Chapter 43

36.8K 1.4K 217
                                    

Zyron's POV

Gumising ako ng tanghaling tapat na at nandirito parin sa bahay ni Kent, hindi ako pumasok kasi ......... kasi ano.

Nahihiya ako sa mga pinaggawa ko.

Lalo na kay paslit.

Nagluto ako kumain ng marami pero pabalik-balik parin sa utak ko yung mga tungkol kay paslit, napatigil ako sa pag nguya ng maalala ko ng halikan ko siya matapos ng maubos ko yung stick-O na kagat niya. Well wala naman talaga akong balak halikan siya gusto ko lang ay asarin siya pero hindi ko na alam ang tumakbo sa isip ko nung naubos na totally ang stick-O na nasa bibig niya at namalayan ko na lang na hinalikan ko siya.

Nabigla ako sa ginawa ko pero wala akong pinagsisihan dun at ang saya saya ko pa nga eh.

Nakita ko sa salamin dito sa dining ni Kent ang itsura ko at ang creepy ko shet! Bat ba kaso may salamin dito eh dining room kaya 'to!

Binilisan ko na lang ang pagkain at naligo na. Aalis ako, magpapahinga muna ako at mag iisip para maliwanagan ang utak ko.

I want to clear all my mess na nagawa ko.



***



Tanghaling tapat nasa isang park ako dito at nakaupo, ang daming mag kasintahan, mga bata, pamilya ang narito. Ako isang dakilang loner na gwapo.

Nakaupo ako sa isang upuan at nagpapahangin, nabalitaan ko yung pumunta daw mag isa sa Ospital si paslit pagkatapos ng ginawa ko. Ang sama ko talagang tao, may lagnat pala siya ng araw na yun kaya napansin ko ang pamumutla at yung mga mata niya ay matamlay. Pero bakit siya di nagpasama at mag isang dinala ang sarili niya sa Ospital? baliw talaga siya. Paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya diba?




Konsensya: di mo kakayanin, kailangan mo pang humingi ng tawad sa kanya. Di mo kakayaning mawala siya.




Pa extra tong konsensya na'to ba. Edi ikaw na!




Tumayo ako at ibinaba ang suot kong cap para walang makakita sa akin at umalis.



Pumunta akong school pero di ako pumasok, nasa labas lang ako at inaantay siya. Oo siya, si paslit inaantay kong makalabas ng school. Pero di muna ako lalapit sa kanya titignan ko lang siya muli dito sa malayo, ng may lumabas ng estudyante binaba ko ang cap ko para takpan ang mukha ko.



Ang tagal naman lumabas ng isang yun. Sa pag aantay ko napatingin ako sa katabi kong ice cream vendor. Makabili nga.


"Kuya pabili nga po" sabi ko.



Tinignan ko yung mga color nung ice cream.


"Kuya pwede yung itong black na'to ang cool eh" turo ko sa black na ice cream na ....umm mukhang ewan ang itsura pero nakaka curious kasi yung lasa diba?




"Sige po" sabi nung vendor.





Inabot sa akin ng vendor yung ice cream ko at dinilaan muna ito sabay kinain. Ang sarap naman pala.



Alex's POV




"Sige mauna na kayo susunod na lang ako!" hiyaw ko at lumabas ng school.


Nakakita kasi ako ng ice cream na nagtitililing kaya gusto kong bumili. Tumakbo akong parang bata doon at bumili.



"Kuya ano flavor?" tanong ko.




"Eto ija" sabi nung nagtitinda at pinakita sa akin.

Lah?! May itim na ice cream, ayos tong si Kuya huh.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsWhere stories live. Discover now