ChapteR 10

182 5 1
                                    

Naging masaya ang bonding namin buong gabi.


Hinatid ni kuya si Yvette dahil may pasok pa kami, una ayaw pa niyang magpahatid pero napapayag na din nung sila mama yung kumausap.


Hindi na ako sumama dahil gusto kung mawala yung galit niya kay kuya, para na din magkaayos sila. Ewan ko ba kung ano problema niya kay kuya.


Si kuya Cyruss naman dito na natulog dahil ready na siya kagabi pa, kaya pala ang laki ng bag niyang dala kagabi para daw dito na siya matulog.


"Kain na anak  at baka malate ka nanaman" Hinain na ni papa yung Hot cake sa lamesa.


"Gisingin mo na si Cyruss at si Raileigh may pasok din yang mga yan." sabi ni mama habang nilalagyan ng strawberry syrup yung pagkain namin. *Drools*


"Opo" Umakyat na ako sa kwarto ni kuya pero bago yun nakita kong bukas yung kwarto nina Raileigh at baby Shanel.


"Bunso gising na. May pasok ka pa" Naghigab siya at Kinusot-kusot ang mga mata niya. Bumangon na at diretso sa baba. How CUTE ^__^


Nahagip naman ng mata ko si Baby Shanel na mukang nagising na din.


Binuhat ko siya at hinele-hele dahil mukang antok pa siya maaga pa naman.


Pumunta na ako sa kwarto ni kuya cyruss habang buhat-buhat si Baby.


"Kuya Gising na" Sinipa ko nalang siya  dahil hindi ko maigalaw ang kamay ko na yakap si Shanel.


"HMMMM~" aba at ayaw pa talaga bumangon.


"Kuya Bangon Na!" *BOOGGSH* ahahaha nalaglag siya sa kama, Sorry napalakas ang sipa ko ^__^


"ARAY NAMAN! PANIRA NG TULOG~"


"SHHHH!! kuya Baka magising si Shanel" pabulong kong tugon. Tinakpan naman niya ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig at bumangon na.


"Sorry, ikaw kasi pwede naman tapikin lang ako, naninipa pa hindi pala sipa kundi sobrang lakas na tadyak pa." Hahaha parang batang nagrereklamo si kuya dahil nakapout pa siya.


Bakit ba nauso yang pout na yan, pag ako may nakita pang nagpout hahalikan ko na talaga. Wahahaha JOWK lang >__<.


OK. Back to reality.


Ang bigat na talaga ni Shanel kahit Isang taon palang siya. Napansin naman yata ni kuya 'yon kaya kinuha niya si Shanel saakin.


"Ang laki na talaga niya no?" nakangiting tugon niya.


Gusto ko siyang barahin at sabihing obvious nga nakikita ko kaso mukang seryoso yung muka niya.


I PULLED HIS PANTS (under construction)Where stories live. Discover now