Tinaas ni Gizelle ang panyo niya and throw it to me. Kinuha yon ni Alyssa sa isa kong kamay at dahan dahang nilagay sa kamay ko para itali.

"I think hindi na ako kailangan dito." Narinig kong sabi ni Dennise. Tinignan ko siya at ang laki ng ngisi niya. Mga walang hiya talaga tong mga to. Bago ko pa siya pandilatan ay naka-alis na siya.

"Hindi mo ba nililinis tong sugat mo?" Tanong ni Alyssa sakin habang tinatali ang panyo sa kamay ko. "Why did you punch the glass ba kasi?"

Hindi ako nakasagot. Pinapanood ko lang siyang ginagamot ako. Nag-aalala siya, ang sarap sa pakiramdam. Kita kong hindi siya aware sa ginagawa niya pero ako hindi ako prepared. Nanlalamig na ang kamay ko sa mga haplos niya sakin.

And this is getting weird. Dahil ramdam ko at ramdam nang mga nandito ay nanghihina ako sa mga hawak niya sakin. Dapat ay itigil ko na tong kahibangan kong pag-gagamot niya sakin na dapat si Dennise naman. But i cant. Hindi ko magalaw ang kamay ko dahil naubusan ako nang lakas. Just because my weakness is right infront of me. That's why!

Naririnig ko ang mga paghinga ko na bumabagal. Tinignan ko si Alyssa na nag-hihintay nang sagot ko. Agad kong hinagip ang kamay ko.

Nakita ko ang pagka-gulat sa mukha niya. "Im sorry.." Hindi ko na tinuloy dahil tahimik lang akong nilagpasan siya at lumabas nang pesteng 7-eleven na to.

Pag-labas ko tumaas na ang araw. Ang tagal ko naman sa loob at pag labas ko ay umaga na? Tinignan ko si Alyssa sa loob. Bakit siya nag sosorry para san? Pero ayoko na makipag usap pa ulit dahil masyado akong nadala nang nararamdaman ko kanina.

Pag ka labas ko andoon lahat nang alumni nang Ateneo. Na malamang siguro ay sila ang may pakana nang lahat nang to. Pansin kong wala padin si Jeron at Mark?

Sinalubong nila ako ng hiyawan. Malamang ay nakwento agad ni Dennise at Ella yon. Hindi sila pwedeng hindi magiging updated.

"Ayos ba ang eye to eye manong ha?" Rinig kong kantyaw ni Migz sakin.

"Pasalamat ka sa sugat mo Kief at naka-points ka nanaman kay Alyssa." It was Bea Tan.

"Parang JaDine lang oh!" Sigaw ni Gretchen.

"No its LizQuen guys!" Paglalaban ni Ella.

"Hindi. KathNiel yon, nag slow mo eh." Sabi naman ni Dennise.

Tinitigan ko lang sila. I cant believe them celebrating theirselves dahil sa nakita nila but why am i so affected about it?

"How was it, Kiefer?" Von asked me.

I sighed. "Not now guys..not now." Tumahimik sila. "Mamaya kayo saking lahat." Sabi ko at nilagpasan sila.

Naglakad ako nang mabilis. Kinatok ko yung bus at agad na binuksan nang driver yon. Pumasok ako agad don at nakita ko andon si Jeron natutulog, habang si Mark ay nakikinig sa music.

Tinanguan ko lang si Mark at nilagpasan sila. Tumigil ako sa upuan namin ni Alyssa tinitigan ko yun bago lagpasan ulit at naglakad.

Bigla akong tumigil sa inuupuan ni Gretchen at Mae kanina. Bahala na kung san uupo si Mae pero what i need is to be distance with Alyssa.

Umupo ako doon at agad na sinandal ang ulo ko sa nasa unahan kong sandalan nang upuan. I sighed. Hindi ko alam bakit ganon ang naging reaksyon ko pero ayoko kasi maramdaman yun nang alam ko hindi pa okay si Alyssa.

Hindi niya pwedeng malaman kung sino ako nang dahil sa nag pakita ako ng pagmamahal sakanya. Gusto ko maalala niya ako dahil naalala niya at ang pagibig niya. 

Secret Love SongWhere stories live. Discover now