ChapteR 8

204 3 0
                                    

"Sir ito na po 'yung activity namin sa accounting. Bakit naman po kasi nasa laboratory room 'yun!" Close kami ni sir kasi kaibigan siya ng kuya ko. Fresh from graduate pero napasok na agad siya dito.


" Sungit mo naman ngayon Asa. Ano ba nakain mo?" Nako naman kasi kung hindi ko lang teacher 'tong si Sir Santos malapit-lapit ko na siyang mabatukan.


"Tigil- tigilan mo nga ko sa kakaASA nyo Sir Santos nakalimutan ko na yan. Isa pa bakit kayo nasa laboratory room? wala naman connect ang Science sa Accounting?" Siguro lumandi nanaman si Sir sa teacher ng Chemistry doon, hilig sa chicks.


Dahil nga tropa siya ng kuya ko. Ay! hindi lang pala tropa bestfriend pa, kaya alam niya lahat ng tungkol sakin dahil chismoso yang si kuya. Pero love ko yan! para kasing kapatid ko na yan. Laging laman ng bahay kulang nalang hindi na umuwi sakanila.


Ayoko siyang tinatawag na kuya pag nandito kami sa school naisip ko kasi na baka nakakabastos naman sakanya syempre teacher ko pa din naman siya kahit kaibigan siya ni kuya. His name is Cyruss Santos.


"Sorry nawala sa isip ko. Masyado ka namang pormal baby ko." kinindatan pa ako. Ambaduy Baby niya? Ang tanda ko na kaya.

Saka bakit ba lahat sila baby yung tawag sakin? Muka ba talaga akong sanggol? -_-


"Wag ka malandi Sir babatukan na talaga kita." Umarte ako na parang babatukan talaga siya.

"Nakakapandiri pag ikaw nagsasabi ng Sir baby ko." ginagawa nanaman akong bata ni kuya.


"Sir hindi na nga po ako bata ilang beses ko na bang sinasabi sainyo 'yan" I pout kahit hindi na bagay sakin.


"Hindi na ba? Akala ko bunso ka pa rin namin ng kuya mo. Siguro may boyfriend ka na 'no? " tumayo siya sa pagkakaupo, lumapit sakin at ginawa ang lagi niyang ginagawa simula ng bata ako. Iyon ang paggulo ang buhok ko.


"Kuya naman ang kulit" tinapik ko ang kamay niya.


Hindi nanaman nyan titigilan ang paggulo sa buhok ko pag hindi ko tinanggal ang kamay niya.


"Oh! e' di tinawag mo na din akong kuya Hahaha! Pikon ka pa din hanggang ngayon." kinurot niya pa ang pisngi ko." Hindi na nga pala ikaw ang baby ko" dagdag pa niya.


"Sino na pala?"kuno't noong tanong ko sakanya, baka may girlfriend na si kuya. Sino nga naman makakatanggi sa alindog at kagwapuhan nito.


"Si Shanel Ariel nalang baby ko hindi na ikaw :P" aba at nang-agaw pa.


"Heh! Akin yon! baby ko 'yon mangaagaw. Uuwi na nga ko ang gulo mo. Susumbong kita kay kuya inaaway mo ko " Ahead si kuya Cyruss sakin ng five years mabait siya at sobrang sweet saming magkakapatid palibhasa walang kapatid kaya sabik masyado.


"Hahaha joke lang. Sige umuwi ka na kamusta mo ko kay kuya mo ha? Busy kamo ako kaya ako nalang tatawag sakanya pag may time babye ingat baby ko---" someone cut our conversation.


"Ahh, Ehh Sir ito na po yung susi ng laboratory room" Eustace entered the room without even knocking. Unbelievable. 


"Sige, ilagay mo nalang diyan then you may go." Wika ni Sir kay Mr. Eustace. Yan ang isang dahilan kung bakit masyado akong pormal kay kuya kapag nandito kami sa school.


Nakakailang kasi napakapormal niya sa iba tapos sakin parang kaibigan lang diba? Ano nalang iisipin ng iba sip-sip ako sa teachers? Ewww.. No way..


"Sir mauna na po ako" lumingon siya sakin pati na din si Eustace na masama ang tingin. 


Biglang lumambot yung itsura ni kuya. Yung masungit niyang muka naging maamo. Kaya lalong napakunot ng noo si Eustace.


"You too Mr. Eustace you may go"sabay baling sakin "Sige! Ingat ka baby text mo ko pag nakauwi ka na ha? Bye-bye I love you" hindi padin nagbabago si kuya sa kasweetan niya. Kaya lagi kaming napagkakamalang magjowa eh. 


"Sige po.. kayo din Sir, I love you too" Sabay kaming lumabas ng room ni Mr. Eustace tininignan niya ko na parang diring-diri.


Ay shit nawala sa isip ko na bawal maging sweet pag may kaharap na ibang tao. Hindi ko naman kasi pwedeng isnobin si kuya magtatampo yun :3  


"Yuck! Pumapatol sa Teacher!!!!"Magsasalita pa sana ko pero hindi na siya kumibong muli at umalis na.


Nako patay ako niyan. Mr. Eustace ano bang gagawin ko sayo, sakit ka masyado sa ulo.

----------------------------------------------

WUssshhhuuu~

Pasensya na tamad si Author ngayon magupdate, Nagkawriters block ako ih. Babawi ako ngayong mga susunod na araw dahil walang pasok :D.

hope you like it???... Vomment and be a fan.. I need you support nawawalan akong ganang ituloy tong story na ito.

Darkpupa_28

I PULLED HIS PANTS (under construction)Where stories live. Discover now