Chapter 8: Satisfied

Start from the beginning
                                    

Angel: He wants to talk to me. Should I?

Constantino: It's your decision, Angel. Don't ask me...

Angel: I don't want to talk to him. Baka kasi maiyak lang ako...uhm, can you fetch me early today? Nakabihis na ako.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Seriously, the mere mention of Dwight's name makes me want to explode. Tapos ay malalaman ko pang nasa bahay siya ni Sav at gusto niyang ihatid si Sav para makausap!

Constantino: Sure?

Angel: Sure :)

Constantino: Okay, maliligo lang ako. Sasabay sa atin si Genieva, ayos lang?

Angel: Ofc! No prob!

Constantino: Okay...go back to your room, please.

Angel: Sige po.

Nagmamadali akong naligo at nagbihis ng uniform. Paglabas ko ay nakaayos na din si Genieva. Nakaupo siya sa malaki niyang Barbie bag habang si Mommy at Daddy ay nag-uusap tungkol sa itatayo nilang business. Pastry house dahil mahilig talaga mag-bake si Mommy.

"Good morning, Ma, Dad." Bati ko sa kanila, "We'll go now."

"Is it okay kung sunduin mo din siya later? Twelve thirty ang uwi niya. Kaya ba?" Mom asked.

"I'll try. Bye." Humalik ako sa pisngi ni Mommy at nagmamadaling hilahin ang bag ni Genieva.

"Sasabay si Ate Savanna?" She asked smiling. Tumango ako. Tumango din siya at pumasok sa backseat.

I grabbed my phone and texted Savanna as I revved the engine.

To: Angel
Paalis na ako.

Agad siyang nagreply ng, Ingat.

Nag-pokus ako sa pagdadrive. Binaba ko ang bintana nang dumaan sa guard house sa labas ng subdivision. The guard nodded at me when he saw me. Nagtuloy-tuloy ako hanggang sa makarating sa bahay ni Sav.

"Wait here." I told my sister bago lumabas. Manong Julio greeted me good morning saka ako pinapasok.

Kumatok ako sa pinto. Savanna was the one to open it. She looks relieved to see me, "He's still there. Tara sa loob. I'll just get my things."

Ginulo ko ang nakalugay niyang buhok bago tumango at pumasok. Tita Shanty was happy to see me dahil mabilis niya akong dinaluhan, "Cryd!"

"Hi po, Tita." She smiled and gestured me to sit with them sa dining table pero tumanggi ako, "Kumain na po ako. Sinusundo ko lang po si Sav."

"I thought Dwight will drive her to school?" Tito Joseff asked, "Magandang umaga nga pala, Cryd."

"Magandang umaga, Tito."

Nandoon si Dwight and I can see him giving me a stern look. Pero hindi ko na ginantihan ang tingin niya.

"Araw-araw na bang nagpapasundo iyang si Sav?" Asked Tita Shanty.

I Heard YouWhere stories live. Discover now