Chapter 7: Basketball

Comincia dall'inizio
                                    

"Sure. I'll give you an hour tapos ay kukunin ko na ang dalawa. Sa outdoor court nalang kayo dahil gagamitin ang indoor ng team." Ngumiti si Coach at tinapik ako sa balikat, "Good luck. Just inform me if you want to join the team."

Ngumiti na lamang ako kahit wala akong plano. Graduating na kami so what's the use of joining?

My main agenda here is to impress Sav. Why impress her? Dunno. Feel ko lang magpasikat sa kanya.

Nagpalit muna kami ng damit bago lumabas para makapagstretching saglit at magsimula na.

"Nakakapanibago ka talaga, Cryd." Halakhak ni Nico habang tinuturuan ako ng tamang pagdribble. Si Will naman ang nagsasabi ng mga do's and dont's sa loob ng court.

I'm a fast learner so nagets ko agad ang mga tinuturo nila. After thirty minutes, they told me to do two point shots. Out of ten, pito ang nashoot ko. Not bad for a beginner.

"Bakit ba ngayon mo lang nakilala si Sav? May potential ka eh!" Ani Will. Ngumisi nalang ako at umatras para makasimula sa three points shots.

"Ka-team niyo si Bruce, diba?"

"Arellano? Oo, bakit?" Nico answered.

"Wala. Magaling ba?"

"Oo naman! Captain namin iyon eh!" Will said proudly. Ngumuso ako. Kaya naman pala crush ni Sav eh.

I gripped the ball tight at umayos ng posisyon para makashoot ng three points. Kaso natigil ako nang makita si Savanna kasama sina Reina at Velvet.

"Babe!" Nico shouted.

"Velvs!" Sigaw naman ni Will.

Samantalang ako ay ngumiti at tumakbo patungo kay Sav. Well, she can't hear me so shouting her name's no use.

"Akala ko ayaw mo ng basketball?" Kunot-noo niyang tanong. She was holding a can of Coke tsaka burger. Nakasuot ang bag niya sa likod.

Pinanlisikan ako ng mata ng dalawang babaw. Tinaasan ko lang sila ng kilay saka hinila si Sav sa bench sa gilid.

"Maaga kaming pinauwi dahil walang teacher. Itetext sana kita kaso namataan ko sina Reina kaya sumama muna ako sa kanila." She explained voluntarily. Napangiti ako roon saka kinuha ang hawak niyang Coke.

"Hey!" She protested nang buksan ko ito at inumin, "That's mine. Bumili ka ng iyo!"

Kinuha niya itong muli sa akin at nilayo. Napahalakhak ako sa kacute-an na pinakita niya. Everything about her is so, so cute!

"Hoy, Constantine. Alis! Pwesto ko 'yan!" Masungit na sabi ni Reina.

Tumayo ako at nag-bow sa kanya, "Pasensya na po, mahal na Reina."

"Aba!"

Bago niya pa ako mahampas ng makapal niyang kamay ay nagtungo na ako kina Nico.

"Bruh, kaibigan lang talaga?" He teased. Kinuha ko sa kanya ang bola, "Ilang three point shots ba?"

"Sampu lang muna. Diretso na kami sa training pagkatapos." Ani Will.

Tumango ako at pumwesto na. Sumulyap ako kay Sav at nakita kong nakangiti siya sa akin. Nag-iwas agad ako ng tingin nang makaramdam ng kung ano sa aking tiyan.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mabuti ang bola. Kabado akong ishinoot ang pang-unang shot kaya kumapos ito.

"Butata! Wala kwenta!" Reina trashtalked.

Umismid ako at nag-try pa ng isa. Shit. Nadidistract talaga ako dahil nakatingin si Sav!

I bit my lower lip and tried my best to shoot. Out of ten shots, isa lang ang na-shoot ko.

I Heard YouDove le storie prendono vita. Scoprilo ora