My Secret Admirer

133 3 4
                                    

It has been weeks since i have been recieving letters, not really love letters but love notes inside my locker. I don't find it creepy. In fact i find it cute. Hindi ako aware na uso pa pala ngayon ang mga Secret Admirer kasi ang corny niya pero ewan ko, nakukyutan ako sa mga nagbibigay ng mga notes na'to sa kin dahil corny siya, para sa kin cute ang mga cornyng tao. 

"Kristine! May note o, nakita ko sa libro mo." Inabot sa kin ni Julia ung note na galing kay Mr. Secret Admirer. 

"Wow! Pano napunta yan jan? XD" SAbi ko at kinuha ko sa kanya.The note says: Your smile makes my whole day. Your frown makes my whole night. <3 -SecretAdmirer

"How sweet naman no Kristine? Sino kaya siyaaaa?"

"Sana makilala ko na siya." Sabi ko.

 Lumipas na ulit ang mga ilang araw at hindi na lang sa locker ko nakikita ung notes. Pati na rin sa desk ko meron na at ung iba may kasamang red rose petal. AISHHH. SUPERR SWEET. 

"Kristine, tara sa CR?" Sabi ni Julia. Yan lagi daily soutine niyan e. Tatanungin ako kung gusto ko sumama sa CR bago umuwi. Nagpapaganda sa kanyang boyprend eh. hekhekhek.

"Owwwkayyy." 

Habang papunta dun e, sa nakasanayan e kumanta kami. XD Kinanta namin ung kanta ni Miley Cyrus na Wrecking Ball. XDD Grabe, hindi kami magaling kumanta. Mga frustrated singers kami ni Julia e. Kahit hindi namin abot ung tono, kinakanta pa rin namin. Pero saktong pagtapos namin ng kantang Wreking Ball (na tinapos namin sa loob ng CR XD) ay saktong umulan! HAHAHAHAHAHAHAHA.

"Juliaaaa. Yan kasi, kanta nang kanta. Ayan tuloy umulan. Next time wag ng kakanta pag hindi abot a?" Sabi ko habang nagpupulbo. :)))

"Oyyy nagsalita ang magaling kumanta. XDD" 

"Owshit, wala akong payong. <///3" Bigla kong natandaan na naiwan ko ung payong ko kanina sa bahay kasi sobrang tirik ng araw, e kasi naman parang malabong umulan, pampabigat pa sa bag. :(((

"Meron ako Kristine. ^___^" SAbi ni Julia habang nagpupulbo din. XD

"Yeheess, hati tayo?" Tanong ko. :D

"Ayy sorry. Meron akong payong pero ang kahati ko si Ash. Hihihi. Sweet kasi, share kami ng payong sa ulan. XD >///////<" Ash, boyfriend ni Julia.

"Juliaaaa, pano na ko? :((("

"Ikaw kasi eeee! Tara na nga, baka lumakas pa lalo ang ulan. Dapat di na tayo kumanta e HAHAHAHA." 

Bumalik na kami sa classroom at nag-ayos ng bag. Si Julia, umalis na, kasi hindi siya Cleaner ngayong araw na ito. Ako naiwan kasama ng iba ko pang kaklase.Inayos ko lang ung ayos ng mga upuan at nilinis ang eraser ng board at iniwan ko na rin sila. XDD

Pagkababa ko, nagpunta ako sa locker ko para ilagay ang mga notebook at books para hindi mabasa ng ulan. Tsaka wala namang test o assignment. Pero pagkabukas ko ng locker ko, may nakita na naman akong note. Hindi lang note o red rose petal ang nandun. May payong. Doon nakakabit ung note na ang nakasulat: My love for you is as many times as the rain drops here on this umbrella. :)- SecretAdmirer 

LECHEEEEEEE. Kinikilig ako. Palihim akong ngumiti at nilagay ko ung note sa bulsa ko at kinuha ko na ung payong para gamitin pauwi. 

Habang pauwi ako, sinigurado ko na basang basa ang payong ko na binigay ni Mr. Secret Admirer kasi sabi niya his love for me is as many times as the rain drops sa payong na to. XD Sa bawat patak ng ulan, feeling ko may nagmamahal sa kin. GRABITY NA ITO. Sana magpakilala na siya. Feeling ko tuloy ang haba haba ng hair ko. <3 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ONE SHOT STORIES / SHORT STORIES OF ChapsSwaggerWhere stories live. Discover now