Infatuation.07

135K 3.7K 358
                                    

"Wala ang Doña?"

Nanlalaki ang mga mata ko habang kausap ko si Sheena. Nasa loob kami ng silid ko sa masyon at nasabi niya lang na umalis daw ang Doña para sa isang business trip. Isang linggo itong mawalala.

"Oo, Miss Apollo, pero hindi naman ibig sabihin na wala kang class kay Miss Laviña." Tiningnan ko siya. Marinig ko lang ang pangalan na iyon ay nabuburyong na ako. Hindi naman sa ayoko sa kanya peroa ayaw ko talaga sa kanya. She just seems so uptight, minsan pakiramdam ko, na-Jed Salang din siya ng boyfriend niya dati kaya laging mainit ang ulo niya sa akin. Napabuntong-hininga ako. Martes pa lang pero pakiramdam ko Lunes pa rin, ang dami-dami niyang pinapagawa sa akin, ang dami niyang pinapabasa. Daig niya pa iyong professor ko noong college, siya kung magpa-assigment, buong libro! Akala yata niya ako si bionic woman.

Tiningnan ko ang mga librong nakaharap sa akin. Nanghihina na ako, kailangan ko ng lakas. Kinuha ko ang I-phone ko at saka pinundot ang numero ni Gene. Alam kong kapag nakita ko ang Baby Boy ko, ma-iinspire ako bigla.

Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

"Hey, baby girl!" Bati niya sa akin. Kinilig na naman ako.

"Baby boy, face time tayo. I wanna see you." Sabi ko sa kanya. Binaba ko ulit ang phone at saka pinundot ang icon ng face time, maya-maya lang ay magkaharap na kami ni Gene. Nasa opisina pa rin siya. Napangiti ako, ang gwapo talaga ng baby boy ko!

"What's up?" He asked me still smiling. "I'm thinking about you right now." I sighed. Wala na, buo na ang araw ko, kayak o nang tumagal hanggang next year, masasagutan ko na lahat ng pasasagutan sa akin ni Miss Laviña. Napangiti ako.

"Kailangan ko ng inspiration kata kita tinawagan. I miss you baby boy." Pinatulis ko pa ang nguso ko. Gene laughed like there was no tomorrow. Mukhang tuwang-tuwa na naman ito sa kanya.

"Ginagawa mo na naman akong clown!" Umingos ako. Lalo siyang humalakhak. I like seeing Gene laugh like that. Nakakagaan nang loob.

"Baby girl, di ka pa pwedeng lumabas ngayon?" Tanong niya sa akin. I bit my lower lip, kahit na gusto ko siyang makita, hindi naman pwede kasi marami akong ginagawa.

"Sa susunod na Sunday na lang ulit, Baby boy." Sabi ko sa kanya. Natawa ako. Hindi pa kami mag-bpyfriend ni Gene pero may tawagan na kami. Hindi ko nga alam kung paano nagsimula basta noonbg nag-date kami noong Sunday, natawag niya akong baby girl kaya baby boy na din ang tawag ko sa kanya.

"Sayang... I mis pa naman your lips." Sabi pa niya.

"Hmp! Diba ligaw lang? Kapag ligaw walang kiss saka no touch."

"Oo, na, sige-sige pero okay lang naman na ma-miss ka, diba baby girl?

He asked me. Shocks! Bakit ba ang sweet ng mokong na ito? Wala pang moment na nag-uusap kami o magkasama nang hindi ako kinikilig. Kahit noon pa na si Alexis ang nililigawan niya, tinitingnan niya pa lang ako, kinikilig na ako.

"Baby girl, I have to go, may dumating akong client. I love you."

Natigilan ako. Tinapos ni Gene ang face time namin. My mouth literally fell open, did he just said: I love you to me sa face time?

Oh my gosh!

Napatayo ako.

"Sheena!" Tinawag ko si Sheena, she came in running towards me. Nilapitan ko siya at saka hinawakan ang kamay niya tapos nagtatalon ako.

"Nag-I love you sa akin iyong crush ko!" Tili ako nang tili. Napatili na rin si Sheena.

"Si Baby boy?!" She exclaimed. Tumango ako. The next thing I knew we were both jumping up and down. Masaya talaga ako, mukhang tulad ng kapatid ko ay magkaka-love life na rin ako sa wakas after so many years!

Infatuation (Published)Where stories live. Discover now