Chapter 44

35.2K 1.3K 202
                                    

Zyron's POV

Pauwi na kaming mansion ni paslit na magkahawak ang kamay! Aba syempre ng malaman ng dalawa kong kambal na ako talaga ang gusto ni paslit wahahahahahaha!




"Bitawan mo nga ang kamay ko" kanina pa siya nagrereklamo niyan pero di ko lang siya pinapansin.



"Zyron naman eh nakakahiya kaya!" reklamo niya ulit, tumigil naman ako at humarap sa kanya at tinignan siya.




"Ako hindi ako nahihiyang ipaalam sa lahat na mahal kita" nakangiti kong sabi, natigilan naman siya kaya ngumisi ako at bumalik sa dati naming pwesto na nasa tabi ko siya at hawak ang kamay niya at nagsimula ulit maglakad.



Iniisip ko parin yung sa mga kambal ko dahil gusto din nila si paslit pero hindi ko kayang magparaya na lang basta-basta lalo na't gumagawa na sila ng moves kay paslit dahil sinaktan ko siya. Pero sa totoo lang ang pinaka kinaseselosan ko ay si Zane, bagay kasi sila. Opposite attraction kumbaga dahil sa mga love story na nababasa ko lalo na sa anime suplado at pasaway ang nagkakatuluyan. Tska oo nagbabasa ako ng love stories, bakit masama?




Tska minsan si Ziann din kasi pag tinitignan ko silang dalawa bagay sila madami ngang nagsasabi na kung yan ba daw ang bagong chix ni Ziann at syempre sinasabi ko hindi.



Parehas kami ng ugali at parehas kaming abnormal pero sadyang may pagka mataray lang talaga siya.




"Zyron bakit ......... bakit mo ako mahal?" napatigil ako sa paglalakad at nagbuntong hinga sa tanong niya.



"Ewan ko" sagot ko at alam kong nakatingin yan sa akin ngayun.



"Pwede ba yun?" tanong niya ulit.





"Kahit ano naman atang dahilan pwede sa love" sagot ko.




"Eh Maid niyo lang kaya ako bakit ako pa?" this time humarap ako sa kanya at tinignan siya.




"Yung mga kambal ko nga nagustuhan ka din kaya wag ka ng magtaka dyan" sagot ko, bigla naman siyang napa gasp na kinakunot ng noo ko.




"Wag mo sabihing di mo alam?" tanong ko at tumango lang siya.




"Juskooo paslit! Bobo ka na nga manhid ka pa!" di ko makapaniwalang sabi kaya tinapakan niya ang paa ko.




"Aray namaaaaaannnnn!!!" reklamo ko at patalon-talon.




Mahal ko na nga siya ganyan pa siya?! Aba't ang swerte niya at minahal siya ng isang Zyron Jimenez!




"Pero totoo?" napa poker face naman ako sa pagtanong niya ulit.



"Oo nga kulit =____=" buryong kong sagot.



"Si Ziann naniniwala akong may gusto siya sa akin dahil sa sinabi niya, pero kay Zane? wala akong nakikitang signs na gusto niya ko" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na malalim ang iniisip.




Dapat pala di ko nalang sinabi sa kanya dahil baka ma pressure pa siya at hindi ako ang pipiliin. Ayoko nun.




"Paslit" panimula ko at tumingin siya sa akin.




"Kung sakali bang sabay sabay kaming manligaw sa'yo ............ ako ba ang pipiliin mo?" tanong ko at nakayuko.



Eh sa nahihiya ako eh!





Hinintay kong sumagot sya pero parang nabibinge ata ako sa katahimikan.




"Gusto ko sana ako ang piliin mo ......... pero kung di man ako, tatanggapin ko na lang kahit masakit"




Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon