Chapter 8

3.8K 93 84
                                    

Makalipas ang ilang linggo, nagpatuloy ang buhay ng apat sa paraan na plano nila... sa paraan na gustong mangyari ni Sarah at Gerald. Si Carlie, habang lumalaon ay mas nagiging maalalahanin at mapagmahal kay Gerald. Si Gerald naman ay lalong nagpakaabala sa trabaho. Ganoon pa man pilit pa rin niyang ginagawa ang sa palagay niya ay obligasyon niya kay Carlie - hatid sundo pa rin niya ito. Araw-araw ay umaasa si Carlie na bibiglain na lang siya ni Gerald at yayayain na siya magpakasal. Tuwing lalabas sila ay nagiging excited ang dalaga, inaakalang ‘yun na ang gabi ng pag-aalay ng singsing sa kanya ng kasintahan. Isang araw na hinihintay niya si Gerald sa kotse nito ay tiningnan niya kung nandoon pa ang maliit na box ng singsing. Wala na ito doon. Nakaramdam ng kalungkutan ang dalaga. Naisip n’ya, “Paano kung nagbago ng isip ang kasintahan at isinauli na ang singsing?

Samantala si Gerald kahit anong pilit ang gawin niya, abalahin ang sarili sa trabaho, ituon ang buong atensyon kay Carlie, ‘pag nakauwi na siya at nag-iisa na sa kwarto, iisang larawan pa rin ang tinitingnan niya. Madalas, matapos matitigan ang larawan ni Sarah, matagal din niyang tinititigan ang phone niya kung saan ilang beses na rin niyang pinindot ang number ni Sarah, ‘yun nga lang wala siyang lakas ng loob na pindutin ang call button. Nakuha niya ang number ni Sarah sa contact list ni Carlie nang minsan ay kunwaring tinitingnan niya ang calendar ng  dalaga. Gustong-gusto niyang tawagan ang dalaga, marinig ang boses nito pero alam niya lalo lang itong magagalit sa kanya. Ramdam na ramdam niya kung ano ang saloobin ng dating kasintahan ng huli silang magkita. Hindi man direkta, gusto na talaga siya nitong kalimutan but  he can’t do it. It is  virtually impossible to get her out of his head …. and his heart. Ever since they’ve met again,  the memories of their life together keep on coming back. The way she felt in his arms, the way she laughed, the way he felt when his mouth was on hers….

Si Sarah ay naging busy sa pagbabalanse ng oras sa bagong trabaho at school work. Mas madalang ang pagkikita nila ng kanyang kasintahan dahil ito ay masyadong occupied sa pagpapatakbo ng kanyang restaurant. Mas madalas na sa telepono na lang sila nakakapag-usap dahil hindi mabisita ni Andrew si  Sarah at ganun din naman ang  dalaga sa kanyang kasintahan. May mga pagkakataon na nararamdaman ni Sarah na parang hindi niya man lang namimiss si Andrew. Bakit parang mas gusto pa niya ang set-up nila ngayon? But every single time she dismisses it at iniisip na lamang na masyado lang s’yang nalilibang sa mga bagong pinagkakaabalahan. Naisip din n’yang she has to make an effort na maging mas close sila ni Andrew ngayong pareho silang abala. Dapat magkaroon sila ng date night kahit once a week man lang.

May isang pagkakataon na bumisita si Sarah sa Andreas na hindi nagsasabi kay Andrew. It wasn’t a busy night when she got there and her boyfriend was nowhere in sight so she decided to go straight to his office. She quietly opened the door and peeked in. Nakita n’ya ang kanyang kasintahan na may kausap sa telepono, gaya ng mga ibang araw na nakikita n’ya ito. But this particular time, she felt something different. Parang iba ang ngiti nito habang nakikipag-usap at ang boses nito ay halos hindi naririnig… it was bearly a whisper. May ilang minuto din n’yang pinagmasdan ang kilos ng binata bago s’ya tuluyang kumatok para malaman nito na dumating s’ya.

At lalo pa itong nagduda nang mapansin ang reaksyon ng binata - parang gulat na gulat at biglang umayos sa pagkakaupo sa kanyang executive chair at naging business-like ang tono ng boses. Ngumiti ito kay Sarah ay sumenyas na maupo muna s’ya. Tinapos nito agad ang kanyang pakikipag-usap at binalingan ng pansin ang kasintahan.

“Hi! Long time no see stranger,” ang bati ni Sarah.

“I know. This is a pleasant surprise. Buti you were able to visit tonight.”

“I just missed you. I really wanted to see you.”

“I missed you too Baby. And I really meant to visit you but I couldn’t find the time.”

Without YouWhere stories live. Discover now