Alexus 12: Second The Principal

1.5K 64 0
                                    

Zoe's POV

"Ano na naman bang ginawa mo, Paccis?!" Sigaw ko kay Jamille na ang sarap ng tirisin. Araw-araw, oras-oras, minu-minuto na lang!

"May nagawa na naman ba akong hindi niyo nagustuhan? Ano po bang problema? Maaari naman nating idaan sa magandang usapan. Heto na naman ba? Sisisihin niyo na naman ako sa mga bagay na hindi naman ako ang may gawa? Ako na lang ang laging sinasaktan at kinakawawa." Yumuko siya kaya minasahe  ko ang sentido ko.

Kailan ba siya matatapos sa drama niya? Puro na lang tula ang naririnig ko sa kanya!

"Huwag mo akong idaan sa ganyan, Paccis. Sawang-sawa na akong makita ang pagmumukha mo!"

"Miss Zoe naman! Hindi ko nga sabi ako ang nagtapon ng juice sa hagdan!"

"Hindi ikaw?" Tumayo ako at hinarap sa kanya ang monitor ko. "Kitang-kita sa CCTV! Huwag mo akong lokohin!"

"Hindi ako 'yan, Miss Zoe. Ako lang po ba ang naka-undercut sa school na 'to?"

"Palaging hindi naka-butones ang uniform, oo!" Umirap ako. "Community service, now! Comfort room ng boys!"

"Miss Zoe, hindi ba sabi mo sawang-sawa ka nang makita ang pagmumukha ko? Pakawalan niyo na ako." Lumuhod siya pero kinwelyuhan ko lang siya no'ng lumapit ako sa kanya.

"Do'n ka magkalat sa bahay niyo. Hindi rito." Inilagay ko sa ulo niya ang libro. "Ihatid mo ako sa faculty office and then dumeretso ka na sa comfort room ng boys. I'm watching you, Paccis."

Lumabas na ako ng office ko habang nakasunod siya sa 'kin. Nasa gitna kasi ng campus 'yung office ko. At sa first building naman ang faculty office kaya napasimangot ako.

Bakit kasi ang laki ng pinagawa ni Mommy?! Nakakatamad kayang maglakad! Nakakainis!

Tinanggal ko ang heels ko na 4-inches at naglakad ng nakapaa. Wala akong pakialam sa kanila. Basta tinatamad na akong maglakad at nabubwisit ako kasi ako raw dapat ang maghatid sa faculty office sabi ni Mommy para ma-check ko 'yung office na 'yun.

Ang daming nakatitig sa 'king estudyante pero iniirapan ko lang sila. Nakakapagod kapag maghi-heels pa ako. Naglagay din kasi ako ng rules na bawal ang vehicles sa loob pero parang tatanggalin ko ata 'yun para kay Shana na balak mag-aral dito. Malayo rin kasi ang building niya sa parking lot.

"Miss Principal, bakit ang sungit mo pero hindi ka naman maarte?" Nagtatakang tanong ni Jamille na nakasunod sa 'kin.

Humarap ako sa kanya. "Ano bang pakialam mo? Try mong maglakad ng naka-heels. Tignan ko lang kung hindi ka mapagod." Umirap ako at naglakad ulit.

"Tibagin mo na kasi 'yung rules na any kind of vehicle is not allowed inside the university, Miss Zoe."

"Soon. May VIP na mag-aaral dito kaya ikaw, ayus-ayusin mo ang sarili mo. Ayokong may napapahiyang estudyante rito."

"Pero bakit mo ako pinapahiya, Miss Zoe?"

"Dahil masakit ka sa ulo." Isinuot ko na ang heels at inayos ang sarili ko. Kinuha ko na kay Jamille ang libro. "Salamat at maglinis ka na!"

Umalis na siya habang nagkakamot ng ulo.

Wala naman akong naririnig mula rito sa labas kaya binuksan ko na kaagad ang pintuan. No'ng pumasok na ako sa loob ay parang gusto kong paliparin ang hawak kong libro.

Bwisit na buhay 'to.

"Bakit ang gulo rito? May party kayo?" Nagpameywang ako sa harap nilang lahat na napahinto sa ginagawa nila at natahimik.

The Alexus: The Past (GxG)On viuen les histories. Descobreix ara