1

20.8K 307 67
                                    

Napatingin si Bea sa babaeng nakaupo na mag-isa dun sa may gilid ng bar. Kanina niya pa siya napapansin ever since she entered the club and every now and then, nakukuha nung girl yung full attention niya. Mukhang di pa nga sure si ate girl nung una kung papasok ba siya sa loob pero after a minute or two, dumeretso na din siya sa bar at um-order ng drink. Pinanood naman ni Bea kung pano siya nilagpasan nung ibang mga customers para sila yung unang maka order.  Mukha naman hindi minasama nung girl at hinintay lang yung drinks niya.

Bea admired her for that. If that had been her, baka uminit na agad ulo niya sa mga taong yun!

Nung inabot na nung bartender yung drinks niya, pumunta naman si girl sa may dulong table na walang masyadong tao para umupo. Hindi siya nakikipag usap kahit kanino at nilagay lang niya yung drinks niya sa table pero hindi niya iniinom. Mukhang nakatulala pa nga siya.

Napakunot-noo si Bea in curiosity at tinitigan niya ng matagal si ate girl.

It's just... something about her captivates Bea.

Baka kasi wala sa itsura niya yung pumupunta sa mga ganitong klaseng club. She looks so out of place and yet, siya talaga yung stand out for her from all the girls na nandoon ngayon.

Or maybe it's because she looks as though she's about to start crying any minute.

"Are you even listening to me?"

Lumingon agad si Bea sa kausap niya at nagpanggap na nakikinig. Hindi niya namalayan na nawala na pala siya sa sarili at nakalimutan na may kasama nga pala siyang iba babae.

"Sorry, what were you saying again babe?"

Mukhang nainis naman yung kasama niya at tinitigan siya ng masama. Honestly, hindi maalala ni Bea yung name nitong babaeng 'to. She thinks it's Bella or something? Basta letter 'B' yung start. She just met her here dahil nagkabungguan sila sa dance floor. Being the player that she is, she immediately used her charm at nakipag flirt dito kay Beth. Nung una pa nga, she thought na hindi gagana yung charisma niya dahil mukhang mas straight pa sa ruler si girl pero after ng konting pambobola, mabilis din siya nahulog at iniwan agad yung mga friends niya para sumama kay Bea sa bar.

Hindi na rin sigurado si Bea kung ano ba yung pinaguusapan nila bago siya na-distract nung malungkot na girl. Hindi na rin kasi siya nag pay attention dahil masyadong maraming sinasabi 'tong si Brandy.

Ang gusto lang niya nung una is maka one-night stand si Bianca dahil, she has to admit, ang hot niyang tignan at mukhang magaling sa kama. Pero hindi naman niya kaylangan ikwento yung storya ng buhay niya dahil hindi rin maaalala ni Bea yun the morning after.

Still, she pretends to listen and nods her head every time may gustong i-point out si girl.

"I said, ang init na dito. Do you want to go somewhere else?"

Napaisip siya agad. Itutuloy pa niya ba 'to? Hot nga si Becka pero biglang nawala yung interes niya dito. Nalipat na dun sa malungkot na girl na nakaupo sa may gilid. Para tuloy ayaw niya pang umalis sa lugar na 'to without meeting her first.

Bahala na.

"Uhm, actually... may hinihintay kasi ako so I think it would be better kung mauuna ka na."

Tinitigan siya ni Brenda na mukhang hindi makapaniwala sa narinig. She then laughs sarcastically, "Wow... Just -- Wow! After you flirted with me all night bigla mo na lang akong papaalisin? Because what? May hinihintay kang iba?"

My Best Friend's GirlfriendWhere stories live. Discover now