Kabanata 1

25 1 0
                                    

Kabanata 1






"Frederick, ano nang gagawin natin? Pabagsak na ang kompanya natin!" sigaw ni Mommy kay Daddy.

"Ssh, Hon, hindi ko hahayaang bumagsak ang kompanya natin. I'll do everything I promise." Pagkatapos sabihin ni Daddy yun ay agad na humagulgol si Mommy.

Naguguluhan akong umalis sa tapat ng kwarto nila at dumiretso ako sa kwarto ko. Paanong nangyaring bumabagsak ang kompanya namin eh sa pagkakaalam ko ay malakas ang kita nito? Napasabunot ako sa aking buhok at nahiga sa kama. Sunod sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko.

Nitong mga nakaraang araw ay pansin kong laging stress sila Mommy at Daddy. Lagi silang busy at minsan nalang umuwi sa Mansion. Nagkukulang na din sila ng oras sa akin, minsan ko nalang sila makausap. Napabuntong hininga ako.

Kung hindi ko pa narinig na sumisigaw sila Mama at kung hindi ako pumunta sa kwarto nila ay hindi ko pa makukumpirma ang dahilan dahil lagi nilang sinasabi sa akin kapag tinatanong ko kung may problema ba ay ang lagi nilang sinasagot kesyo busy lang sa trabaho kesyo maraming customer.

Kinabukasan nang bumaba ako nadatnan kong nakatulala si Mommy at may bakas din ng luha ang pisngi niya. Si Daddy naman ay nakaalalay kay Mommy habang hinahaplos ang likod nito, marahil ay tinatahan niya.

"Mom, Dad, what happened?" tumayo ako sa harapan nila. Agad naman akong tinignan ni Daddy. Napansin ko ding mamula mula ang mata niya, marahil siguro'y pinipigilang umiyak dahil sa kanya nalang humuhugot ng lakas si Mommy.

Tumikhim muna si Daddy bago nagsalita, "Anak, I need to talk with you privately for a minute. Hon, magpahinga kana muna. Manang, pakihatid naman po si Isabella sa itaas." tumango ako kay Daddy, hinalikan niya muna sa ulo si Mommy at may binulong pagtapos ay nauna nang umakyat sa itaas.

"Mom..." lumapit ako kay Mommy at hinawakan ko ang kamay niya, "Everything will be alright." nginitian ko siya at sinuklian niya din ako ng ngiti.

"Sundan mo na ang Daddy mo at ipapaliwanag niya sayo ang lahat anak. I hope you understand." My mom said kasabay ng pagbagsak ng luha niya. Pinunasan ko ito sabay tango at hinalikan siya sa pisngi bago umakyat.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang umaakyat sa hagdan. Kumakabog ang puso ko, parang alam ko na ang mangyayari. I'm just praying that this is not happening.

Pumasok ako sa kwarto ko at nakita ko si Daddy na nakaupo sa kama. Umupo din ako sa harap niya.

"Scarlette, anak..." hinto niya, "Nalulugi na ang kompanya natin." nanginig ang boses ni Daddy pagkasabi niya pero wala akong nakitang patak ng luha galing sa mata niya.  Marahil ay pinipigilan niyang umiyak.

"What? Daddy, are you kidding me?" napasapo ako sa mukha ko. Alam kong ganito na ang mangyayari pero nakakabigla pa din pala kapag iyong mismong narinig mo na.

"Remember Francisco? He has been stealing money from our company. I'm not sure as to how much, but I think it's a lot and I think it's been going on for quite some time now."

"P-paano? Papaanong nangyari Dad?!"

"I know, anak. Pinagkatiwalaan namin siya. Hindi namin inaakalang ganun ang mangyayari. Masyado kaming nagtiwala sakaniya. Nagkaroon din tayo ng utang sa iba't ibang kompanya kaya kailangan nating ibenta itong bahay at lup---"

"Oh my god," napapaiyak na din ako sa nangyayari. Hindi ko ma-imagine na mangyayari sa amin 'to.

"Sa tingin ko ay kapag nabenta itong bahay at lupa ay mababayaran ko ang utang sa iba't ibang kompanya. Pansamantala muna tayong makikitira sa Auntie mo sa Abra."

Mesmerized By YouWhere stories live. Discover now