Chapter 21

37.5K 1.5K 233
                                    



***********

Alex's POV

"Hindi ko alam na over na pala ang kabobohan mo at katangahan paslit HAHAHAHA!!!" lintik na pang aasar ni Zyron pagkadating namin sa Mansion nila.

"Manahimik ka nga kung ayaw mong pasukan ko ng panyo yang malaki mong bunganga!" pagbabanta ko na ikinapigil niya ng tawa niya pero di talaga niya mapigil kaya tawa siya ng tawa sa sofa.

"Talaga bang hind mo naalala yung pambayad? Paano kung di ka sinundan ni Ziann? Napahiya ka sa mga taong andun na nakapalibot sa'yo. Mukha kang tanga talaga" asik pa nitong si Zane at chini-check yung mga pinabili niya kung kumpleto.

"Alam niyo, ang sasama talaga ng ugali niyo ano?" naniningkit na mata kong sabi tapos tinawanan lang ako ng malakas ni Zyron, ini-snob ni Zane at binabato ni Ziann ng papel na crumple at sinasabing "Bobo! Bobo!"

"Alam namin HAHAHAHAH!!" sa totoo lang uunahin kong patayin si Zyron bago yung dalawa. Lagi niya kong gustong pikunin!

"Mga lecheng, walang kwenta, hudas, may saling demonyo at mga walang pusong nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw!" sigaw ko at malakas na nagdabog paalis.

Nagpunta akong Maids Room at humiga muna at di nagpalit ng uniform. Mamaya ko na nga ito lalabhan, dagdag gawain naman tss! Tumayo ako at nag unat unat at tinaggal ang isang botones ng long sleeve ko pero may kumatok.


"Alex, pinapatawag ka ni Mr.Jimenez sa office niya" sabi ni Ate Celia at humayo.


Ano kayang kailangan ni Mr.Jimenez?



Umakyat akong second floor at di na nga nakapagpalit ng uniform! Leste!

"Goodmorning p----" napatigil ako ng makita si Mr.Jimenez na may hawak na baril at nakatutok sa akin. Pero syempre joke lang yun, nandito lang na naman kasi yung tatlo.

"Good Afternoon, bobo" pag tatama sa akin ni Zane, edi siya na!

"Edi Good Afternoon! Pero ano nga bang good sa afternoon ko kung nakikita ko kayo? Kaya Bad Afternoon" pagtataray ko at ng ma realize ko na nasa harap ko pala si Mr.Jimenez napatakip ako ng bibig at nag peace sign.

"Sorry po!" agad akong pag hingi ng paumanhin at tumawa ng mahina si Mr.Jimenez.

"It's okay, by the way. Diba last examination niyo na bukas for 3rd quarter diba? So kailangan niyong mag aral maigi dahil pa graduate na kayo. Wala kasi akong makitang pwedeng maging tutor niyo mga anak, kaya naisipan kong si Alex na lang magturo sa inyo dahil nakita ko ang mga grades niya na okay lahat at matataas. Kaya si Alex ay Tutor niyo din"





Spell N-G-A-N-G-A at ako yan. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Mr.Jimenez at parang gusto ng mamatay ng maaga. Konsumisyon na naman yang tatlong yan, paano naman ako?! Paano na ako makakapag review?


"Dad, wala kaming matutunan dyan kay paslit dahil Bobo yan HAHAHAHA!!" sabi ni Zyron at in-emphasize pa yung word na 'bobo'

"Hahahah oo nga Dad! Baka mahawaan pa kami ng kabobohan niyan!" gatong pa ni Ziann sabay nag apir sila ng walang hiya niyang kambal.

"Tss, kalimutan ba naman yung pambayad sa mga pinibili namin? Napaka bobo talaga, buti sinundan pa siya ni Ziann. Bobong bobo" dagdag pa ni Zane, na ikinasama ko ng tingin sa kanya, maka bobo sila hah! Edi sila na genius.

"Seriously? Buti nasundan ka ni Ziann. But by the way, we have no choice kids. Si Alex na ang tutor niyo, nakalimutan niya lang siguro. Sige na and I have many papers to do" pagtaboy sa amin ni Mr.Jimenez at patuloy yung tatlo sa pagsabi nila ng 'bobo' sa akin.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon