ChapteR 5

384 8 3
                                    

"Mukang masaya 'yan. Isali niyo naman ako" patakbo siya pumunta sa pwesto namin. Sus nandito nanaman ang makulit.


"Anong nanamang ginagawa mo dito?" Umayos na kami ng upo ni Yveth.


"Ang aga-aga ang sungit mo. Syempre ano bang ginagawa dito? Malamang kakain. Nako naubusan ka na ba ng common sense? Halika dito iki-kiss kita para madagdagan." pamimilosopo niya sakin, ang gandang bungad nanaman niyan.


Ano pa bang aasahan ko sa taong 'to? -_-


"Wag nalang baka mahawahan mo pa ako ng aids mo." tinulak tulak ko pa siya dahil ayaw niyang tigilan ang pag-nguso niya.


"For your information baby hindi basta basta nahahawa ang aids depende nalang kung may sugat ka sa labi or many liters of saliva kaya kahit araw-arawin pa kitang ikiss hindi ka agad mahahawa." at ano naman kayang kamanyakan ang sumapi sa kanya ngayon?


"At bakit mo naman alam 'yan siguro sinasabi mo 'yan araw araw sa mga babae mo para hindi sila--"binatukan niya ko.


"Hay nako wala akong aids pwede ba. Ano pang purpose ng pagmemedtech ko kung wala din akong matututunan." nilapag niya na ang binili niyang pagkain at sinimulang kainin. Nakipagkulitan nalang ako sa kanila imbis na sirain ang araw ko.


"Wow congratulations may utak ka pala." balik na inis ko sakanya.


"Matagal nang meron. Ikaw lang naman ang wala sa ating tatlo."Hindi talaga ko mananalo sa kanya. Maya maya napatingin ako kay Yveth.


"Akala ko nakalimutan niyo na kasama niyo ko." pwede ba naman 'yon.


Third Person P.O.V


Habang nagkukulitan ang dalawang magkaibigan isama mo pa ang kanyang kaibigan kuno.


Titig na titig naman ang binata sakanya na parang lutang at inaaalala ang mga nangyari.


Sa kabilang dako pumasok ang nilalang na umaapaw ang kayabangan este kagwapuhan.


Nang napadako ang tingin ni Angel Sophia Al sa lalaki hindi niya ito pinansin ngunit ng ngumiti ito sakanya napansin niyang pamilyar ito.


Lumapit ito sa upuan nila at umupo sa katabing upuan ni Angel. Si Yveth naman ay napanganga nalang dahil sa kagwapuhan ng binata.


Angel Sophia Al's P.O.V


"Please lang wag mo nang tanungin kung bakit ako nandito, cause I won't stop 'till we get even" hindi pa nga ako nagsasalita nanguna na agad.


"Wala 'kong pakialam sa revenge thingy mo, at isa pa kung ipagpipilitan mo nanaman yung about sa I pull your pants down hindi ko sinasadya.. ok?. Hindi ko ba alam kung bakit nagkabato o kung ano man 'yun sa airport imposible talaga!. Kaya pwede ba tumigil ka na kung ayaw mong ipagkalat ko dito yung boxer mo ^_^v" walang hingahang sabi ko na may halong pamba-black mail.

I PULLED HIS PANTS (under construction)Where stories live. Discover now