The Class President

Start from the beginning
                                    

"Hmm.", Pagkatapos naglakad na siya papunta sa cashier.

Ano bang nangyari sa akin kanina? Totoo ba yung nakita ko kanina o isa lang siyang guni-guni? Baka dala lang 'to nang matinding gutom at pagod ko. Hay~ ano bang nangyayari sa akin? Nagulat ako nung marinig ko ulit yung nakakangilong tunog.

Kaya agad kong tinakpan ulit yung dalawang tenga ko. Ano ba?! Please... tumigil ka na! Pagtingin ko sa harap ko nakita ko nanaman yung salamin tapos yung reflection ko nanaman. N-nakangiti siya sa akin.

"Jahz, the class president of class 2 year 3. Malapit nang matapos yung pamumuno mo sa section niyo dahil ako na ang papalit sayo... malapit na.", H-hindi ko talaga siya maintindihan.

Nagulat nanaman ako nung may humawak bigla sa balikat ko.

"Jahz. Ok ka lang ba talaga? Eto na yung pagkain mo... kumain ka na.", S-si Izza lang pala. Umupo siya sa harapan ko.

"Jahz. Yung totoo, ok ka lang ba talaga?", Tumingin ako kay Izza.

"Izza. K-kasi... m-may--", Hindi ko na natapos yung gusto kong sabihin kay Izza dahil bigla kong nakita si Mr. Norman.

Tingin ko kailangan namin siyang sundan.

"Izza. Samahan mo ako. Sundan natin si Mr. Norman.", Sabay kaming tumayo at kumilos.

Pasekreto kaming nakasunod sa likod ni Mr. Norman. Nandito kami ngayon sa 4th floor ng school. A-ano naman yung ginagawa niya dito? Nung nakita naming biglang lumiko si Mr. Norman agad kaming nagmadali sa paglalakad para hindi siya mawala sa paningin namin.

Pero pagliko namin nagulat kami nung biglang nawala si Mr. Norman.

"A-asaan na siya?", Tumingin kami ni Izza sa isa't isa.

"Alam ko dito lang siya dumaan eh. Saan naman kaya siya pumunta?", Sabay kaming nagulat ni Izza nung may nagsalita sa likod naming dalawa.

"Ako ba ang hinahanap niyo?", My goodness, s-si Mr. Norman!

Pinapunta kami ni Izza sa counseling room para kausapin kami ng guidance counselor at ni Mr. Norman. Sinabi lang namin ang lahat ng nalalaman namin. Yung mga kahinahinalang pinanggagawa ni Mr. Norman.

"So ang ibig niyong sabihin si Mr. Norman... may ginawang masama sa iba niyong mga kaklaseng babae?", Nagtaka kami bigla ni Izza nung tumawa yung guidance counselor.

"Totoo po yung sinasabi namin. Hindi po kami nagbibiro. Isang masamang teacher si Mr. Norman. Sa totoo nga po, kinulong niya kami sa computer room para maisagawa nang maayos yung masamang balak niya kay Ella.", Sabi ni Izza.

"Izza. Hindi ko kayo kinulong. Bat ko naman gagawin yun? Mga estudyante ko kayo, hinding-hindi ko magagawa yun sa inyo at tsaka pinapunta ko kayo doon para dalhin ang mga papeles. Humihingi ako nang pasensya dahil mali ang mga papeles na ibinigay ko sa inyo. Patawad.", Tsk hindi kami naniniwala sa mga sinasabi mo.

"Tsaka Izza, Jahz yung pinto talaga ng computer room na yun sira kaya may possibilities na malock kayo sa loob. Hindi naman sinasadya ni Mr. Norman yung nangyari. Humingi nga rin siya nang pasensya sa akin... at ngayon sa inyo.", Sinungaling po yan!

"Kung hindi po talaga totoo yung mga sinasabi namin tungkol sa inyo. Asaan po yung mga kaklase namin?", Ngayon malalaman na talaga namin na nagsisinungaling ka.

Sinamahan kami ni Mr. Norman papunta sa 4th floor ng school at pumunta kami sa room 303. Nanlaki yung mga mata namin ni Izza nung makita namin yung mga kaklase naming inakala naming nawala. Andito silang lahat... pero parang may mali dito.

"Yan sila. Dinala ko sila dito dahil may nagawa silang malaking kasalanan at dito ko sila tinuturuan ng leksyon. Kasama na din sa parusa nila ay ang makalimutan sila ng mga iba niyo pang kaklase.", Alam kong plinano niya tong lahat.

"Pasensya na kayo Mr. Norman. May mga bata talagang ganyan. Sige may kailangan pa ako gawin. Maiwan ko na kayo.", Pero may sasabihin pa ako.

Agad nang umalis yung guidance counselor namin. Pag-alis niya nakangiting humarap sa amin si Mr. Norman.

"Ok lang kahit hindi kayo humingi nang patawad pero ayaw kong maulit ulit tong pangyayaring na 'to. Sige maiwan ko na kayo.", Ano bang nangyayari dito?

Bigla akong hinawakan ni Izza sa braso.

"Jahz. P-parang talo na tayo ngayon. Y-yung mga sinabi ni Mr. Norman madali niyang napaniwala yung guidance counselor natin pero totoo ba yung mga sinabi niya? Yun ang kailangan nating alamin.", Alam kong hindi...

Tiningnan ko ulit yung mga iba naming mga kaklase sa loob ng room 303. Kayo ba talaga yan? Bat parang napakatahimik niyong lahat? Nagulat ako nung sabay sabay silang tumingin sa akin nang seryoso. Grabe n-nakakatakot naman silang lahat!

Para talagang may mali dito. Tinititigan ko nang seryoso si Ella. Nanlaki yung mga mata ko nung may marinig akong mga boses ng mga babae. Tulong... tulungan niyo kami... Jahz tulungan mo kami....

Kayo ba yun? Kayo ba yun, Ella? Ano ba 'to h-hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Ano ba talaga ang nangyayari dito?

Izza's POV.

Kinabukasan.

Ano na bang nangyayari? Kailangan ba naming paniwalaan si Mr. Norman? Pero... naimbestigahan na namin siya matagal na. Siguro tama si Jahz, pati na din ako baka plinano lahat ni Mr. Norman ang lahat. Nasa loob ako ng classroom namin.

Bat kaya hindi pa dumadating si Jahz? Hindi ba siya papasok ngayon? K-kung hindi siya papasok dapat tinext niya ako. Ano na kayang nangyari kay Jahz? Hay~ kinakabahan tuloy ako.

Jahz' POV.

Pagpasok ko sa school. Hindi ako dumiretso sa classroom namin kundi dumiretso ako sa counseling room. Kailangan kong makausap si Mr. Norman. Pagdating ko sa counseling room kumatok muna ako bago pumasok sa loob.

Pagkatapos kong kumatok dahan-dahan ko nang binuksan yung pinto. Pagbukas ko nakita ko agad si Mr. Norman na nakatayo at parang alam na darating ako.

"Jahz. Bat ka pumunta dito? May kailangan ka ba?", Seryoso akong naglakad palapit sa kanya.

"May gusto lang po akong alamin.", Sumeryoso bigla yung itsura ni Mr. Norman.

"Alam kong matagal mo na akong minamanmanan. Kasama mo pa yung kaibigan mong si Izza. Gusto ko lang malaman... May mga nalaman ka na ba? May mga nalaman na ba kayo ni Izza?", N-natatakot na ako.

"Tungkol po sa isang kontrata at sa litratong hiningi niyo kay Izza. Para saan po yun?", Nanginig ako nung biglang umupo si Mr. Norman sa harap ko.

"Bago ko sagutin yan. Umupo ka muna.", O-ok.

Nakaupo na ako.

"Jahz. Ang Class President ng Class 2 year 3. Ikaw ang pinakamaalagang class president. Hindi mo hinahayaang may masamang mangyari sa iba mong mga kaklase. Kaya ngayon gumagawa ka ng paraan para iligtas sila pero... hindi ka parati nagtatagumpay. Gusto mo bang malaman kung nasaan talaga sila?", Yan... sasabihin na niya ang totoo.

{Malalaman na ba ni Jahz kung nasaan talaga ang mga iba niyang kaklaseng babae? ABANGAN.}

-End of Chapter 34-

Class 2 - 3 | Tagalog StoryWhere stories live. Discover now