”

This earned a pinch from her. “Loko ka talaga. Halika na.”

He stood up and offered his hand to help her stand. “Just let me pack some clothes. And is it okay if we drop by the dealership first. Kailangan ko munang siguraduhin na maayos ang lahat doon bago ako mawala ng ilang araw. It won’t take long, I promise. Tapos from there we can go straight to Batangas.”

“Sounds like a plan,” she cheerfully said.

At ito nga ang ginawa nila. Matapos ang pag-iimpake ni Gerald ay dumeretso na sila sa dealership. Pinapasok muna ng binata si Sarah sa kanyang office while he went to give instructions to his staff.

Sa mga oras din na ‘yon ay papunta si Andrew sa dealership para kausapin si Gerald. Nang makarating ito doon ay dali-dali s’yang pumasok sa opisina ni Gerald pero nagulat nang ibang tao ang nakita n’ya doon.

“Sa… Sarah? Anong ginagawa mo dito?”

Nabigla man sa kanilang di-inaasahan na pagtatagpo ay nagawa pa rin ni Sarah na pakalmahin ang sarili. “I’m waiting for Gerald,” ang simple n’yang sagot.

“Ah, Sarah about what you saw…”

“Hindi ko na kailangan ng explanations mo. I saw it with my own eyes… nakita ko kung paano mo niloko. To think that I chose you over the one I really love. ‘Yun na siguro ang ultimate na katangahan na ginawa ko sa buong buhay ko. But don’t worry about me. Hindi ako bitter. In fact I’m much happier now and that’s no thanks to you.”

Biglang bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Gerald, “Babe….”

Andrew looked at Gerald then at Sarah and instantly understood. “So s’ya pala. Kaya naman pala ang tapang mong magsalita ngayon. Hindi ba pareho lang kami nito? Di ba may girlfriend din s’ya at kaibigan mo pa nga. He’s no better than I am.”

Magsasalita sana si Gerald pero pinigilan s’ya ni Sarah. “Ge, I can handle this.” She then turned her attention back to Andrew. “He is definitely a better man than you because he had the guts to tell Carlie that he loves someone else. Hindi katulad mo.”

“So kailan ka pa nagkagusto sa kanya. Right after you met him? Right after you found out about me and Jeane? Baka naman naglolokohan lang tayo pareho.”

“I would never do what you did to me. At si Gerald, matagal ko nang mahal ‘yan. At para malaman mo, dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay nahirapan akong tanggapin ka sa buhay ko. Because of my love for him, it took me a while to force myself to love you.”

Hindi na nakapagsalita si Andrew at lumabas na lamang ng opisina.

“Ooops. Sorry Babe, I think you just lost a client,” she said.

Without YouWhere stories live. Discover now