Bea rolls her eyes. Ito na nga ba yung ayaw niya mangyari eh. She bruises this girl's ego and now she's making a scene.

"Babe, it's not you. May hinihintay lang talaga ako and I thought of passing the time by talking to you." pagsisinungaling niya.

Nanlaki lalo yung mata ni Brooke at akmang sasampalin sana si Bea. Buti na lang hindi niya tinuloy at inubos niya muna yung drinks niya bago nag walk out at sinabing, "It's your loss!"

Napa buntong hininga na lang si Bea nung nakaalis na si Bettina. Now she remembers na Bettina nga pala yung name niya all along. She takes her tequila shot and downs it in one go.

Kahit kaylan talaga ang mga babae, nakaka stress.

Lumingon na siya uli kung nasaan yung mysterious girl kanina at nakita niyang nakatingin na 'to sa kanya. She must've seen the whole exchange with Bettina. Nakita niyang hindi pa rin iniinom ni girl yung inorder niyang drinks and she still looks like she's upset over something.

Tatayo na sana si Bea para lapitan si ate girl pero napa upo siya uli dun sa stool nung makita niyang may isang guy na lumapit sa table at umupo sa harap nito.

She watches them with interest. Mukhang may sinasabi yung guy dun kay ate girl pero hindi siya interesado. After a few minutes, tumayo na rin yung guy na mukhang dismayado pero dinaan na lang sa ngiti.

Bea knows that reaction too much. Classic case ng isang fuckboy na na-reject ng isang babae sa club.

Lumapit naman siya agad sa table ni girl nung nakaalis na yung guy.

"Can I buy you a drink?"

Bea rolls her eyes and mentally scolds herself for asking a stupid question. Yung drink kasi na in-order ni girl ay hindi pa nababawasan so malamang sa malamang hindi niya kaylangan pa ng isa. Yun lang kasi yung opening na una niyang naisip nung lumapit siya at usually nag wowork naman yun sa iba niyang nilalapitan before.

Mukhang nag tense up naman si ate girl dun sa boses niya at tumingala 'to para titigan siya bago yumuko uli.

"Meron na 'ko, salamat." cold niyang sagot.

Natigilan si Bea nung nakita niya yung mukha ni girl ng malapitan. She doesn't look like most of the girls that she meets but she has a certain beauty na nakakaagaw ng pansin. She feels her stomach flutter and she subconsciously licks her lip while staring at her. Medyo nagsikip naman yung dibdib niya nung napansin niyang mugto yung mata nito at mukhang kagagaling lang sa iyak.

"How about another one?" tanong niya uli.

Pinanood niya habang pinaikot ikot ni ate girl yung daliri niya sa gilid nung baso na mukhang malalim ang iniisip.

"Effective ba talaga yan sayo?" bigla niyang sabi.

"Huh?"

"Yung mag-aalok ka ng free drinks in the hope that they'll drop their panties for you later?"

Binitiwan ni girl yung baso niya at dumeretso ng upo para titigan si Bea. "Oh baka naman ikaw yung type na kahit sa bathroom na lang ng bar niyo gagawin para makaraos?"

Hindi maiwasan ni Bea na hindi ma-offend sa sinabi ni ate girl. Hindi pa nga siya kilala, mukhang nahusgahan na siya agad. Feeling niya tuloy hindi maganda yung first impression sa kanya ng babaeng 'to and she wants to correct her.

My Best Friend's GirlfriendWhere stories live. Discover now