Chapter 54

31.8K 1.2K 125
                                    

Zyron's POV

Si Alex, nandirito siya.

"Aaahhhhh barilin niyo ang walang hiyang pakalamerang yan!" asik nung lalaki at ininda yung tama niya sa kamay.

"Wag!" sigaw ko pero nilapitan siya ng mga tauhan nito.

Ang dami nila pero nagulat na lang ako ng may tumumba sa mga isa sa mga tauhan niya at hindi ko makita si paslit dahil hinarangan siya ng maraming lalaki.

Shet sana ayos lang siya.

Kasabay nun ang pagputok ng mga baril at isa-isang nag situmba yung mga lalaki at natatanaw ko na si paslit na nakadapa sa sahig at muling tumayo at sinipa yung lalaking lumapit sa kanya at pinutok ng lalaki yung baril niya kay paslit.

"Alex!" sigaw ko at akmang lalapit sa kanya ng may humarang, si Daryl.

"Akala ko wala ka ng gag* ka buhay ka pa pala" asik ko.

"Babayaran niyo pa yung pagiging pakalamero niyo sa amin ni Kent, uunahin ko muna kayo tapos isusunod ko si Kent at yung Nanay niya" sabi niya at ngumi.

Sarap sapakin ng isang'to.

"Dad!" napalingon ako kay Ziann na sumigaw at dinala pala si Dad ng mga lalaki.

"Oppss" pagharang sa akin ni Daryl.

"Alam mo nagtitimpi lang ako sa iyong hinayupak ka hah, may baril ka lang kasi eh" hiyaw ko at napakuyom ng kamao, siya naman nakangisi parin.

Napatingin ako kay Alex dahil sa may pumutok muli nabaril at unti-unting tumumba sa sahig yung nakabaril sa paa niya.

Naubos niya lahat ng humarang sa kanya. O___O

"Shet" dinig kong mura ni Daryl at ako naman ang ngumisi.

Nabigla na lang ako ng kunin ako ni Daryl at tinutok sa akin ang baril kaya tumigil sa paglapit sa amin si paslit na iika ika dahil sa tama niya sa kanang paa.

Ang gwapo ko para mawala sa earth. lord masyado pa maaga para dito.

"Subukan mong lumapit babarilin ko'to" giit ni Daryl habang lumalakad kami paatras.

"Wag kang lumapit" giit niya ulit at sinama niya akong umalis at hostage.

Endagered na ang gaya ko shet.

Alex's POV

Napariin na lang ang hawak ko sa baril ko ng makaalis si Daryl kasama si Zyron na hostage niya.

Tumayo ako ng maayos at pilit ibinalik sa normal ang binti kong nabaril. Nilapitan ko sina Zane na yakap ang Lola niyang nahimatay ata at si Ziann na nakatali ang kamay.

"Umalis na kayo dito, lahat ng nagbabantay sa labas napatumba ko na. Mag iingat kayo Zane at Ziann" sabi ko habang kinakalas ang tali sa kamay ni Ziann.

"Paano ka?" tanong ni Zane.

"Susundan ko yung mga nang hostage sa Dad niyo at si Zyron" sagot ko.

"Pero mag isa ka lang, baka may mangyaring masama sa iyo" asik ni Ziann at tinapik ko lang siya sa balikat.

"Promise, walang mangyayaring masama sa akin. Magtiwala lang kayo sa akin" sabi ko sabay ngiti.

Nagbuntong hininga si Zane at tumayo at ibinuhat ang Lola niya.

"Pangako mo yan hah" tipid niyang sabi at tinanguan ko siya.

"Paslit, mag iingat ka hah?" giit ni Ziann at tumango ako sa kanya.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsWhere stories live. Discover now